You Belong With Me [Chapter 27: Revenge]

1.7K 23 10
                                    

Sabine's POV

"Oh hi there, Sabine!"

"Oh hi there, Nadine"

Ugh. Bakit naman ako kakausapin nitong babaeng ito? My gahd. Hindi ko alam kung selos lang ito o talagang kinamumuhian ko na siya. Kasama niya pa yung mga alipores niya.

"New look?"

"Ah hindi ah. Natural look niya yan." Sabi ni Jas

"Ahahahaha. Joke yun? Saan namang doktor ka nagpa-sched?"

"Ah yung pangalan ng doktor ko? God."

"Huh?"

"Ay hindi niyo kilala? Sabi na nga ba iba relihiyon niyo eh."

"May relihiyon nga ba?" tanong ni Jas tapos ako naman eh nagkibit-balikat lang.

"Kami na nga pala uli ni Cyrus"

"Ano?" tanong ni Jasmine.

Impaktita talaga itong babaeng ito. Hindi ko ba alam? Sinampal-sampal na ako ng katotohanang iyon! Kailangan niya talagang sabihin ulit. Maitim talaga ang budhi nito. Kumusta naman yung boyfriend niya pang isa?

"Hindi ko ba nasabi sayo, Jas? Si Nadine at Cyrus na ulit. Ang sweet ng love story nila di ba? They are so perfect for each other! Parang isang aso at ang master niya kahit ipinagtabuyan na yung aso ng amo niya eh bumabalik pa rin. True love."

"Oh talaga lang, Sabine? If I know ilang beses kang-"

"Sab, andito na...."

Ibang klase naman ang timing nitong si Red. Nanggagalaiti na ako sa inis dito. Pero buti naman at dumating siya dahil baka kung ano na ang nangyari dito.

"Ay, Red. Siya nga pala si Nadine. Yung girlfriend ni Cyrus."

"Ikaw yun? Parang kilala kita ah...."

*PAK*

WHAT? Nagulat na lang kami ng biglang sinampal ni Nadine si Red. Hala. What's happening? Galit na galit pa yung itsura niya. Isa rin siya sa mga naging babae ni Red?

"Hoy Nadine! Kung makasamapal ka ah!" sabi ni Jas

Ako naman eh cinomfort si Red. "Okay ka lang?"

Tumango naman siya.

"Stay out of this!"

Tapos biglang ngumisi.

"Parang? Ako lang naman ang bestfriend ni Paula. Kilala mo pa ba siya? Kinalimutan mo na? You made a wrong move when you transferred here. Revenge is sweet, honey"

"Ew, honey" OMG. Nasabi ko ba yun? Ah. Binabawi ko na, binabawi ko na.

Tinaasan lang ako ng kilay ni Nadine. Tapos nag-dramatic exit na sila. Ano na naman itong nasaksihan ko? Wag naman sana akong madamay. Naglakad na rin kami pauwi. Mag-ttrike sana kami pero sabi ni Red gusto niya daw maglakad. Naawa naman kami kaya ayun naglakad na lang kami. Natatakot nga kami kasi medyo padilim na pero sabi naman ni Red ililibre niya daw kami sa Jollibee kaya napa-oo na kami.

"Okay ka lang ba talaga?" Tanong ni Jas

"Ah. Oo, ilang beses na rin namang nangyari sa akin ito."

"Tadhana nga naman oh. Ex mo yung BFF ni Nadine. Mukhang tama ang decision mo na makipag-break."

"Jas naman..."

"Ay naku noh! Birds of the same feather flock together! Hmp."

"Hindi naman ako natatakot doon sa babaeng yun. Revenge? Revenge my pwet!"

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon