"Bakit kayo naghiwalay?" tanong ko nang pumasok na siya sa loob ng tent. Hindi ba siya maiilang matulog niyan? bakit pa kasi kailangang maligo sa dagat eh. Ako nga kahit kalahati lang nabasa sa'kin. Sakto ring nakapagpalit na kami ng suot.
"I don't really see her as my girl but she's my rest," sagot niya. Kumunot naman ang aking noo.
"Ano? hindi ko gets," sabi ko. "Pero ano ang nangyari sa kanya?"
"She killed herself." para namang may bumara sa lalamunan ko sa sagot niya. Napalunok ako at hinilot pa ang lalamunan ko. Kinilabutan ako bigla dahil siguro nakita ko si Nelia. Ang reaksyon rin ni ate Neli. Reaksyon niya rin. Akala ko nga hindi niya ako sasagutin dahil sabi niya hindi niya gustong pag-usapan ngayon.
"Matulog na tayo," sabi ko. Baka kasi tuluyan akong hindi makatulog.
"She killed herself after we broke up." natigilan naman ako sandali tapos napatitig sa kanya na nasa iba ang tingin. Mas lalong dumilim ang kulay abo niyang mga mata.
"Sorry Ridge," sabi ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang kailangan kong sabihin 'yon.
"That's why everyone sees me as the murderer, my brother also died because of me. Now you know." nakangisi niyang sabi.
"Sorry," sabi ko ulit. Dahil nagtanong pa ako. Alam kong sobrang sakit pero nakikita at nararamdaman ko na ayaw niyang mangyari ang lahat ng 'yon.
"Our mother died because of me." halos manghina ang buong katawan ko at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Naglalaro kasi kaming ng kapatid ko, I thought the gun in their room was a toy, I pulled the trigger...Pumasok si mommy." Kumunot ang aking noo sa mga sinasabi niya dahil parang iba ang narinig ko sa kwento ng iba.
"Ridge." sinubukan kong abutin ang balikat niya.
"Let's sleep," sabi niya. Huminga ako ng malalim at naiisip kung 'yon ba ang mga rason kung bakit sobrang lalim ng mga iniisip niya.
"Matulog ka na, just nevermind, I don't even know why I'm telling you all this," sabi niya. Tapos humiga na siya. Bigla siyang tumawa ng mahina.
"Matulog ka na baka kainin kita." Inirapan ko naman siya tapos humiga. Pero hindi ko maiwasang ibaling ang ulo ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na mangyayari lahat ng 'yon sa isang tao. Pero sabagay, hindi rin naman naging maganda ang mga nakaraang mga alaala ko.
"Nong bata pa ako, palagi akong binubugbog ng boyfriend ni mama." hindi ko alam kung bakit bigla akong nagsimulang magkwento. Naramdaman ko siyang gumalaw at tumagilid paharap sa'kin.
"Hindi ko alam kung anong problema niya sa'kin pero kapag nakikita niya ako nagagalit siya agad. Nakakalungkot lang dahil hindi lang ako, pati si mama na mahal niya raw sinasaktan niya. Si mama naman manhid at sobrang martir. Mahal na mahal ni mama ang lalaking 'yon kahit may sira sa ulo."
Tumagilid rin ako paharap sa kanya. Nagtama agad ang aming mga mata.
"Palagi niya akong kinukulong sa kwarto tuwing wala si mama at hinahayaang magutom. Lahat ng mga pinaghirapan na pera ni mama palagi lang napupunta sa kanya. Ang rupok kasi ni mama konting lambing ng lalaking 'yon bibigay agad siya. Alam mo."
Kinagat ko muna ang labi ko bago ako magsalita ulit.
"May mga tattoo rin siya sa katawan kaya siguro ayoko sa mga taong may tattoo sa balat, tingin ko kasi sa kanila mga halimaw o masasamang tao. Pero nong lumalaki ako at nagising na si mama unti-unti kong tinatanggap na hindi lahat ng tao katulad niya. Pero masakit pa rin, pero wag mong isipin ah na hindi ako okay, masaya ako ngayon, gusto ko nga happy lang at good vibes." natatawa kong sabi.
BINABASA MO ANG
Mr. Reserved
Romance"Want your name on my body?" - Mr. Ridge Ace Ferrer MR. SERIES III photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.