5

142 8 0
                                    

Nagising ako dahil sa kung anong ingay ang naririnig ko. Parang may nagluluto. Paano nga pala ako nakauwi kagabi? Hinawakan ko ang aking noo at pakiramdam ko ay gusto ko pang matulog ulit, nahihirapan akong imulat ang aking mga mata. Sobrang lambot ng hinihigaan ko.

"Good morning ma'am!" tuluyan akong nagising dahil sa boses na 'yon. Nanlaki naman ang mga mata ko tapos inilibot ko ang aking tingin. Paano akon nakarating dito?

"Ma'am dahan-dahan lang po!"

Agad akong bumangon at hinanap ang bag ko. Nakita ko naman agad sa sofa, kinuha ko ang phone ko at nakita kong late na ako sa next class ko. Pumikit ako ng mariin marami na rin akong natanggap na messages nila Goerge.

"Dito ako umuwi?" tanong ko kay Sara. Paano naman ako nakauwi rito? Wala akong maalala sobrang sakit ng ulo ko ngayon!

"Inuwi ka po ni Manong Brando dito kagabi."

"Ano!"

Tinakpan ko naman ang bibig ko dahil nagulat ko siya sa pagsigaw ko. Hinawakan ko ang aking noo. Wala akong maintindihan.

"Paano ako nakuha ni Manong--" tumigil ako at hinayaan nalang. Hihintayin ko nalang si mama ang magsabi sa'kin. Pumunta ako sa kusina at kumuha lang ng isang tinapay tapos dumiretcho na ako sa banyo.

Naligo ako at nagbihis, mabuti nalang walang pakealam ang University ngayon sa susuotin namin dahil patapos na rin ang klase. Finals nalang at sana makapasa.

"Bye Sara, wala akong ganang kumain," sabi ko at ininom ko lang ang gatas na itinimpla niya tapos  binitbit ang bag ko at lumabas na.

Pagkarating ko sa baba ay agad kong nakita si mama.

"Ma!"

"Oh mabuti at nagising ka na. Pasalamat ka kay Ridge na tinawagan niya si Brando para kumuha sayo," sabi ni mama tapos naalala ko na bigla lahat.  Kinagat ko naman ang aking labi dahil ang naalala ko ay paano niya ako hinalikan at paano ako humalik pabalik.

"Papasok ka pa sa lagay na yan?" tanong ni mama.

"Pipiliting makahabol," sagot ko.

"Anak, wag ka ng gumala kahit ngayong week lang alam mo namang malapit na ang kasal ko," sabi ni mama. Huminga ako ng malalim tapos tumango bilang sagot.

"Hahabol lang ako sa class ko." natatawa kong sabi tapos tumakbo na ako palabas. Hindi naman ako pinipigilan ni mama maliban lang kung ikakamatay ko na, siguro.

"Ridge." Humarang siya bigla sa pintuan, nilingon ko naman si mama sa likuran wala na siya.  Hindi naman ako makatingin sa kanya ng diretcho dahil naalala ko lang ang labi niya sa labi ko.

"Help me," sabi niya. Inangat ko naman ang aking tingin sa kanya.

"Huh?"

"How are you feeling?" tanong niya imbes na sagutin ako.

"Masakit lang ang ulo ko, hindi ko alam na malalasing ako agad." ang totoo niyan ay baka. nawalan ako ng hininga kagabi. Hindi ba siya naiilang sa'kin? Hinalikan niya ako o di kaya mahihiya?

"Yeah, you passed out I have to carry you," sagot niya tapos tumalikod siya at naunang lumabas sa'kin. Sinundan ko naman siya agad.

"Sorry, pero magaan lang naman ako," sagot ko. Sumigaw naman ako nang wala siyang reaksyon sa sinabi ko.

"Oy hindi ako mabigat!"

Dumiretcho kami sa likuran ng bahay nila tapoa huminto kami sa harapan ng isang sasakyan.

"Ano nga pala gagawin natin anong tulong ba gusto mo?" tanong ko tapos pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Sakay," sabi niya.

Mr. ReservedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon