Hindi ko maiwasang mapangiti nang lumabas ako ng sasakyan at agad kong nakita ang maganda at makulay na fireworks. Saktong pagkarating namin dito sa South, Amusement park ay nagkaroon ng fireworks. Nakita ko agad na maraming gustong kumuha ng video at pictures.
"Bakit tayo nandito?"
"Sorry, I know it's childish and a bit boring but I wanted to get back here," sagot niya. "Isang beses lang ako nadala dito ni mama."
Yumakap ako sa braso niya.
"Ako nga, parang ngayon lang ako nakapunta sa ganito," sabi ko.
"Really?" gulat niyang tanong.
"Oo, kasi panay mall kami ni mama o di kaya sa dagat, resort. Ang saya kaya dito. Ang sigla ng gabi."
"I'm glad." Nakita ko siyang ngumiti. Nang hihilain ko na siya ay bigla naman siyang tumayo na parang yelo.
"Maybe this is not a good idea--"
"Ha bakit?" Napatingin naman ako sa paligid at napagtanto ko na marami palang tao.
"Ayos lang 'yan nandito naman ako." Nakangiti kong sabi. Tapos hinila ko siya kahit parang ayaw na talaga siyang tumuloy. Nandito na nga kami aatras pa siya.
"Rea." bigla niya akong hinila palapit sa kanya tapos yumakap siya sa likuran ko. Hindi man ako makakilos dahil sa ginagawa niya ngayon pero kailangan dahil maraming mapapatingin samin.
"Okay lang 'yan Ridge, gusto mo ba muna ng ice cream?" Humarap ako sa kanya at binigyan siya ng isa sa matatamis kong ngiti. Pero ako yata ang natulala sa kanya, bakit ba ang cute ng kasama ko ngayon. Tumalikod ako at naramdaman ko naman siyang sumunod sa likuran ko.
Hindi ko alam kung swerte ako o kung anong agimat ang ginamit ko para may maging ganito sakin. Hindi naman ako marunong manggayuma.
"Chocolate po," sabi ko kay kuya ng mabigyan na niya ng ice cream ang isang bata, kanina nga marami silang mga bata na pumipila dito. "Ikaw Ridge?"
"Let's just share," sabi niya.
"Ano? nagtitipid ka ba, wag kang mag-aalala may dala naman akong pera--"
"Nakakadiri ba ako?" bigla niyang tanong nang hindi ako pinapatapos magsalita.
"Hindi kasi baka kulang 'tong sorbetes at ice cream satin." Naubo pa tuloy ako.
"Just buy one, titikim lang ako i don't eat much ice cream." Tumango ako bilang sagot sa sinabi niya at binayaran si kuya.
"Salamat po." totoo ngang tumikim lang siya tapos ako na ang umubos sa ice cream.
"Wooooh!"
Nang makapunta kami sa mga rides at makabili ng tickets ay para siyang naging bata. Nakakahawa ang mga tawa at sigaw niya sa bawat rides na napupuntahan namin. Nakakapagod ngang sumabay sa kanya pero ang saya.
"Akala ko, takot ka sa rides," sabi niya.
"Sus, ang basic," sagot ko sa kanya. Tapos naupo kami sa bench habang tinitignan lang ang fireworks.
"Parang mahuhulog sila sa'tin," sabi ko sabay turo sa langit.
"That was fun," sabi niya.
"Bakit ngayon ka lang ba talaga nakabalik? pwede ka namang pumunta dito kahit kailan mo gusto," sabi ko pero natigilan rin ako nang maalala ko ang reaksyon niya kanina sa mga tao.
"I'm happy that I have someone here with me, para sa mga kaibigan ko, ang korni dito." Tumawa siya ng mahina habang sinasabi 'yon.
Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bag dahil pakiramdam ko ay may tumawag at saktong si Kuya Raymond 'to.
BINABASA MO ANG
Mr. Reserved
Romance"Want your name on my body?" - Mr. Ridge Ace Ferrer MR. SERIES III photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.