19

86 2 0
                                    

"Ayos ka lang Rea?" tanong ni Goerge habang kinukuha niya sa'kin ang bag ko. Binigay ko naman agad dahil nabibigatan na rin kasi ako. First time ko rin kasing mag-camping at dito pa sa South. Marami naman kami ngayon, tatlo kaming babae tapos dalawa silang lalaki. Si Jackson at si Goerge at kami nila Sofia at Tessa.

Masusulit ko na rin ang natitirang araw bago pasukan. Sana wala ng mangyaring masama sakin! Lalo na't ilang araw nalang rin, malapit na ang ojt namin. Ayokong magkaroon sana ng problema kahit isa ako sa mga tamad na estudyante!

"Ayos lang ako, may iniisip lang," sagot ko. Iniisip ko kasi kung totoo ba lahat ng mga tao sa paligid ko. Lalo na sa loob ng bahay. Kung totoo rin ba mga pinapakita sa'kin ni mama. Mga ngiti ni Mayor at mga pinapakita ni Kuya. May adik  rin pala akong makakasama sa pamilya.

Ngayon ay isang linggo ko hindi nakita si Ridge hindi ko naman rin alam bakit iniisip ko siya. Kailangan rin naman niya ng tulong. Sabi ni daddy may sakit raw siya kaya habang kaya niya ay dapat malayo raw siya sa'min bago pa siya may masaktan.

"Sino?" tanong ni Goerge.

"Hayop iniisip ko," sagot ko at inirapan siya. Sumunod na ako kayna Tessa at Sofia, hindi naman kasi nakasama si Honey at isa pa si Lyn rin hindi ko na alam anong ginagawa sa buhay ngayon.

"Dito mas okay, malapit sa river," komento ni Sofia. Nasa bukid kami ngayon. Kailangan lang magbayad ng entrance at mag-rent. May kamahalan pero game naman sila. Maganda dito at sariwa ang hangin. Baka sakali matanggal ang stress ko, pumayag naman si mama kahit gusto niya sanang makipasyal sa ibang lugar malayo sa Alvarez. Pero sa ngayon mas gusto kong kasama ang mga classmates ko.

"Kayo mag-ayos ng tent niyo ah!" sigaw ni Jackson. Bawat family o pwede ring magjowa o mas maganda solo ay may sari-sariling area depende sa gusto mong piliin. Kami malapit dito sa river pero satingin ko ay medyo malayo kami sa mga cr at shower rooms.

Nakisali ako sa paselfie ni Tessa. Natalo ako nito sa pagiging muse charot. Okay sana ang lahat pero ayoko talagang kasama si Goerge pinapailang niya kasi ako minsan sa presensya niya hindi naman naging kami.

"Bawal cellphone dito guys ah!" Natatawang sabi ni Sofia.

"Inuman mamaya!" sigaw naman ni Jackson.

Tinulungan pa rin nila kami ayusin ang tent namin. Medyo nahirapan rin kasi kami. Syempre may dala lang kaming sariling kumot at mga unan. Bumili rin kami ng mga pagkain na maluluto rin bago kami pumunta dito. Ginamit namin sasakyan ng kuya ni Goerge.

Hanggang ngayon ay ayoko pa ring malaman ng lahat. Pinakiusapan ko talaga kay daddy kahit nakakahiya o baka masaktan sila pero ayokong malaman ng lahat ng tao. Kung ayos langna maitago mas mabuti. 'Yon rin naman gusto ni mama.

"Guys? nakakita ba kayo minsan ng mga multo?" tanong ko bigla nang nasa tent na kaming tatlo.

"Ha? wag tayo sa mga nakakatakot, padilim na oh," sabi ni Sofia.

"Naisip ko lang, kasi.."

"Kasi?" Tinitigan ako ng mabuti ni Tessa.

"Wala haha," sagot ko.

"Ako kasi lapitin ako dati nong bata ako," sabi ni Tessa.

"Eh, nakakakilabot naman," ani Sofia.

"Haha Promise minsan nilalagnat pa ako!" sigaw ni Tessa "Malay mo mamaya may magparamdam sayo Sofia Hala ka!"

Sumigaw naman agad si Sofia at napailing-iling lang ako habang natatawa sa kanila. Nang matapos kaming ayusin ang aming mga gamit sa loob ay lumabas na kami. Nakita naman naming nag-iihaw na ang dalawa.

"Gosh!" sigaw bigla ni Tessa at hinablot kaming dalawa ni Sofia.

"Kita niyo 'yon? ang gwapo nila!"

Kumunot ang aking noo sa tatlong lalaki na medyo malayo sa sa'min nag-aayos rin ng tent. Pamilyar silang tatlo parang nakita ko na sila.

Mr. ReservedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon