You Belong With Me [Chapter 43: Pakisabi Na Lang]

1.3K 20 6
                                    

Sabine's POV

"If you just realize what I just realize then we will be perfect for each other and we'll never find another..."

"If you meet me halfway..."

"Emo!" sabi ni Jas.

Akalain niyo ba naman na go signal lang mula sa akin ang kailangan ni Cyrus para makipag-close na ng tuluyan kay Valerie. Sana talaga hindi na lang ako nag-okay. Sana na lang sinampal ko si Cyrus at sinabi na ang makasaysayang sentence ni Jolina Magdangal.

One week. One week na after kong sabihin ang 'okay lang'. Yun nga lang ang sinabi ko eh wala ng encouraging words at kung anik-anik.

Bale two weeks na akong emo.

Lunch namin ngayon.

Oo nga pala. Nakalimutan kong sabihin na close na din kami ni Valerie. Ang saya naman talaga ng buhay. Napakabait naman kasi niya kaya wala din akong masabi. Matagal ko na din siyang kilala yun nga lang hindi talaga kami close kasi never ko siyang naging classmate. Hindi ko naman na siguro kasalanan yun.

"Bes. Dito na lang kami uupo ni Valerie ah." sabi ni Cyrus.

BAWAL!

Bawal lovebirds dito kung hindi naman tayo yun.

"Sige." sabi ko naman with matching close up smile pa.

Nag-smirk lang si Jasmine sa akin sabay irap.

Nawalan na ako ng ganang kumain. Pinipilit ko na lang talaga kasi sayang yung food! Maraming bata ang nagugutom ngayon at ayokong matulad sa kanila kaya kailangan kong mabusog. Si Jasmine lang ang nakikipag-usap kay Valerie. Tanong ng tanong ng kung anu-ano.

"Sinong crush mo sa classroom niyo?"

Bigla ko naman naibaba yung spoon ko. Isusubo ko na sana eh kaso baka mabilaukan ako sa magiging sagot niya.

"Eeeeehhhh"

Hala nagpa-epeks pa talaga. Pilitin mo Jasmine! Pilitin mo! Chismis din ito! OMG. Baka si Ken my loves noon yung crush niya? Mababato ko itong kutsara!

Eh sa ang gwapo pa rin ni Papa Ken hanggang ngayon eh. Sad to say sila pa rin nung syota niya. Kaasar talaga! Kung single lang sana siya hindi na mahirap ang bitawan si Cyrus! Hahahaha. Kalandian to the maximum level!

Sabi nila masaya daw maging third party.

Ma-experience nga yan minsan.

Joke.

"Dali na oh! Hindi naman namin sasabihin eh."

Yumuko si Valerie tapos kinagat yung kuko niya. Kinakabahan siguro. Parang gusto niyang sabihin pero nahihiya siya.

"Alis ka muna Cyrus" sabi ko naman "Nahihiya ata si Val kasi nandito ka"

"Ah hindi naman sa ganun!" Biglang sagot ni Valerie.

Ano ba talaga ate! Excited na excited na akong malaman kung sino! Kung si Ken talaga yan ay naku ewan ko na lang! Baka mabato ko talaga itong kutsara!

"Next time ko na lang sasabihin..."

Ano ba yan! Pa-suspense pa! Nagtinginan na lang kami ni Jasmine at nag-okay. Kakaasar naman. Bagong chismax na naman dapat yan oh!

Tinapos na namin yung pagkain namin. Nag-volunteer naman si Cyrus na siya na lang yung magdadala nung kinainan namin sa lagayan. Yung canteen talaga namin pinapahirapan kami! Joke.

"Oi. Sino na? Wala na si Cyrus oh!" Biglang hirit ni Jasmine.

Sus. Baka masipa niya itong si Valerie kung si Red yung lalaking yun.

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon