When I woke up I almost fell on my bed because I forgot that Ridge slept next to me last night. Umuwi siya dito sa apartment ko kaya hindi ako nakatulog ng maayos kagabi mabuti nalang at pagod ako. Kinakabahan kasi ako baka may biglang sumugod dito. Sinilip ko siya at dahan-dahang bumangon.
"Pero late na siya tumabi sakin ano kaya ginawa niya." pabulong kong sabi sa sarili ko. Naghilamos lang ako sa banyo at lumabas na ng kwarto. Pagkadiretcho ko sa sala ay nakita ko agad si Cathy na pinaglalaruan ang mga balloons na hugis heart.
"Sino namang naglagay nito, Cathy may pumasok bang iba dito?" tanong ko sa pusa ko. Tumingin ako sa lamesa at may mga maliliit na kulay papel ang na nagkalat. Umupo ako at kinuha ang isa sa mga papel.
"Hi, I'm Ridge. My full name is Ridge Ace Ferrer, I have a twin brother his name is Redge. But sadly he died, because of me."
Kumunot ang aking noo tapos kumuha pa ng isang papel.
"My mother died because of me. Maliit palang kami wala na kaming nanay dahil sakin."
Infairness ang ganda ng pagkasulat pero bakit parang ang lungkot basahin. Kumuha pa ako ng isa, ang dami naman nito.
"I had an ex, she also died because of me."
Napailing-iling ako puro nalang ba 'to, bumuntong hininga ako tapos kumuha pa ng isa.
"I dated many girls. I kissed a lot of girls."
Natawa naman ako tapos umiling. I'll just read it all because I can't stop myself from getting another one.
"I was born in Australia."
Napamangha naman ako sa sunod kong nabasa.
"I'm studying right now in Primston East University."
Tumango ako habang nagbabasa.
"I love tattoos. but you don't so I'll stop loving them right now."
I laughed softly
"I'm Ridge, you can call me yours right now. You said you really don't know me so I'm introducing myself to you."
Natigilan ako sandali at tumingin sa pinto ng kwarto ko at baka lumabas siya. Ginawa ba niya 'to kagabi nung sabi ko na matutulog na ako? Ang dami nito ah, hindi ba siya napagod sa biyahe at sa amusement park?
"I don't really love dogs and cats, but my older brother loves them."
Tumingin naman ako kay Cathy. Mabuti hindi siya nagulat kagabi kay Cathy.
"I love painting. I hate politics."
"Takot ako sa mataong lugar."
"Mahiyain, I don't really talk that much."
Parang hindi naman siya mahiyain kagabi.
"Gusto ko lang makipag-usap sa mga taong gusto ko."
"I don't really love sweets, I love home-cooked food."
Dapat ko na bang paghandaan 'to.
"Hey, Akala ko hindi ka na tutuloy sa pagbabasa. Lahat ng malapit sakin, they all died."
Natigilan naman ako sandali, takte, tinakot pa ako.
"I'm glad you still want to get to know me."
Sunod-sunod ba 'tong kinukuha ko?
"I wanted to get to know you too. I don't really love music because it only reminds me of my twin."
"I love chicken."

BINABASA MO ANG
Mr. Reserved
Romance"Want your name on my body?" - Mr. Ridge Ace Ferrer MR. SERIES III photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.