38

85 2 0
                                    

"Parang ito ang suot ko nung unang pagdating ko sainyo," sabi ko habang tinitignan ang isa sa mga paintings niya sakin. Nakita ko naman siyang tumango. 

"Ang tagal na non ah, matagal mo na rin ba akong ipinipinta?" tanong ko at nakita ko lang siyang ngumiti. Hinaplos ko ang aking mukha sa painting.  Narinig ko na sa kanya dati pa na tuwing tumitingin siya sakin para raw akong isang kalmadong dagat lang. Kalmadong lugar. Hindi ko maintindihan, sa klase namin ang grupo ko at ako mismo ang maingay samin. 

Pinangarap kong magkaroon ng boyfriend sa Primston, omg, siya na ba? I mean kami na pero teka, isa ba ang mga paintings sa way ng panliligaw niya? Akala ko hindi na siya darating sa birthday ko eh.

"Alam mo gusto ko ring magpinta, talent nalang talaga kulang," sabi ko tapos natawa sa sarili kong joke. Kung joke man 'yon.

"Dito ka ba nagpipinta lagi?" tanong ko.

"Yeah, this was built before my mom died."

"Sorry." 

He just smiled.

"Happy birthday."

"Best birthday ever," sagot ko. He raised an eyebrow at me suddenly.

"Best?"

Tumango naman ako bilang sagot. He hold my hand and gently pulled me along with him. Hinila niya ako papunta sa bintana.

"Kaunti lang ang mga bituin ngayon," sabi ko, then I let him hug me around my waist.  "Sobrang dilim. Hindi ka ba nalulungkot dito minsan at dito ka ba umuuwi kapag wala ka sa bahay?"

"Yeah, sometimes."

I closed my eyes when I felt his kiss on my nape.

"Thank you, paano ko ba iuuwi lahat ng 'yan?" Natatawa kong tanong tapos dahan-dahan niya akong pinaharap sa kanya.  Bigla niyang hinubad ang kwintas at isinuot sakin.

"Ba--bakit?"

"You can come over here anytime."

"Hindi naman ako pupunta dito kung hindi ka kasama, medyo nakakatakot ang daan. Alam mo na maganda. pa naman ako baka may magkagusto saking elemento." pagbibiro ko.

"You're funny." tapos hinawakan niya ang pendant ng kwintas.

"This treehouse is special to me." mahina niyang sabi.

"Baka mawala ko 'to." parang bata kong sabi.

"No you won't. Ingatan mo  'yan." He kissed me on my forehead.

"Kissing monster." I said and then I just saw him smirk.

Kumuha naman ako ng brush at isang kulay ng pinta.

"Turuan mo ako?" tanong ko. "Sige na ngayon lang naman."

"Fine."

Pumwesto ako agad sa tapat ng board na blangko pa. Canvas yata ang tawag niya dito. Umupo ako tapos kumuha pa siya ng isang upuan para tumabi sakin.

"What do you want to paint?" tanong niya.

"Hmm ikaw?" tapos bigla siyang natawa.

"Oh bakit? kaya ko rin naman ah." Naisip ko lang kasi. Siya nalang dahil tutal ako naman ginawan niya.


"Haha!"

"You suck at painting haha."

Tawa na kami ng tawa nang malapit na akong matapos. Pakiramdam ko ay nasayang ko lang ang mga paints niya. Nagmukha siyang alien dito na kulay green.

"Sorry naman haha, pero ang cute mo dito!"

"Tss, it's the worse."

"Ay, grabe ka naman."

Mr. ReservedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon