3

147 8 0
                                    

Nagising akong nasa kwarto na ako tapos nasa tabi ko si Sara. Nang makita niya akong umupo ay agad siyang tumayo tapos tumakbo palabas ng silid. Hinawakan ko ang aking noo dahil parang nahihilo pa ako, pero kumpara kanina ay maayos na ako ngayon. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid, sino ang nagdala sa'kin dito at nahanap nalang ba nila ako, hindi ko alam ang nangyari eh basta sigurado akong nawalan ako ng malay.

"Anak!" Tumingin naman ako sa biglang sumigaw, si mama at kasama niya si Mayor. Tumakbo siya palapit sa'kin tapos yinakap niya ako agad. 

"Mama naman," reklamo ko dahil ang higpit ng pagkayakap niya sa'kin.

"Ano bang ginagawa mo sa lumang silid na 'yon?" tanong agad ni mama. "Salamat nalang at napansin ni Sara na parang may pumasok doon at nakita ka niya. Paano kung hindi namin alam na pumasok ka pala don." 

"How did you get there iha?" tanong bigla ni Mayor. Natakot namna bigla ako dahil baka sabihin nila pumapasok lang ako sa kwarto ng walang pahintulot. Pero nandoon si Ridge eh, kaya ayos lang siguro? Teka paano ako nakita ni Sara?

"Ahh kasi po, ano.." bakit hindi ako makapagsalita ng diretcho. "Magaling po pala sa piano si Ridge?" 

Tapos hindi ko alam kung bakit biglang tumahimik si Mayor Raymond tapos seryoso akong tinitigan. May nasabi ba akong mali? Kinakabahan ako. 

"Ma natatakot ako sa titig ni Mayor," bulong kong sabi kay mama dahil nasa tabi ko lang naman siya. 

"Darling, may problema ba?" tanong ni mama at nakita ko namang nagising si Mayor at umiling. 

"Si Ridge ba?" tanong ni Mayor. Tumango naman ako agad. "But Ridge never played piano." 

Natigilan ako sa sinabi ni Mayor. Paanong never eh ang galing-galing nga ng mga kamay niya. Nakita ko 'yon gamit ang mga mata kong magaganda. Sigurado ako sa nakita ko at si Ridge 'yon. Baka hindi lang nila alam.

"Po?" tanong ko. Baka nagkamali lang rin ako ng dinig.

"Wala iha, next time kahit anong silid dito ay pwede mong pasukan, maliban lang doon," sabi niya. Napanguso naman ako. 

"Bakit naman po?" tanong ko. Para kay Ridge lang ba 'yon? Pinapasok naman niya ako ah, hinayaan naman niya akong pakinggan siya.

"Kinikilabutan ako," sabi bigla ni Sara tapos nakita kong tumahimik siya nang biglang tumikhim si Mayor.

"Anong meron darling?" tanong ni mama tapos tumayo siya at lumapit kay Mayor. Hinalikan naman niya si mama sa noo. 

"Wala," sagot ni Mayor. Naku, wag naman sa harapan ko. Umiwas nalang ako ng tingin sa kanilang dalawa. 

"Sara, you take care of Rea please," sabi ni Mayor tapos nakita ko naman ang pagmasahe ni mama sa ulo nito. Napapailing-iling nalang ako. Lumapit sa'kin si mama at hinalikan ako sa noo.

"Salamat naman at bumaba agad ang lagnat mo, mainit ka kanina," sabi ni mama. Bakit ako nagkalagnat bigla? diretcho lang naman ako dito after school. Wala na akong ibang ginawa. Tinulungan ko lang si mama.

"Magpahinga ka lang muna," sabi ni mama tapos umalis na rin sila. 

"Kumusta po kayo ma'am wala na po ba kayong ibang nararamdaman?" tanong ni Sara bigla tapos umupo siya sa tabi ko.

"Wala na," sagot ko.

"Ma'am tinatakot niyo naman po ako." 

"Chill Sara nangingig ka diyan at ano naman ginawa ko para matakot ka?" natatawa kong sabi. 

"Ma'am kasi sa pagkakaalam ko lock ang pintong 'yon at walang sino man ang nakakapasok don. Sabi rin kasi dito ng mga matatanda at matagal na nagtrabaho dito, may multo raw na nakatira doon." Kinurot ko naman ng pabiro ang tagiliran niya kahit hindi pa kami close. 

Mr. ReservedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon