"Wag niyo siyang hawakan! Wag niyo siyang saktan!" mabilis ang pangyayari na hindi ko na na-iproseso ng tama sa isipan ko. Kung bakit may mga pulis at bakit pilit nilang inilalayo si Ridge sakin. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi gumagalaw si Ridge at hinahayaan niyang saktan siya at ilayo sakin.
"Ridge!" sinubukan kong abutin ang kamay niya pero may mga pulis na rin na humawak sakin at hindi ako pinapalapit sa kanya. Hindi ko napigilan ang aking iyak dahil sa takot at sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Bitawan niyo ako! Please! Ridge!" Nakita ko siyang ngumiti habang palayo siya ng palayo sakin. Hindi ko alam kung tumitibok pa ba ang puso ko lalo nang makita ko na ipinapasok na siya sa sasakyan at tuluyan na naglaho siya sa paningin ko.
"Ridge!" Binitawan lang nila ako ng tumakbo na palayo ang mga sasakyan. Pinilit kong makahabol pero sa sobrang bilis nila at ikumpara sa mga paa ko hindi ko talaga sila kayang habulin. Dahil sa pagkataranta ko ay dumrietcho ako sa sasakyan ni Ridge. May mga sumunod na pulis sakin na pilit akong pinapakalma pero hindi ako nakinig.
"Hin--Hindi ko mabuksan!" sigaw ko nang subukan kong buksan ang pinto ng sasakyan ni Ridge. Dapat ko siyang habulin, bakit nila ilalayo si Ridge.
"Ma'am kumalma po kayo," sabi ng isang pulis na babae na lumapit sakin. Umiling-iling ako at hinawakan siya sa magkabilang braso.
"Ate, al--alam ko--po na wala akong karapatan at alam ko po sa dinami ng ginawa niya hindi ko siya maipagtatanggol sa iba, pero ate maniwala kayo mabait po si Ridge, mabait po siya. Biktima rin ho siya dito..." hindi ko akalaing masasabi ko ang mga salitang ito.
"Ma'am..." Umiling-iling siya sakin at sumigaw ako.
"Ibalik niyo ho siya sakin! Nagsisi na po siya--"
"Ma'am kahit magsisi pa siya at kahit ipalit niya ang buhay niya hindi mababalik ang mga tao na nawala ng dahil sa kanila."
"Ate--" Natigilan ako sandali at naalala ko si daddy at si mama. Nasaan na ba sila ngayon? Kailangan ko silang makausap! Kailangan kong makausap si dad baka may magawa siya. Bakit ginagawa sakin 'to ni Ridge, wala 'to sa usapan namin.
"Ma'am dinudugo po kayo!" sigaw ng pulis na nasa likuran ko. Sinubukan ko pang magsalita pero tuluyan na nanlabo ang pangingin ko at hinayaan ang sarili ko na bumagsak.
"Anak!" Narinig ko ang boses ni mama kaya pinilit ko ulit na buksan ang mga mata ko at akala ko ay nasa tree house pa rin ako pero, nasa hospital na pala ako. Agad akong napabangon pero pinigilan ako ni mama.
"Mama, si Ridge po!" sigaw ko. Naramdaman ko ang nakatusok sa kamay ko kaya naalala ko ang anak ko at hinaplos ko agad ang aking tiyan. "Mama ang baby ko po..." Ngumiti si mama ng mapait at tumango. Hindi ko pa sinasabi sa kanilang lahat pero bahala na, dahil sa nangyayari ngayon hindi na ako makapag-isip ng matino.
"Maayos ang baby mo, salamat sa diyos" sagot ni mama. Huminga ako ng malalim tapos napatango. Isinandal ko ang aking sarili sa head board at lumibot ang aking tingin sa paligid. Pilit kong ginigising ang sarili ko dahil baka panaginip lang lahat ng 'to.
"Mama, panaginip lang 'to diba? hindi naman 'to nangyayari sakin?" tanong ko kay mama at hindi ko napigilang umiyak ng makita kong tumulo ang mga luha niya. Hindi ko kaya 'to, kahit kailan hindi ko hiniling na magkaroon ng anak tapos wala siyang ama na makikilala, ayokong maging katulad ni mama. Lumaki ako ng walang kinikilalang ama tapos ito rin ang kapalaran ng anak ko?
"Ma, ayokong matulad siya sakin," sabi ko. "Tulungan natin si Ridge ma."
"Anak, kailangan niya rin 'to--"
BINABASA MO ANG
Mr. Reserved
Romance"Want your name on my body?" - Mr. Ridge Ace Ferrer MR. SERIES III photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.