Jasmine's POV
"Oi! Bilisan niyo nga! Magpi-picture taking pa tayo!" - class president
"Sir! Kayo na mag-picture sa amin ah!" - classmate
"Oo na! Wag nga kayong magsigawan!" - Class Adviser
"Hindi kami sumisigaw!" -classmate
"Hahahahahahaha!"
Bakit ngayon lang ako nagka-moment? Wala rin namang nangyaring kakaiba maliban sa sulat sa akin ni Ken na two sentences lang ata. Puro pang-aasar lang kay Cyrus at Sab ang ginawa ko. Hahaha. Totoo ngang sa room namin natulog yung ibang boys. Sa totoo lang, si Sab at Cyrus lang ang "item" sa section namin. Wala talagang as in mag "boyfriend-girlfriend" kasi nga pinaghihiwalay ng mga teachers ang mga lovers. Kaya nga hiwalay si Nadine at Cyrus ng section di ba? Tiningnan ko ang paligid... lahat kami naka-kulay blue na damit. Favorite color ni Sab kaya siguro ang saya niya ngayon.
"Bes? Saya mo ata?" - me
"Che!"
Hahaha! Nagtatampo pa rin ata siya. Magkatabi kasi sila ng kama ni Cyrus. Sa baba talaga yung kama niya pero marami namang kama dito kaya sa taas din siya natulog. Inasar ko lang naman na ang galing nilang mag-ninja moves wala kaming narinig. Hahaha. Joke lang naman eh
"Eto naman oh! Niloloko lang kayo eh!"
"Eh niloloko na rin kami ng buong klase." - Sab
"Ayaw mo nun! Alam na nang lahat! Kaya kapag nagloko yang si Cyrus malalaman mo kaagad! Hahaha! Marami ka ng mata! Ikaw na!" sabi ko
"Matagal na akong maraming mata. Hmp. Pati mga ginagawa nila ni Nadine dati sinasabi sa akin. Pakialam ko sa kanila? Bombahin ko sila ng baygon eh." tapos umiling siya "Nightmare. Nightmare. Dapat nang kalimutan."
"Bitter. Bitter. Dapat nang kalimutan talaga. Insekyurada. Kalimutan mo na yan."
Pinapahirapan niya sarili niya eh. Sa kanilang dalawa ni Cyrus, siya ang hindi makapag-move on. Sabagay, may pagka-barbie doll talaga si Nadine. Perfect. Mean lang talaga dahil may pinagdadaanan sa buhay. Oh well. Mas maganda pa rin kami inside and out. Haha
Picture taking lang nang picture taking. Paiba-iba pa ng setting. Sa ilalim ng puno ng mangga, sa may groto, sa may garden, sa bahay, sa playground at kung saan-saan pa. Nung malapit na kaming umalis bumalik na kami sa dapat naming puntahan.
"JAAAAAAASSSSS!!!"
"VAAALLLEEERRIIIIEEEEE!!!"
Nag-yakapan kami tapos nagtatatalon. Parang isang siglong hindi nagkita. After naming magbaliw-baliwan doon eh niyakap niya naman si Sab at nag-hi kay Cyrus. Binati at niyakap niya rin yung iba pa niyang mga kaibigan sa section namin.
"Masaya ba?" tanong ni Valerie sa amin
"Of course. Bonding with your classmates." sagot ni Sab
"Daming nakakatawang nangyari. The best yung hinabol si Cyrus ng aso. Hahaha." Di ko napigilan ang tumawa. Hahaha. Nakakatawa talaga. Kapapanganak lang nung aso tapos si Cyrus lumapit kasi na-cute-an siya sa aso. Ayun. Nakita na lang namin siya nagma-marathon na siya doon. LOL. Muntikan pa siyang makagat.
"Hindi yun nakakatawa. Muntikan na akong mamatay!" -Cyrus
"Ang OA mo kuya! Hahaha. Nakakatawa kaya! Ganun na ganun yung mga napapanuod ko sa pelikula. Laftrip." -Jas
"Ay. May napapansin ako. Bati na kayo?" tapos hinawakan niya yung chin na parang nag-isip. "Nag-away ba kami? Yan ang isasagot niyo noh? Mga paru-parong bukid na mga ito!" - Valerie
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?