Jasmine's POV
One month has passed. July na ngayon. Busy kami sa kung anu-anong bagay. Busy sa school, busy sa kanya-kanyang buhay, busy sa mga competition. Ngayon lang ata kami nakapag-gala ni Sab. Yung lola niyo naman kasi busy-busyhan sa buhay. Lagi na lang silang nagtatalo ni Red kapag nagkikita sila. Yung Cyrus naman nakaw tingin na lang lagi. Naaawa na nga ako minsan eh. Ayaw pa rin kasing kausapin ni Sab. Nag-uusap lang sila kapag magka-grupo sila o kaya may tinatanong si Cyrus. Ang sagot naman niya lagi ay oo, hindi o kaya siguro. Parang naglalaro lang sila ng Pinoy Henyo.
"Bessy, karaoke tayo ah!"
"Sure! Kain muna tayo bago ang lahat!"
Pumunta na kami sa KFC para kumain. Hhhmmm. Gutom na nga ako. Interviewhin ko muna si Sab bago ang lahat. Eh boring ang lovelife ko kasi ZERO ay hindi pala COMING SOON palang. HAHA. Eh yung kasy Sab, it's complicated kaya masayang pag-usapan!
"Kausapin mo naman na si Cyrus."
Tinaasan ako ng kilay.
"Ha? Bakit pa di ba? Masaya na siya sa Nadine niya. Hindi niya na ako kailangan."
"Baliw! Kailangan ka pa rin nun! Kung alam mo lang kung ilang years ang nadagdag sa itsura niya. Mukha na ngang tatay yun ngayon eh. Depressed ata kasi hindi mo kinakausap. Bakit ba hanggang ngayon eh galit ka pa rin sa kanya? Kelan mo naman siya kakausapin? Kapag break na sila ni Nadine? Bes, nasasaktan mo na si Cyrus."
"At ako ba hindi nasaktan? Alam mo ba kung gaano kasakit yung naramdaman ko noong gabing yun? Handa na akong ma-reject pero hindi ko kinaya na nagpaka-tanga na naman siya. Balikan ba naman si Nadine? Alam niyang nasaktan siya at malamang eh masktan siya ulit pero ayun nakipagbalikan siya."
"Mahal mo pa talaga siya..."
"I know...kaya kung ang paglayo ko ang sagot sa lahat ng problema ko eh okay na yun. Ano namang mapapala ko kapag kinausap ko siya ulit? Ikkwento niya lang sa akin lahat ng mga pangyayari sa buhay nila ni Nadine. Masasaktan lang ako tuwing magkkwento siya. Magfe-fake lang ako ng smile. I can't lie to him anymore. Ayoko ng saktan ang sarili ko. I'm letting him go even though he was never mine."
"Sab, pero sasayangin mo ba yung friendship niyo ni Cyrus dahil lang dito? Sasayangin mo ba yung future memories niyo together? Sasayangin mo ba yung mga masasayang sandali? Sasayangin mo ba ang lahat? Magpapatalo ka na lang ba at susuko? Iiyak sa tabi? Sayang, bes. Sayang na sayang."
"I can't fight true love, Jasmine. True love ang nararamdaman ni Cyrus para kay Nadine. Yung impaktang yun di ba, sa lahat ng ginawa niya kay Cyrus eh binalikan pa rin siya? TRUE LOVE yun! Mahirap kalabanin yung mga ganyan."
"So? Eh di wag kang makipaglaban! Just let them be! You're wasting your time. Pinoproblema mo ang mga bagay na hindi naman dapat problemahin. Paano ka magmo-move on? Bestfriend ka ni Cyrus, di ba? Eh di bestfriend ka din niya. Umaasa ka pa rin bang maging girlfriend?"
Nabilaukan yata siya sa tanong ko.
"Minsan...pero ayoko naman ng syotain ang bestfriend ko. Ewan ko ba. Parang gusto ko na ayaw. Ang gusto ko lang naman talaga eh mapansin niya ako. Yung effort ko. Ah basta mahal ko siya! Yun na yun! Gusto ko sa akin lang siya. Ang selfish ko ba?" KIM CHIU?
"Ganyan talaga ang mga nagmamahal. Hay buhay. Eh di iba ang syotain mo! How about Red?!"
"Si Red? Kahit ganun yung kumag na yun ayokong syotain yun. Hindi naman sa hindi siya boyfriend material pero he's too perfect to be mine. Grabe pala yun noh! Ang talino pala! Wala sa itsura! Basta ayoko siyang gawing rebound. Hindi siya deserving na maging second lang. Yung maging panakip butas. Ayoko talaga."
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?