"I worked so hard for that first kiss
And a heart don't forget something like that
Like an old photograph
Time can make a feeling fade
But the memory of a first love
Never fades away."
Sabine's POV
"SAB!" Hmmmm?
"Hui, Sab! Gising na! Aalis na tayo!"
"Mmmmm?"
"SAB!"
"Aray!"
Ouch. Ang sakit ng likod ko. Itulak ba naman ako?
"Maligo ka na kasi! Baka maiwan ka dito!"
"Okay. Okay"
Naligo na ako kahit antok na antok pa ako. Hindi ako pinatulog ng isip ko kagabi. Anong sasabihin ko kay Cyrus kapag nagkita kami? Mag-iiba ba ang lahat? Hhhmmm. Hindi naman siguro. Pero paano kapag tinanong niya ako kung bakit ko yun ginawa? Anong sasabihin ko? Ah, Cyrus yun ba? Good night kiss lang yun! Hehe. Sana naman maniwala siya. Tsansing? Hindi ah. Yang mukhang yan? Psh. Haaayyy.
Bakit ba tuwing naliligo ako eh ang dami kong naiisip? Minsan kapag nasa banyo ako at nakaupo sa trono eh kung anu-anong pangyayari din ang naiisip ko. May magic ata sa mga trono eh. Minsan gusto kong gumawa ng assignments doon baka sakaling masagutan ko kaagad.
"Sabine, anak! Dalian mo!"
Iniwan na ako ni Jasmine sa kwarto. Hay naku. Ang bagal ko daw kasi eh. Masyado akong na-absorb sa mga magagandang pangyayari na sana ay mangyari. Hay.
"Andito na po ako" sabay hikab. Kasi naman eh! Hindi pa nga gising si haring araw tapos kami naman aalis na kaagad.
"Thank you talaga Ma'am sa pag-invite sa amin dito."
"Okay lang yun, Cathy. Sige na alis na kayo baka tanghaliin kayo sa daan."
"Sige po, una na kami."
Si Red kaya nasaan? Talaga yung mokong na yun malamang tulog pa! Hindi man lang magpakita bago ako umalis. Psh. Pakialam mo ba, Sabine? Gusto niya pang matulog eh. Sino ka ba, ha? Sino ka? Okay fine. Fine. Fine. Fine. AISH! Sumasakit na naman ang ulo ko! Bwisit!
Tiningnan ko naman yung car nila Tita Cathy. Aba ang Cyrus eh tulog pa rin. Bakit naman kaya? Sumilip na lang ako sa bintana tapos pinagmasdan siya. Ang gwapo talaga ng bestfriend ko. Hanggang kailan kaya tayo magiging ganito? May magbabago kaya? Sa tingin ko eh WALA. Okay lang yun, Cyrus. Basta ipangako mo sa akin na lagi kang nasa tabi ko. Parang tanga lang ako na naka-smile doon.
"Sab! Bilis!"
Nagagalit na si Jas kaya nagmadali na rin akong umalis.
I love you, Cyrus.
Goodbye
The greatest irony of love is letting go
when you need to hold on and
to hold on when you need to let go.
Cyrus' POV
Hhhhmmm... Minulat ko yung mga mata ko. Feeling ko nakita ko si Sabine kanina ah. Inaantok pa rin ako. Hindi kasi ako nakatulog kagabi. Hindi ko alam kung bakit yun ginawa ni Sab. Ehem. Siguro good night kiss lang yun. Tama! Wag kang mag-isip ng kung ano, Cyrus. Napaka-malisyoso mo naman. Hay. Pero sana iba yung meaning which is malabong mangyari.
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Novela JuvenilNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?