25

82 4 0
                                    

"Matagal pa ba?" Hinihingal na ako at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin para makaligo, baka ang gawin ko ay mahiga nalang kesa maligo. Sobrang pagod na ako kakaakyat sa malalaking bato na 'to. Hindi naman ako nahihirapan at hindi rin ako palasigaw sa inaakyatan namin pero sobrang nakakapagod. 

"Malapit na," sagot niya. Umirap lang ako habang nakatalikod siya. Pero napansin kong medyo nasa mataas na kami. May falls raw rito at sobrang fresh ng tubig. Hindi naman game sila Honey sa mga ganito, resort pwede pa. Liguan lang. Masaya sana kung marami kami dito ngayon. 

"Wow ang ganda!" sigaw ko nang makita ko na ang buhos ng tubig. Napakalinaw. Masarap ngang maligo dito. Ibinaba ko na ang aking bag at tumingin sa kanya na sumugod agad sa tubig. Pero pakiramdam ko malalim ito. 

"Okay lang ba?" tanong ko tapos itinaas lang niya ang kanyang kamay tapos nag-thumbs up. Ngumiti naman ako tapos sumunod pagkatapos kong mag-selfie. Malamig pero hindi masakit sa katawan parang presko na ako ulit. Pumunta ako sa may malaking bato tapos ipinatong ko ang dala kong pangligo. 

"Diyan ka lang! area ko 'to!" sigaw ko nang bigla siyang lumakad palapit sa'kin. Ngayon hanggang bewang ko pa naman ang tubig. 

"Fine," sabi niya pero nakita ko siyang ngumisi tapos lumangoy palayo sa'kin. Ang refreshing dito. Dalhin ko kaya si mama dito? kaso mabilis ng mapagod 'yon. Sigurado akong makakalimutan rin niya ang lahat ng masasamang alaala kapag makita niya ang napakagandang tanawin na 'to.

"Bakit ngayon ko lang 'to nalaman?" tanong ko nang makabalik ulit siya sa pwesto ko. 

"I don't know." natatawa niyang sagot sa'kin. Ngumuso ako. Marami siyang alam. Itong secret beach tapos ngayon 'to. Baka nalabas na 'to sa social media pero hindi ko lang nakita, sayang updated pa naman ako minsan sa mga ganito. Pang-gala, mga pangkikay ganon.

"Doon ka na muna, wag mo na muna akong pansinin," sabi ko. Umiling-iling siya tapos lumayo ulit. Parang ang hilig niya sa tubig. Nagsimula na akong linisin ang sarili ko. Fresh na ulit. Pero hindi ko maiwasang mailang dahil baka may nakatingin sa'kin dito. Natatakot rin baka may nakatuloy dito.

"Mama!" sigaw ko nang may naramdaman akong humawak sa paa ko. Muntik pa akong mawalan ng balanse dahil sa paggalaw galaw ko.

"Ano ba!" tapos itinapon ko sa mukha niya ang shampoo na sana ay gagamitin ko na.

"Ouch!" reklamo niya sabay hawak sa ilong niya. Agad ko namang tinakpan ang dibdib ko dahil naka-bra at short nalang ako.

"Bakit ba ang kulit mo!" inis kong sigaw tapos tumawa lang siya. Kinurot lang niya ang pisngi ko tapos bigla niyang hinaplos ang magkabilang braso ko. Hindi ko naman maintindihan ang nararamdaman ko sa buong katawan ko ngayon. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako. Napapalunok pa ako tuwing napapasilip ako sa katawan niya.

"Ako na," sabi niya tapos hindi ko alam kung bakit natulala ako sa mga ngiti niya. Hinabol niya 'yong shampoo bottle tapos bumalik ulit sa'kin. Tumalikod naman ako habang nakayakap lang sa sarili ko.

"Strawberry?" tanong niya sa may batok ko. Naramdaman ko na rin ang mga daliri niya sa'king buhok. Tumango ako bilang sagot.

"Baka hindi mo alam ginagawa mo ah," sabi ko.

"What? we have shampoos too." natatawa niyang sabi sa likuran ko. Ngumiti lang ako. Ang gaan ng mga kamay niya sa pakiramdam. Kinuha ko agad 'yong sabon tapos humarap sa kanya.

"Im not finish yet," sabi niya.

"Sige na, may kamay naman ako," sagot ko. Natulala ulit ako ng ngumuso siya tapos tumango at lumayo na ulit sa'kin. Hindi na kasi ako makahinga baka tuluyan na akong mawalan ng hangin kapag magtagal pa siya dito.

Mr. ReservedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon