Sabine’s POV
What time is it?
Summertime
It's our vacation
What time is it?
Party time
That's right, say it loud
What time is it?
The time of our lives
Anticipation
What time is it?
Summertime
School's out, scream and shout!
"KAAAAAATTTTTTAAAAAAAAMMMMAAAAAAAAADDDDDDDDD" haaaayyy.
Ang boring ah. Nandito lang ako sa bahay buong buwan. Marami pa daw inaasikaso sila Mama at Daddy kaya hindi matuloy-tuloy yung swimming namin. Asar naman oh. Paano na ang sexy back ko? Geez. Pinapunta ko na lang si Jasmine sa bahay.
"Hoy lokaret ang epal mo talaga ever!" Nagsalita na si bakla.
"Bakit ba? Libre na nga ang puds mo. Ayaw mo pa."
"Fine. At bakit hindi si Papa Cyrus ang niyaya mo?" Sasagot na sana ako kaya lang nagsalita ulit siya"Oh, kasama niya siguro si Nanding este Nadine pala." Amp. Napatawa ako dun ah.
"Kasama niya nga si Nanding este Nadine." Ahaha. amp. laftrip! buti na lang siya ang pinapunta ko dito. "Anong gusto mong panuorin natin?"
"Gusto ko yung The Classic. Maganda daw yun eh."
"Anong The Classic?"
"Basta korean movie yun!"
"Korean na naman! Wala bang japanese diyan?"
"Kapapanood lang natin nung Koizora. Pwede ba korean naman?
"Okay fine. Nagsusuggest lang naman kasi mukha na tayong korean. Napagkakamalan na akong girlfriend ni Lee Minho." Haha.
"Asa ka bakla. Delusyonal!" Aba nagsalita!
"Che! Mas ilusyunada ka sa akin noh! At least ako yung gusto ko nasa kabilang street lang eh ikaw ilang islands muna ang dadaanan bago ka makapunta sa kanila!"
"Shut up! Tinadhana kami ni Choi Jonghoon sa isa't-isa!" Ugh. Ito na naman kami. Nag-aasaran na naman.
"Okay po. Pwede na ba tayong manuod?"
"Ikaw kasi inaway mo ako eh!"
"Oo na po. Sorry na."
Pinanuod na namin. Shet. Nakakaiyak. Parehas kaming naiyak sa movie na yun. About destiny kasi. True love. Shet. Sana ganun din kami ni Cyrus. Hindi man kami ngayon sana kami next life o kaya yung mga anak namin. Joke. Masyadong matagal ang next life.
"Grabe! Nakakaiyak" sabi ko habang nagpupunas ng luha at sipon. haha
"Sinabi mo pa! Ang sweet ng love story ng Nanay niya"
"Kaya nga eh. Nakaka-inspire"
May mga bagay talaga na hindi para sayo... sa oran na yun. Pwedeng hindi ngayon pero bukas pala. Hindi man siya ang last... siya naman ang greatest. Takte. Na-eemo na naman ako.
"Kumusta na pala kayo ni Papa Cyrus?"
"Okay lang. Ganun pa rin at siguro habang buhay." Binatukan niya ako.
"Ang drama mo talaga! Fourth year na tayo next school year! Pwede ba magbago ka na ng mamahalin mo at pati ng pananamit. Hello? Ang baduy mo kaya at what's with the glasses? Mukha ka talagang manang. Hindi ko nga alam kung paano kita naging best friend."
Yeah right. Siya kasi si Jasmine Enriquez. Hindi man siya kasama sa The Populars eh sikat din naman siya in her own way. Magaling kasi siyang kumanta at lagi siyang nag-iintermission number sa mga contest. At ako si Sabine Marquez? Maganda lang kapag tulog. Hahaha.
"Oo na. Potek. Eh sa ayokong magpaganda. Mamaya dumami pa ang magkagusto sa akin!"
"Loka! Anong masama doon? Eh di mas dumami ang maipapalit mo kay Cyrus! Saka gusto mo bang forever ka na lang na number two sa buhay niya? Ikaw si bespren pureber at ganun na lang. Saka sabihin na lang natin na hindi talaga kayo ang para sa isa't-isa. Paano naman yung para sayo? Hahayaan mo ba na ganyan ang madadatnan niya. Isang teenager na mukhang manang. My gahd! Mag-isip ka naman. There are many fishes in the sea. Hindi lang si Cyrus ang isda sa dagat."
Ang haba ng sinabi niya. Pero tama nga naman. Siguro nga love is blind talaga. Pero feeling ko talaga kaming dalawa ni Cyrus ang para sa isa't-isa.
"Ang dami mong sinabi."
Tapos kinurot niya ako. Sa dami daw ng sinabi niya yung lang sinagot ko. Eh sa wala talaga akong masabi eh. Babalik daw siya bukas tapos pupunta daw kami sa mall para magpaayos. Nagreact naman ako na hindi na kailangan. Masyado na akong maganda para ayusan. Tinawanan niya lang ako tapos sinabi na tumingin daw ako sa salamin. Tiningnan ko naman. Wala namang mali ah.
Cause you are amazing just the way you are
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Novela JuvenilNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?