Lumipas ang ilang araw at kay bilis ng hangin. Para lang kaming tinangay ni Ryleih papunta dito sa Pilipinas. Nakita ko naman ang anak ko na namamamgha pa sa mga nakikita niya at talagang binuksan pa ang car window habang sinasalubong niya ang hangin.
Tahimik ang Alvarez City ngayon ah, dahil ba sa pandemya? pero marami ring nagbago dito.
"Ryleih wear your mask properly," sabi ko sa anak ko ng palapit na kami sa lugar ng daddy niya. Kailangan ko pang tawagan si mama baka nag-aalala na ito ngayon.
Pero nakausap ko naman siya kanina sa hotel. Doon kasi muna kami nagpalipas ng ilang araw ni Ryleih ng makarating kami dito sa syudad. Dahil nga galing kami sa labas ng lugar kaya hindi kami basta-basta makakapaggala kung saan saan lang.
"Mommy let's go to the mall!" sigaw ni Ryleih. Kikay na kikay talaga 'to. Umiling ako sa kanya at nakita ko siyang ngumuso. Napansin ko namang nakapasok na kami at ilang minuto nalang ay makikita ko na ulit ang tree house at syempre ang pagbabago nito.
"Akala ko ba gusto mo makita si daddy?" tanong ko sa kanya. Natawa naman ako ng mahina ng maalala ko nong isang beses na sabi niya sakin tawagin ko siyang daddy imbes na kuya. Paano ko rin ba ipapaliwanag na ang lolo ni Ryleih ay ex asawa ni mama haha. Mabuti nalang wala na silang naging anak ni mama.
"Mommy what's funny?"
"Wala anak," sagot ko sa anak kong nakatitig lang sakin habang natatawa ako.
Bigla namang tumunog ang cellphone ko sa bag. Agad ko itong kinuha at sinagot ang tawag ni Honey. Sakto ring huminto na ang taxi na sinakyan namin ni Ryleih.
"Haha sasabihin ko naman dapat kaso surprise nga," sagot ko sa pagsisigaw ni Honey na hindi ko raw siya inupdate na nandito na ako sa pinas.
"Oo magkita tayo, pero syempre uunahin ko muna love life ko," sabi ko. Dapat kitain muna namin si Ridge bago kami mamasyal at makipagkita ni Ryleih sa ibang tao. Binuksan ko ang pinto pagkatapos kong magbayad at pinagbuksan ko rin ng pinto si Ryleih. Napasigaw pa ako dahil tumalon siya bigla tapos agad na tumakbo.
"Honey ang galing naman ng asawa mo," sabi ko ng makita ko na ang bahay namin ni Ridge at ang plano niyang playground dito. Hindi naman ako nagkaroon ng problema kay ex crush si Wren dahil kinausap na raw siya ni Ridge dati pa sa mga plano nito.
"Bye na girl! haha chat nalang kita, okay lang kami ni baby."
"Mommy!" Napatingin ako kay Ryleih na agad na tumakbo takbo sa mini playground.
Marami tuloy akong naalala. Naalala ko rin ang araw na kinuha nila si Ridge.
"Anak halika!" Binuhat ko si Ryleih tapoa umakyat kami papunta itaas. May smart lock na rin ito, syempre pinalagyan ko na.
"Mommy what's up with this place?" mabuti nalang talaga walang accent na nakuha si Ryleih sa ibang bansa. Ibinaba ko siya at hinawakan ang kanyang kamay tapos sabay kaming pumasok sa loob.
"This is our... home."
Napalibot ang aking tingin sa sala tapos mula dito ay makikita agad ang kusina tapos may tatlong pinto. Isa siguro diyaan ay banyo, tapos ang dalawa kwarto namin nila Ridge tapos sariling kwarto ni Ryleih. Nakuha naman ni Wren ang gusto kong mangyari rin sa bahay namin.
"Mommy is this you!" agad na napansin ni Ryleih ang painting sakin ng daddy niya.
"Yes baby, it's from daddy," sagot ko sa anak ko. Masaya ako dahil nakangiti si Ryleih at parang nagustuhan naman niya ang bahay kahit simple at hindi gaano kalawak kumpara sa iniwang bahay ni Mayor Raymond kay mama.
"But... Daddy..." Lumingon si Ryleih sakin tapos nakita ko na ang lungkot sa kanyang mga mata.
Sinabi ko sa kanya lahat kahit alam kong kahit isa sa mga salita na sinabi ko sa kanya ay wala siyang naintindihan.
BINABASA MO ANG
Mr. Reserved
Romance"Want your name on my body?" - Mr. Ridge Ace Ferrer MR. SERIES III photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.