16

109 3 0
                                    

"May ginawa ka ba sa'kin!" sigaw ko sa kanya nang magising ako sa hindi ko higaan. Dito ako nakatulog sa kwarto ni Ridge at pagkagising ko ay ganoon pa rin ang ginagawa niya. Tumawa siya ng malakas tapos umiling-iling. 

"Don't think too much, drowsiness visited you last night just staring at me. Thank me, I caught you last night, or you might have fallen off your seat," sabi niya at sinuri ko naman ang sarili ko. Kumpleto pa naman ang suot ko. Wala naman akong sakit na nararamdaman, teka nga, dapat lumabas na ako. 

"Go back to sleep because you slept late." 

Tama siya, inaantok pa ako. Anong oras na ba ako nakatulog, parang pasikat na rin ang araw. Tumingin naman ako sa kanya na paint brush na ang hawak. 

"Teka, natulog ka ba?" tanong ko. 

"Hindi uso," sagot niya tapos kinindatan pa ako. Hindi siya natulog at nakaya niya 'yon? 

"Hindi ka pa inaantok sa lagay na 'yan?" tanong ko. 

"Im fine," sagot niya tapos bumangon na ako at inayos ko pa ang higaan niya dahil nakakahiya naman na lumabas lang ako ng walang inaayos pero hindi naman ako makalat matulog katulad ni Honey. Pagkatapos ko ay lumakad ako palapit sa kanya at natigilan siya sa pagpipinta nang inilapit ko ang aking mukha sa kanya. 

"What are you doing?" pabulong niyang tanong. Umayos ako ng pagtayo at umiling-iling.

"May eyebags ka na tignan mo oh, matulog ka na," sabi ko tapos tinawanan lang niya ako. Tumingin naman ako sa pinipinta niya. Ang ganda, mas lalo niyang pinaganda si mother nature. 

"Ang ganda ah," komento ko. 

"Thanks," sabi niya. 

"Para saan ba 'yan at hindi ka natulog?" tanong ko. 

"It's for myself, I love painting so much," sagot niya na parang bata. Para lang pala sa kanya, kung hindi siya natulog eh dapat pala may deadline 'yan. 

"I don't want to leave my art unfinished." rinig kong sabi niya. Napansin ko ring nasa maayos na lagayan lahat ng mga gamit niya dito. Nagmukha lang talagang makalat siguro sa paningin ko dahil sa mga nagkalat na pinta sa sahig. 

"Komportable ka lang ba na dito sa loob ng kwarto mo magpinta?" tanong ko. Hindi na ako nahiya, kakagising ko lang. Hindi pa nga ako nakapagsuklay o nakapaghilamos man lang. Nakakahiya naman sa mukha niya na fresh pa rin. 

"Yeah," sagot niya.  "Nakatulog ka lang rin diba?" tanong niya. Ngayon ko nga lang naamoy ang mga paints niya. 

"Good morning." pagbati ko tapos lumabas na ako ng kwarto. Dumiretcho agad ako sa silid ko mabuti nalang sobrang tahimik pa ng bahay. 

"Magandang umaga po ma'am." pagbati sa'kin ni Sara pagkapasok ko palang ng kwarto at sakto lang na lumabas siya ng kwarto niya. Kakagising lang rin niya siguro. 

"Lumabas po kayo?" tanong niya. 

"Hindi," sagot ko tapos dumiretcho na ako agad ng banyo. Naghilamos lang ako sandali tapos lumabas ulit para ihanda ang isusuot ko ngayong araw. Wala naman akong lakad, siguro magbigay ako ng schedule o pilitin 'yong iba kong mga kaklase kung pwede akong sumama sa kanila. Sa mga lakad nila o kung ano ang plano nila ngayong summer.  

"Kumain na po kayo, ma'am."

"Salamat Sara."

Kumain na ako sa inihanda ni Sara na almusal at syempre pinasabay ko na siya sa'kin kesa naman sa iba pa siya kumain o maghintay sa mga kasabayan niya habang ako ay kumakain na. Pagkatapos kong kumain ay bumaba na ako dala ang cellphone ko. Inaalala ko rin kung ano ang pwede kong gawin dito at ano ba ang mga hilig kong gawin, bukod sa pag-aaral charot.

Mr. ReservedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon