You Belong With Me [Chapter 41.1: DulaSayAwit]

1.4K 21 7
                                    

Sabine's POV

"JAAAAAAAAAAAAAAAAAAAASSSS~!!!!"

"SAAAAAAAAAAAAAAAAAAAABBBB~!!!"

Kinakabahan na talaga kami. Mamaya na kasi yung presentation namin. Woooooohhh. Kaya ko ito!!

"Pinapansin ka na ba ni Red?"

"Ha? Hindi pa eh. Hayaan mo na yun. Ang arte eh."

"Ano ka ba naman! Pilitin mo na kausapin ka."

"Eh! Ang arte talaga eh. Ayaw niyang pakinggan yung gusto kong sabihin. Ikaw na lang magsabi kung bakit ko yun ginawa!"

"Ayoko nga! Ikaw na! Problema mo yan."

Amp. Ganito na ba ang magkaibigan ngayon? Nag-iiwanan? Sus. Tutulungan niya lang akong sabihin kay Red tapos hindi niya pa magawa. Ang arte talaga nun parang bading. Nakakainis na talagang suyuin. Babae ba siya para ganunin? Tsk. Tinawagan ko naman siya kaagad after kong umuwi pero binabaan ba naman ako ng telepeno! Tse! Kakainis talaga. Sayang nga kasi hindi ko tuloy makuha yung number ni Henry. Mamaya kung anong inisip nun kung bakit ko siya niyakap.

Ilang araw ko na ring pinipilit na kausapin ako pero nilalagpasan lang ako. Kunwari wala siyang naririnig. Kunwari wala siyang nakikita. Ay naku naman. Wala akong panahon sa mga ganiyang kaartehan. LALO NA KUNG LALAKI YUNG NAG-IINARTE.

"Speaking of the devil"

"REEEDDDD!!!!" 

Aba. Aba. Hindi na naman ako pinansin! Halos mapigtal na yung tonsil ko pero dedma na naman siya!

"Habulin mo!" sabi ni Jas.

"Ayoko nga!"

"Habulin mo! Dalian mo!" Sabay tulak sa akin.

Aish. Eh di hinabol ko naman.

"Red!" tapos hinawakan ko yung braso niya.

Bigla niya namang inalis yung kamay ko. Pagalit pa! Nagulat tuloy ako!

"Hoy! Pwede bang magpaliwanag muna? Pwede ba?"

"Hindi pwede!"

"BAKIT KA BA NAGAGALIT HA? BAAAAKKIIIIIIIIIITTTTTTTTTTT??"

Naiinis na ako. Sobra na talaga yung pag-iinarte niya. Wala naman akong ginawang masama ah? Meron ba? Wala naman. Wala talaga.

"Ms. Marquez, wag mo nga muna akong kausapin. Kaya nga ako lumalayo kasi nga galit ako. Hindi ako makikinig sa mga kung ano mang dahilan ang sasabihin mo sa akin. Hindi ko naman akalain na ganun ka pala. Tss. Kakakilala mo palang may payakap-yakap ka na kaagad. Sabagay tayo nga eh wala pang isang linggo nag-kiss na."

*PAK*

Hindi ko na napigilan yung sarili ko. How dare him! Sinampal ko na siya bago pa siya magsabi ng kung anu-ano pang mga kalokohan. Sinasadya ko ba yun? Aksidente lang naman yun eh. Di ko na namalayan bigla na lang tumulo yung mga luha ko. Potek. Mas masakit pa ito kaysa sa sabihing pangit. Mas masakit pa ito sa mga insulto ni Nadine saka ng mga kaibigan niya.

Yung masabihan na malandi ka ng isang lalaki kahit hindi naman. Kahit naman wala siyang sinabing ganun eh yun yung gusto niyang palabasin eh.

"Sab, I'm sorry. Galit lang talaga ako. Sorry."

Ngayon siya naman ang nagso-sorry. Pinunasan ko yung mga luha ko. 

"Okay lang kung yan ba talaga ang tingin mo sa akin eh."

"Hindi. Hindi ganun...sorry talaga."

Pero nasaktan na ako eh.

"Sabi mo eh. Good luck pala mamaya ah!"

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon