Sabine's POV
"Ang bait pala ni Red noh?" sabi ni Ate Wendy
"Bakit ba hanggang ngayon andito ka pa rin? Kelan ba kayo aalis? Eh ikaw pala! Kelan KA aalis?" tanong ko naman
I'm so irritated to the maximum level. So yun nga hinatid ako ni Redsa bahay. Hindi naman kami nag-usap. Basta sabay lang kaming naglalakad. Echos. Echos. Tapos nung nasa bahay na kami eh di nagpaalam na ako kaso yung dakila kong Ate eh pinapasok pa si Red at ininterview! Kasura!
Actually saturday na ngayon! Yung ate ko kasi after interviewhin si Red eh pinabalik ba naman! Dito daw mag-lunch! Sabi ko nga kay Red eh tumanggi siya kung ayaw niyang mabugbog kaso um-oo ba naman! Hispleasure daw! Yak!
Kaya ayun pinapunta ko din si Jasmine! Hahah. Grabe! Mamaya pati si Cyrus andito! Kaloka!
"Sinasabi ko lang naman na ang bait ng boyfriend mo!"
"Hindi ko yun boyfriend!"
"Eh bakit ka hinatid dito?"
"Friend ko nga kasi yun! Wala lang yun noh! Malisyosa ka!"
"Sabagay alam naman ng buong kalakawan maliban lang doon sa taong gusto mo na gusto mo siya."
Oo na! Miserable na kung miserable! Che!
"Stop calling me, okay?" sabi ni Kuya sabay end call.
"Sino yun Kuya?"
"Ah. Wala naman."
"Stalker?" tanong ni Ate Wendy.
"Maganda naman kaya 'admirer' siya." sagot ni Kuya.
Hindi ako natawa. Sino kaya yung mahaderang yun? Medyo selosa pa naman ako pagdating sa Kuya ko. Dati nagdala yan ng babae dito tapos medyo hindi ko sinasadya na natapunan ko ng juice yun damit niya. Swear! Medyo hindi ko sinasadya yun! Hehe.
"Pupunta ba si Red dito?" Grrrrr. Kailangan pang tanungin yan?
"Pupunta si Red dito?"
Nagulat naman ako na nandito na pala sa loob si Cyrus. Ganun ka-close ang pamilya namin! Wala ng 'tao po' at pag-ding dong. Pasok na lang kung papasok ka.
"Yup! Sabine invited him to have lunch here."
"Talaga?"
"Oo" sabi naman ni Kuya
What? Kelan ko sinabi yun? Ako ba ang nag-invite? Wala akong matandaan na ginawa ko yun.
"Ha?" tanong ko
"Anyway, dito ka na lang din kumain Cy." sabi ni Ate.
"Hindi naman ako ininvite ni Sab."
"Arte mo naman! Wag ka naman mag-selos! Friends lang daw sila sabi ni Sab!"
Tumango na lang si Cyrus. Tumango na lang siya dahil kapag nagsalita ulit siya eh may isasagot sa kanya yang Ate ko! Never ending na sagutan ang mangyayari! 10:00 pa lang naman ngayon sabi ni Ate eh pumunta si Red ng mga bandang 11:30. Baka nga sabay silang pumunta ni Jasmine.
Kinausap ko na nga si Jasmine na hindi daw siya gusto ni Red. Tinawanan ba naman ako at sinabing pakialam niya daw eh wala naman siyang gusto kay Red. Akin na lang daw si Red! Ang gulo talaga nun. Sinabi ko na nga dati na hindi kami bagay ni Red! He's too good for me!
Umakyat si Ate sa kwarto niya tapos si Kuya eh hindi ko alam kung nasaan baka umakyat din para umidlip. Eh di kaming dalawa lang ni Cyrus ang nandito. Hindi naman siya nagsasalita kaya hindi rin ako nagsasalita. Baka gusto niya kasi ng katahimikan.
![](https://img.wattpad.com/cover/104473-288-k931089.jpg)
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?