11

109 3 0
                                    

Napansin kong may ibang babae rin palang nandito. Umiiwas nalang ako ng tingin sa kanya. Hindi rin ako handang malaman ni Honey. Ako ang kukulitin niyan imbes na siya ang kululitin ko. Yumuyuko nalang ako tapos tumitingin sa paligid nang lumapit kami sa kanila.

"Guys, I lose. My girl is back, Im hers again." nakangiting sabi ni Wren. Tapos nakita kong parehas kami ng ginagawa ni Honey umiiwas ng tingin. Nahihiya siya ako naman ay iniiwas ko ang tingin ko kay Ridge.

"Haha really sino ang isa kabit mo?" natatawang tanong nang isa. Sinamaan ko naman agad ng tingin. Never pa ako naging kabit. Natulala naman ako sandali nang yinakap ni Wren si Honey, yong yakap na parang nilalayo niya rin ito sa iba.

"Shut up man, it's her best friend," sagot ni Wren tapos umiling-iling. Teka nandito rin 'yong estudyante ni Evelyn! Oo nga pala may nakita kong litrato sa social media magkakasama sila, si Ridge.

"Hindi na bago sayong makabuntis ka, haha di nag-iingat eh." Lumingon naman ako sa lalaki na may hawak na billiard stick at parang tinutuon ang buong atensyon sa mga bola kahit may mga sinasabi siya.

"Ipalaglag mo nalang," sabi ng isa tapos hinawakan ang balikat ng estudyante ni Lyn. Nakabuntis! Teka tama ba ako ng narinig? Sayang pwede pa siyang maging boyfriend ni Lyn. Mukha talagang player. Kinikilig pa naman ako sa mga gwapong katulad niya.

"Ridge are you alright?" Napatingin ako kay Ridge at nakatitig lang pala siya sa'kin. Agad akong umiwas ng tingin.

"I know, I thought you wanted to meet my new friends," pabulong na sabi ni Wren. Bulong 'yon sigurado ako pero naririnig ko pa rin at sa tabi ko pa talaga sila maglalambingan ni Honey. Napairap nalang ako. Bakit ba ako nandito.

"I'll order some drinks for you two." Nilingon naman ako ni Wren tapos tumango naman ako.

"You drink right?" tanong niya.

"Oo naman mamatay ako kung hindi."natatawa kong sagot at nakita ko lang siyang ngumiti. Inalalayan niya kami sa isang sofa tapos may lamesa sa harapan namin. Pinapahintay niya lang muna kami dito.

"Ang gwapo nila lahat 'no nakita mo ba yong isa diba student yon ni Lyn?" nakangiti kong tanong kay Honey.

"Ah oo kaya pala pamilyar, saan na kaya si Lyn ayaw magparamdam," sagot niya. Tumango lang ako bilang sagot. Wala akong magagawa sa taong ayaw na talaga magparamdam.

"Hindi manlang tayo prepared ang gaganda ng mga girls dito," sabi ko.

"Mas maganda tayo!" nakangiting sagot ni Honey.

"Na-miss talaga kita wag ka na magpakamatay ha!" sigaw ko. "Sad girl ka masiyado."

Biglang nalungkot ang mukha niya kaya agad kong hinawakan ang kamay niya. Alam ko namang hindi ako dapat magbiro sa mga ganoon. Hindi ko rin kasi alam ang takbo ng isipan nila.

"Sorry," sabi ko.

"Ayos lang, sad girl lang talaga masiyado.." sabi niya. Ngumuso ako tapos umiling. Gusto ko malaman rin niya na kahit papaano naiintindihan ko naman. Kaso hindi ko namalayan bumalik na pala si Wren at may kasamang poging waiter!

"Bakit shake 'yong sa'kin?" reklamo ni Honey at tinawanan ko lang siya. Chocolate shake ang sa kanya. Sa'kin naman hindi ko kilala 'to pero alam kong nakakalasing ito ng slight. Dati kasi sinasama ako ni mama sa mga dates niya. Si Mayor lang talaga ang nakakaloka.

"Baby pa kita eh," sagot ni Wren kaya muntik kong maibuga ang iniinom ko. Napatingin sila sa'kin at nag peace sign lang ako.

Marami ring pagkain sa loob kaya kami ni Honey ang nagkulitan na parang may mga sariling mundo. Hinayaan lang namin ang boyfriend niya na makipag-usap sa mga barkada nito. Wala rin akong pakealam kay Ridge kahit na minsan nakatingin siya sa'kin.

Mr. ReservedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon