You Belong With Me [Chapter 41.2: DulaSayAwit]

1.5K 19 5
                                    

Author's POV

"Ready na ba tayo IV-A?" sabi ni Lia.

"READY NAAAAAAAAAAAAAA!!" sigaw naman ng buong klase pati ng adviser nila.

Class IV-A ang unang magtatanghal. Kinakabahan ang lahat. Mataas ang expectations ng bawat isa sa isa't-isa. Halos lahat ng mga estudyante mula sa class III-A ay nasa IV-A pa rin. III-A kasi yung nanalo nung nakaraang taon laban sa ibang section sa third year.

UNANG TAGPO- ANG SALU- SALO

Nasa backstage naman sina Sabine at Jasmine.

"Bes! Kinakabahan na talaga ako. Next na yung scene namin ni Cyrus!"

"Bes...."

"O bakit?"

"Okay ka lang ba?"

"Hindi! Kabado na talaga ako!"

Pero alam ni Jasmine na hindi lang yun ang dahilan. Nakwento na rin ni Red yung nangyari sa kanila ni Sab. Hindi niya alam kung sino ang kakampihan. Alam niya din naman na nasaktan kahit papano si Red. Yun nga lang sa ginawa niya ay nasaktan din nito ang bestfriend niya na si Sabine. Naisip niya na lang na hindi ito ang tamang oras para isipin ang mga problema na ito dahil maapektuhan ang pagtatanghal nila ngayon.

"Sab! Scene niyo na!" tawag ni Faith.

"You can do it! Kaya mo yan bakla!" sabi ni Jasmine.

"SANA! SANA! GO SELF!"

Kabadong lumabas papunta ng stage si Sabine. Nagulat siya sa dami ng tao. Naisip niya na kaya niya kaya ito? Paano kung makalimutan niya ang mga linya? Umiling siya. Kakayanin niya ito. Nakita niyang nanunuod ang buong pamilya niya pati ang pamilya ni Cyrus. Ayaw niyang mapahiya. I'll do my best yun ang nasabi niya sa isip niya.

IKALAWANG TAGPO- PAGSUSUYUAN SA ASOTEA

Maria Clara (Sabine): Bakit kaya wala pa siya?

Sinilip ni Maria ang bintana upang makita kung sino ang dumating. Nang nakita niya si Crisostomo Ibarra ay agad siyang tumakbo sa kanyang silid at nagpaganda. Pumasok naman si Crisostomo at siya'y sinalubong ni Tiya Isabel.

Crisostomo Ibarra (Cyrus): Magandang araw po, Tiya Isabel

Nag-usap ang dalawa. Itinanong ni Crisostomo kung nandoon ba si Maria Clara. Tinawag naman nito ang kanyang pamangkin. Lumabas na rin sa kanyang silid si Maria.

Lumapit ito sa kanya ngunit bigla siyang napatid ng kanyang damit. Nasalo naman siya kaagad ni Cyrus. Malapit na ang mukha nila sa isa't-isa. Nagtitigan lang sila. Parang totoong matagal silang hindi nagkita. Magkasintahan na sabik makita at makapiling ang kanilang minamahal.

CI: Hindi pa rin kumukapas ang iyong ganda Maria.

Sinabi iyon ni Cyrus ng pagkagaling-galing na halos kiligin ang audience. Umakting si Cyrus na hahalikan si Sabine kaya medyo napa-gasp ang audience. Tumayo naman bigla si Sabine.

MC: Hmp! (sabay hampas ng pamaypay sa balikat ni Cyrus) Nakapunta ka lang sa Europa, tumamis na ang iyong mga salita. Marahil maraming magagandang babae sa ibang bansa ang nahulog sa pambobola mo.

Pumunta na ang dalawa sa improvised asotea na ginawa ng kanilang section.

#NOWPLAYING: HANGGANG NGAYON

SABINE:

Bakit di magawang limutin ka

Bawat sandali'y ika'y naaalala

Tangi kong dasal sa Maykapal

Makapiling kang muli.

CYRUS:

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon