14

115 2 0
                                        

Hindi ko maintindihan kung bakit iba ang mga tingin ni Ate Nelli sa'kin. Hindi siya nakakatakot ngayon parang may hinahanap siya sa'kin at parang may mga lungkot sa kanyang mga mata na hindi ko maipaliwanag. 

"Ma'am ayos lang po ba kayo?" Napatingin ako kay Sara, nabitawan ko pa ang bulaklak na pinitas ko. Kakapitas ko palang. Wala kasi akong magawa at may garden rin naman pala sila dito na puno ng bulaklak kaya sabi ko kay Sara na kumuha kami ng mga bulaklak at ilagay sa kwarto ko. 

"Ah oo, kilala mo si Ate Nelli diba?" tanong ko sa kanya.

"Ah opo pero hindi kami masiyadong close," sagot niya at tumango naman ako.

"Matagal na siya dito hindi na siya nag-asawa ulit simula nang namatay ang asawa at anak niya," sabi ni Sara kaya natigilan ako sandali. Nawalan na rin pala ng mga mahal sa buhay si Ate Nelli, kaya ba ang lungkot lungkot ng mga mata niya?

"Anong nangyari?" tanong ko.

"Hmm sa anak niya hindi ko alam eh, kapag nagtatanong ako sa iba hindi rin nila alam. Asawa naman niya namatay dahil sa sakit," sagot ni Sara. Nakakalungkot naman pala pero ano ba nangyari sa anak niya? Pinulot ni Sara ang bulaklak na nabitawan ko kanina at inilagay na sa basket na dala namin. 

"Ngayon ko lang talaga masasabi na mabango talaga ang mga bulaklak," sabi ko at ngumiti si Sara sa'kin. 

"May alam ka bang pasyalan dito, sa East kasi kabisado ko na halos lahat." sabi naman ni mama kung may gusto akong puntahan ay magsabi lang ako sa kanya. Kung sa ibang bansa naman ay marami pa yata akong kailangan asikasuhin, isa pa gusto ko muna malibot ang buong Pilipinas bago ako pumunta sa ibang bansa. 

"Hmm wala po eh," sagot niya. 

"Gusto ko mamasyal mamaya, mamasyal tayo?" nakangiti kong tanong. Gusto ko ngang makipag-inuman namiss ko na eh. Hinahanap na ng lalamunan ko 'yong lamig at pait ng beer. Pero mga busy naman tao sa GC namin eh tapos si Honey alam kong busy rin 'yon. Si Lyn online ng online pero hindi ko naman makausap. Hindi ko na nga kaibigan 'yon eh. 

"Ayan ang ganda!" sigaw ko nang makarating kami sa kwarto at nailagay ko na sa lumang vase nila ang mga bulaklak na nakuha namin. 

"Alagaan natin 'to ah hanggang sa sukuan na tayo." Natatawa kong sabi kay Sara.

"Opo ma'am," sagot ni Sara. Kinuha ko naman ang cellphone ko na nasa ibabaw lang ng malaking higaan ko. Sakto tumatawag si mama.

"Wow ma mayamaan sa load ah," sabi ko.

"Kumusta ka diyan anak, naku ang ganda dito, nakita mo na ba mga pictures na pinadala ko?" halata sa boses ni mama na masaya siya kaya masaya rin ako. 

"Hindi pa ma, mamaya nalang po. Ma ang ganda rin ng bahay."

"Talaga nagustuhan mo?"

"Oo naman po, sino pa ba ako para tumanggi?" tanong ko. 

"Mas maganda siguro tumira dito anak, sa susunod tayo naman ang nandito," sabi ni mama. 

"Enjoy lang po kayo diyan ma wag niyo po ako masiyadong isipin," sagot ko. Gusto ko rin sana ikwento si Ate Nelli pero parang nahihirapan ako. 

"Hindi naman pwede na hindi kita isipin," sagot ni mama.

"I love you ma."

"I love you anak.

Hindi na sana bumalik pa ang mga masasakit na nakaraan. Ayokong masaktan ulit si mama. Kaya kung si Mayor na ang pinadala ni God para sa kanya masaya na ako. Sobrang masaya na ako. 



"Ma'am?" 

"Hmm.."

Mr. ReservedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon