44

95 3 1
                                    

Makalipas ang ilang buwan wala kaming ibang ginawa ni Ridge kund hindi bumalik sa mga inaaral namin. Nagpatuloy siya na maging business ad student sa Primston tapos ako naman nagpatuloy sa ojt ko. Kahit marami at kumakalat ngayon ang mga baho ng mga Ferrer ay parang normal pa rin sa kanya lahat. After class ay palagi kaming magkasama para mas makilala pa namin ang isa't isa. Ngayon, wala pa namang araw na hindi siya sweet sakin. Palagi pa rin niya akong nililigawan.

Madalas rin namin gawin 'yon. Umiling-iling ako habang iniisip ang mga ginagawa niya sakin sa treehouse. Parang malapit na nga naming gawin 'yon sa sasakyan niya. Hindi ko kasi mapigilan tapos nag-stop na rin ako sa pagtake ng pills kaya hindi ko alam kung baka bukas ay buntis na pala ako.

"Rea? anong gagawin mo ngayon? at ano 'yan?" tanong ni Honey.

"Para kay Ridge 'to, diba birthday niya nong nakaraang buwan, pero masiyadong busy tayo kaya wala akong naisip na surprise non. Sakto namang valentines day bukas." kinikilig na sabi ko. Last January pa kasi birthday ni Ridge, kumain naman kami non tapos naglaro sa amusement park.  Ginuguhit ko siya ngayon. Grabe ang focus ko nito. Tinuruan niya kasi ako paano gumuhit na may gamit na grid para may guide ako sa mukha niya.

"Ang effort ah," sabi niya.

"Bakit ikaw, nag-order ka naman ng teddy dati tapos may recording pa. Kwento mo 'yon wag mong i-deny." natatawa kong sabi.

"Past na 'yon."

"Maka-past naman 'to bakit naghiwalay ba kayo ulit?" tanong ko.

"Wag naman!" sigaw niya na parang bata. Kami lang yata maingay ngayon sa classroom ko. Tumawa lang ako sa kanya tapos napailing-iling.

"Paano naging kayo ng step brother mo, okay lang ba kay tita Ross?"

"Hindi, pero...love wins."

"Maka-love wins ka diyan!" 

Hindi na rin ako napigilan ni mama. Tapos sila Kuya at Dad naman, normal pa rin pero alam kong may pagbabago.  Mas tahimik na nga sa bahay ngayon, busy rin ang mayor na sagutin lahat ng mga ibinibintang sa kanila. Naiisip ko kung may kapit sila sa mga Alvarez dati, paano ngayon?

"Mukha na siyang alien," komento ni Honey. Inirapan ko lang ang biro niya. Sana kahit hindi man kagandahan ang kakalabasan nito magustuhan pa rin niya.

Nang matapos ang class namin ay sabay pa rin kami ni Honey na lumabas ng University at nakita ko agad ang driver ko.

"Nandito na ang sundo ko, bye." pagpaalam ko kay Honey. Pagkalapit ko kay kuya ay inabot ko sa kanya ang canva. Alam kong buong araw ako hinintay ng driver ko kailangan ko kasi ng kasama at proteksyon simula ngayon, sabi ni Kuya Raymond.

"Dahan-dahan kuya," sabi ko tapos pinagbuksan niya na rin ako ng pinto. Habang nasa biyahe ay iniisip ko ulit si mama. Kung ayos lang ba siya. Mas tahimik ang pamilyang Ferrer ngayon kaya hindi ko alam kung maayos lang ba talaga ang lahat, but I trust Ridge.

"Cathy... wala pa si daddy?" agad akong sinalubong ni Cathy pagkapasok ko ng apartment. May pagbabago na rin dito sa loob dahil kasama ko na palagi si Ridge dito. May mga guards rin ako sa labas, in case lang raw.

Binuksan ko ang TV at sinilip ang ref kung may mga stocks pa ba ako. Mukhang paubos na rin.

"Iiwan kita ulit dito Cathy, kumain ka muna." Ibinalik ko si Cathy sa bahay niya at hinanda ang pagkain tapos milk niya. Pumasok ako sa kwarto at napangiti.

"Busy kaya siya ngayon." pabulong kong sabi sa sarili ko at tinignan ang mga school works niya sa study table na nagkakalat. Inayos ko ng kaunti at nagpalit na ako ng damit. Itinago ko naman ng maayos ang sketch ko, kailangan ko pa ito lagyan ng kulay.

Mr. ReservedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon