10

133 2 0
                                    

"Honey!"

Agad kong yinakap si Honey nang pagkababa ko ng sasakyan ay siya agad ang nakita ko. Hindi ko nga inaasahang magkakasabay kaming pumasok.

"Rea nasasaktan ako!" sigaw niya at agad akong umiwas sa yakap. Tinawanan ko siya at kinurot sa braso.

"Hindi mo manlang ako yinakap pabalik! Kumusta ka na mabuti nakabalik at buhay ka pa." inis kong sabi tapos inirapan siya. Nakakainis kaya wala ang dalawa mong kaibigan sa University. Kung sinu-sino na nga lang sinasamahan ko.

"Wag mo ng gagawin 'yon nako, pasalamat ka konti lang ang hahabulin mo, pasalamat ka rin sakin sa mga araw na hindi ka pumasok," sabi ko. Nakita ko naman siyang ngumiti at natigilan ako sandali dahil iba na ang ngiti niya ngayon. Hindi ko alam kung bakit hindi naman nagbago ang mukha niya.

"Oo nga!" natatawa niyang sabi. May mga papirmahan na nga lang kami ngayon tapos summer na!

"Fourth year na tayo next Academic year."

"Kung nakapasa ako," sabi niya.

"Positive naman," sagot ko. Isa pa inintindi naman siya ng ibang prof namin. OJT na rin sa wakas. Konti nalang ay magiging guro na ako. Promise ko talaga sa sarili ko na ako ang magiging pinaka-cute at magandang teacher!

"Teka, marami pala tayong pag-uusapan!" natatawa kong dabi.

"Si Evelyn nga pala?" tanong niya nang mag-umpisa na kaming maglakad papasok ng University. ".. at sasakyan niyo ba 'yon ang gara ah."

"Hmm si Evelyn hindi ko alam sa kanya ayaw magparamdam katulad mo. 'Yong sasakyan naku nakisakay lang ako." hindi pa ako handa sabihin sa kanila ang nangyari sa'kin pero alam kong ikwekwento ko. Inakbayan ko siya. Kulang man kami ng isa at least hindi na ako nag-iisa.

"Ikaw ah bakit napasugod rin sa hospital ang crush ko!" sigaw ko sa kanya. "Sabihin mo sa'kin kung ano ang ginawa mo!" naku gusto ko talaga malaman dahil nagseselos talaga ako.

Pagkatapos ng buong umaga sa University ay dumiretcho kami sa paborito naming kainan.

"An--ano!" sigaw ko at muntik pa akong mabilaukan. Kumakain pa kasi kami nang magkwento siya bigla. "Totoo!"

"Shh wag kang sumigaw," sabi niya at gusto pa nga niyang takpan ang bibig ko. Umiling-iling ako. Hindi totoo. Nako, seryoso ba itong kaibigan ko?

"Ex.. mo si Wren Almazan?" pabulong kong tanong sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot.

"Pumatol sayo?" pasigaw kong tanong at sinamaan naman niya agad ako ng tingin. Pero totoo. Kahit nga sa sarili ko hindi ko nakikitang papatol sa'kin si Wren. Itong si Honey na maingay matulog at kumain ex niya? Sabagay wala naman akong alam sa mga nakaraan ng kaibigan ko.

"Grabe ka sa'kin kaibigan ba talaga kita?" pataray niyang tanong sa'kin.

"Wag mo akong tinatarayan diyan, bakit hindi mo sinabi agad!" sigaw ko at pinalo ang braso niya. Nakakagulat ang balitang 'to!

"Hindi ako makapaniwala.." sabi ko.

"Oo na sabihin mo nalang hindi ka naniniwala," sagot niya. Baka hindi ko matapos 'tong lunch ko.

"Nga pala, ito seryoso.. bakit mo ginawa 'yon wag mo ng ulitin ayokong may kaibigan akong ghost nalang," sabi ko na parang bata. "Seryoso, nag-alala kami."

Kanina nga nang makita siya ng mga kaklase namin yinakap siya agad.

"Akala ko nga walang mag-aalala, sorry." nakangiti niyang sabi.

"Grabe ka best friend niyo ako!" sigaw ko tapos tumawa lang siya. Pero nalulungkot ako dahil hindi ko manlang napansin 'yon sa kanya at parang naging pabaya at wala akong kwentang kaibigan. Totoo nga ba akong kaibigan? Si Evelyn nga, bahala siya kung ayaw na niyang magparamdam ay hindi ko na siya kukulitin sa chats.

Mr. ReservedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon