Hindi ko alam kung bakit umalis lang bigla si Ridge hindi siya pumasok ng bahay. Mag-isa nga lang ako nang makasalubong ko si mama. Kaya pala niya ako pinapauwi dito dahil kailangan ko raw siyang tulungan sa wedding gown niya. Okay lang naman dahil may mga pinapapirmahan lang naman kami sa University para sa enrollment hindi pa naman talaga tapos ang maliligayang summer time namin.
"Maganda naman lahat ma at sigurado akong bagay sayo," sabi ko habang tinitignan ang mga brochures na binigay ng mga designers. Tapos meron na rin silang mga gowns mismo na dinala na rito sa mansyon ni Mayor. Nasa iisang silid lang kami ngayon, hindi ko na nga alam kung saan ang sala nila sa dami.
"Kaya dapat masaya rin ang magsusuot at in love," sabi ko naman at bigla niya akong pinalo sa braso ng mahina. Magkatabi rin kasi kami ni mama ngayon.
"Ikakasal na kayo agad ngayon ko nga lang nakilala si Mayor," sabi ko.
"Bakit ko pa papalagpasin ang ganitong pagkakataon?" nakangiti niyang tanong sa'kin. Kinakabahan lang ako dahil baka nabubulag lang siya sa kung ano ang meron ni Mayor at nabibigay sa kanya. Syempre iba lang rin ang taong mamahalin ka at aalagaan, charot lang dapat talaga may pera.
"Isipin mo hindi mo na kailangang sumakay ng tricycle araw-araw," sabi ni mama. Hindi niya na rin kailangang magbenta ng ulam at magluto sa isanf karenderya. Alam ko naman 'yon pero sa sobrang daming lalaki ni mama simula ng iwan ako ng tunay kong ama ay hindi ko alam kung ipagkakatiwala ko ba si mama sa kanila.
"Ito ma oh maganda 'to," sabi ko tapos ibinigay ko sa kanya ang wedding gown na nakita ko. Nakita ko siyang ngumiti kaya masaya ako. Hindi ko rin masisi si mama na magkagusto sa kanya si Mayor, ang ganda kasi si mama. Ako kasi mga 40 percent lang yata kay mama yong iba kay papa na.
"Nga pala invite your two friends huh," sabi ni mama at naalala ko tuloy sila Honey.
"English ma ah, pero sa ngayon ma si Honey kasi hindi pa pumapasok tapos si Lyn naman, parang buntis," sabi ko at nakita kong nagulat siya sandali.
"Buntis? paano mabubuntis ang batang 'yon!"
"Ma naman, ang lakas ng boses mo. Hindi pa naman sigurado bigla kasi siyang nawala kanina." sana ay maayos lang siya ngayon. "Hindi rin nila ako kinakausap."
"Naku eh may balita ka ba kay Honey kung kumusta?"
Umiling ako. Close si mama sa kanila dahil simula first year college ay pinapapunta ko na sila sa bahay namin. Kaya kilalang kilala na sila ni mama. Hindi rin naman mahirap kaibiganin si mama.
"Hindi ko nga makausap eh pero alam mo ma kilala pala niya crush ko," sabi ko na parang bata ko. "Satingin ko close rin sila."
Hindi ko kasi makakalimutan ang gabing 'yon sa hospital. Nakita ko namang tumawa si mama.
"Sinong crush?" tanong niya
"Mama naman," sabi ko.
"Sino nga, marami kang crush eh." Natawa rin ako sandali. Lahat ay pwede ko lang sabihin kay mama maliban lang sa ibang bagay na alam kong magagalit siya o nahihiya ako.
"Si Wren po, 'yong singer." nakangiti kong sagot. Tapos nakipagchikahan na ako ng kahit ano kay mama at tinulingan siya kung ano pa kailangang ihanda. Talagang excited siya sa kasal niya. Sabagay si Mayor palang yata ang lalaking niyaya si mama sa kasal. Yon lang dahil ang bilis nila.
"Ma punta lang po ako sa kwarto ko," sabi ko kay mama.
"Oh sige anak, bumalik ka dito ah marami pa akong ipapatulong," sabi niya tapos tumango lang ako bilang sagot. Lumabas ako sa silid at sumakay ng elevator dahil kung maghahagdan pa ako ay mapapagod lang ako.
BINABASA MO ANG
Mr. Reserved
Romance"Want your name on my body?" - Mr. Ridge Ace Ferrer MR. SERIES III photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.