SIMULA
PLEASE BE ADVISED
Warning: There are scenes of violence. Contains mature themes and strong languages that are not suitable for young readers.TRIGGER WARNINGS
(May contain triggering and sensitive material, topics. Sexual violence, sexual assault and abuse, abortion, suicide)Some of the parts or words that are expressed here are not meant to offend any party.
READ AT YOUR OWN RISK
you'll find the grammar and the punctuation is a bit off, please bare with that
This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents and either the product of the authors imagination or used in a fictious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental
--
Hindi ko alam kung saan ako hihingi ng tulong
Nasa isang masamang panaginip na naman ba ako? Nasaan si mama, pwede bang gisingin niya ako. Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. Hindi ko nga magawang sumigaw para makahingi ng tulong.Ang tanging nagagawa ko lang ay umiyak. Tumingin ako sa lalaking puno ng tattoo ang kanyang buong braso at sa hawak nitong balisong. Umiling-iling ako, gusto ko ng magising! Bakit bumalik na naman siya sa isipan ko.
Pumikit ako ng mariin habang pinapakinggan ang tunog ng sirena ng mga pulis.
"Anak?"
Napangiti ako habang nakapikit pa rin dahil naririnig ko na ang boses ni mama. Dahan-dahan kong inimulat ang aking mga mata at agad na nakita ko ang pinakamagandang nanay sa buong mundo.
"Anak, nandito na tayo.. gising na."
Makakahinga na ako ng maluwag akala ko ay mahihirapan akong makagising sa masamang panaginip na 'yon. Mabuti ay hindi ko nakita ang pagmumukha niya. Ayokong mag-ipon ng negative vibes sa bawat araw na buhay ako.
"Gising na," sabi ni mama at napaayos ako ng upo dito sa loob ng taxi. Nakatulog pala ako, hindi ko namalayan. Sumilip ako sa bintana at nasilayan ko agad ang napakalaking bahay parang mansyon.
"Ma, ano nga ulit ginagawa natin dito?" tanong ko tapos hinawakan ang kamay ni mama na sana ay palabas na ng taxi. Wala akong alam kung saan ako dinala ni mama ngayon basta nasa South kami, kailangan ko pa ngang makausap at bisitahin ang kaibigan ko ulit.
"Basta anak, baka hinihintay na tayo sa loob," sagot ni mama tapos lumabas na ng tuluyan pero huminto siya sa may pinto. "Halika na!"
Ngumuso ako at sumilip ulit sa bintana. Kaninong bahay 'to? Napakayaman naman yata ang pupuntahan namin ngayon, wala akong kilala na kaibigan ni mama na ganito kayaman. Bakit nga ba ako napapatanong pa, parang hindi ako 'to. Lumabas na ako tapos nakita kong pumasok si mama at may bumukas sa malaking gate.
Kahit maiiwan ako ni mama ay hindi ako nagmadali. Napapaisip pa rin kasi ako kung kaninong bahay 'to. Lately, marami na siyang tinatago sa'kin pero hindi naman kami masiyadong close ni mama kaya okay lang rin. Bakit niya ba ako isinama dito?
"Ar--aray!" sigaw ko nang matapilok ako. Nagsuot kasi ako ng may heels ngayon. Syempre ang ganda ng suot ni mama na dress ngayon, kaya naghanda ako. Saan pa at marami akong nabiling damit at sapatos kung hindi ko maisusuot.
Pero bakit nga ba nagpaganda si mama ngayon? Tapos maganda pa itong hardin na makikita agad pagkapasok. Parang palasyo. May prinsipe kaya sa loob?
"If you are not used to wearing heels. Why wear them?"
BINABASA MO ANG
Mr. Reserved
Romance"Want your name on my body?" - Mr. Ridge Ace Ferrer MR. SERIES III photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.