You Belong With Me [Chapter 31: Touch Me Not]

1.8K 21 22
                                    

Sabine's POV

"Magandang Umaga, Ginoo."

"Magandang Umaga din"

Tapos umupo na kami.

"Nalalapit na ang buwan ng Agosto. Alam niyo naman na ipinagdiriwang natin taon-taon ang Linggo ng Wika. Para sa taon ngayon tayo ay magkakaroon ng mga dulasayawit Ang na-i-assign sa mga 4th year ay ang Noli Me Tangere ni Jose Rizal."

Tapos nagkaroon ng bulung-bulongan.

"Noli Me Tangere?"

"Ano daw? Play? Tayo?"

"Sssssshhhh! Kaya Noli Me tangere and nakota sa inyo ay dahil hindi niyo pa naman tapos pag-aralan ang El Fili. Kakasimula palang natin dito. Ngayon para sa mga magiging parte ng dula na ito...."

"Sir, kami po ba ang pipili ng cast?"

"May napili na ako."

What? OMG. Sana naman hindi ako kasali! Malamang si Jasmine si Maria Clara. HAHAHAHAHA. Tatawanan ko siya ng bonggang-bongga. Si Sir talaga napaka-competitive. Siya rin kasi class adviser namin. Swerte!

"Cyrus De Castro bilang Crisostomo Ibarra, Jasmine Enriquez bilang Sisa..." ANO? Sisa? Eh sino si Maria Clara?

"Sir naman! Bakit ako si Sisa?"

"Gusto mo bang maging si Maria Clara?"

"Ay, sir! Hindi ah! Mas gusto ko pang maging si palengkera # 1"

"Kailangan kasi magaling umarte yung sa role ni Sisa. Masyadong madrama ang role na yun kaya ikaw kaagad ang naisip ko." Nice. Drama kasi ni bestfriend eh. Best Actress...

"Sir, sino si Maria Clara?" Tanong ni Rick.

"Si Sabine Marquez"

"HAAAAAA? Sir, naman! Bakit ako? Hindi po ako marunong umarte!"

"Napahanga mo kami sa panimulang gawain mo last year."

"Swerte lang ako nun, sir! Naman, sir eh."

Tapos binanggit na ni Sir yung iba pang mga bida sa play. Gosh. Paano na ito? Yuck! Mag-partner kami ni Cyrus! Gosh! Eeeewwww! Magsusuyuan kami sa Asotea! Hanubayan! Eeewwwnessss! Takte naman. Paano ako makakapag-move on nito? Araw-araw ko na ngang nakikita yung pagmumukha niya tapos ngayon may gagawin pa kami na kailangan ng team effort?

"Isa itong kompetisyon. Maglalaban lahat ng section ng 4th year. IV-A, IV-B at IV-C. Siguraduhin niyo na mananalo tayo. Lia, ikaw na ang bahala. Iiwan ko muna kayo para makapag-usap kayo sa mga gagawin niyo. Nandito na rin ang script kaya't yung mga bida ay mag-umpisa ng magkabisa."

Si Lia yung class president namin. OMG. LORD? Ano ba talaga ang kasalanan ko? Pinamigay na ni Lia yung mga script sa mga classmates ko. Si Lloyd, yung katabi ko eh ang nakuha niyang role eh yung isa sa mga anak ni Sisa. Si Basilio ata siya? Ay mali, si Crispin ata. Dumakdak lang si Lia ng mga kailangang gawin. Lahat daw may role na gagampanan. Dahil daw dula, sayaw at awit ito malamang eh may sasayaw at kakanta din. Tangenuh! Pakakantahin pa ata ako ng mga ito! So ayun na nga, yung mga may malalaking role eh hindi na kasali sa mga props at kung anu-ano. Galingan na lang daw namin sa pag-arte. Yung mga may minor roles na daw ang bahala. Si Lia ata Donya Victorina yung nakuhang role.

Hay buhay. Kung mamalasin ka nga naman. Sabi ko kakausapin ko na si Cyrus pero hindi naman sa ganitong paraan! Bakit kailangang ako pa ang maging Maria Clara? Pwede naman akong kaibigan ni Maria Clara # 1 o kaya napadaan lang sa bawat scenes. Sakit sa ulo naman nito.

"Sab at Cyrus, mag-usap na kayo ng kakantahin niyo sa ikalawang tagpo at ikasampung tagpo."

"Lia, kami lang ba ang may singing session?" tanong ko naman.

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon