28

78 1 0
                                    

Makalipas ang ilang araw ay hindi ko alam kung bakit nawawalan ako ng gana na makasama ang mga kaklase ko, malapit na rin ang birthday ko pero bakit ako ganito parang may kulang. Kahit kay mama ayokong sumama, parang natatamad akong maka-bonding ang lahat. Si Honey nga himalang iniimbitahan ako pero pinalipas ko lang talaga ang mga buwan na hindi ako nakagala, minsan iniisip ko sayang naman, ngayon busy na ako hindi ko alam kung makakapaggala pa ba ako.

"Good morning teacher Rea!" Napangiti naman ako sa mga estudyanteng bumabati sa'kin. Kahit on the job training palang ako pakiramdam ko, guro na guro na ako na may lisensya pero ang totoo ay malayo pa talaga. Marami pa akong pagdadaanan. 

"Honey!" pagtawag ko sa kaibigan ko na bumalik na rin ang mga sigla. Pero naiinggit pa rin ako sa kanya dahil nga sa jowa niyang crush ko dati. Pero hindi ako naiinggit na nagagalit sa kanya ah. Walang ganon, loyal akong kaibigan at mabait. Ibibigay ko nalang sa kanya ang ex-crush ko haha.

"Out mo na?" tanong niya pagkalapit sa'kin. Tumango naman ako bilang sagot. Ngayon alam na rin ni Honey ang bago kong buhay kasama sila Mayor. Siya lang pinagsabihan ko, syempre pagkakita namin ulit, agad akong nag-share. Naintindihan naman niya agad kahit sa una katulad ko ay gulat na gulat din, at hindi siya makapaniwala.

"Oo eh," sagot ko. "Uuwi ka na ba o may dadaanan ka pa?"

"Hmm dadaan kami ni Wren kay mama," sagot niya. 

"Oh sige chat nalang, ay text pala dahil wala ka ng social account, ano ba 'yan bakit kasi kailangan mong mag deact," inis kong sabi. Hindi ako sanay sa text convos ngayon. 

"Malapit na birthday mo, sayang hindi na tayo kumpleto," sabi niya na ikinatigil ko sandali at naalala ko ang kaibigan naming bigla nalang nawala na parang bula. Hindi na talaga bumalik ang babaeng 'yon. Balita ko naman ay buntis talaga siya. 

"Okay lang 'yan nandito pa naman tayong dalawa," sabi ko nang nakangiti.

"May sundo ka ba ngayon?" tanong niya tapos ngumisi naman ako.

"Sana all may taga hatid at sundo na jowa," biro ko sa kanya. Tinawanan lang niya ako tapos umiling-iling.  "Sana all may comeback." 

"Wag ka ngang maingay," sabi niya.

"Nga pala, wala ba siyang balak maging artista ganon, I mean oo sikat na siya pero diba may agency sila?" 

"Alam na alam mo Rea ah, haha hindi ko pinapayagan bakit ba?"

"Wow ah!"

"Joke lang, hindi ko alam sa kanya eh, sabi niya focus daw siya muna ngayon sa studies niya." 

Tumango naman ako sa sinabi niya.

"Tapos focus rin sa'yo, ayii." Nakipagkulitan lang ako kay Honey habang palabas kami ng school. Mabuti nalang at nakahabol siya at sabay pa rin kami ngayon.  "Baka naman kasi ayaw mo, may posibilidad kaya na kapag pumasok talaga siya sa industriya magkakaroon talaga 'yan ng mga love team."

"Ang daldal mo na naman," sabi niya habang umiiling-iling.

"Para ka ng si Lyn, baka mawala ka rin ah."

Pagkatapos ng chikahan ay nandito na rin naman ang bagong driver ko, dahil nga ayaw kong matutong mag-drive. Hindi ko rin kaya baka may masagasaan pa ako bigla. Nasa Jone Homes na rin ako nakatira ngayon, para mas malapit ako sa mga paaralan dito sa East. Nakakatuwa nga eh dahil may isa akong kaklase na sa Jone Homes rin pala nakatira.

Nang makarating na kami ay agad akong dumiretcho sa unit ko na nasa 3rd floor. Magkakaiba ang bawat dito, magkakahiwalay rin kasi ang mga tenants tapos mga owners. Hindi ko nga alam kung bakit binigyan ako ng sariling unit ni daddy. Kailangan ba talaga 'to, pwede naman akong magrenta lang sa mga boarding houses dito sa East. 

Mr. ReservedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon