I dedicate this chapter to you!
Thank you for following and for patiently waiting!
Thank you so much for the support, reads, votes and comments. Highly appreciated. Stay safe and God bless
--
"Bakit dito mo ako dinala? diba sabi ko umuwi na tayo," sabi ko sa kanya. Dinala niya ako dito sa sea side. Maraming tao at sobrang malamig, malalakas rin ang along. Pero mabuti nga dito lang niya ako dinala.
"Magpalamig lang," sagot niya. Siguro nag-init ang ulo niya sa ingay at mga pinagsasabi ko kanina. Umupo siya sa isang malaking bato tapos agad akong tumabi sa kanya, sakto naman kaming dalawa.
"Natakot ka ba sakin?" tanong niya bigla. "When I asked you to be mine?"
Ngumiwi at umiwas ng tingin, bakit naman biglaang tanong. "Hindi." totoo. Natakot lang ako sa pinasok at desisyon ko dahil kung ano man ang mangyayari ngayon ay kasalanan ko rin.
"Magiging simple at normal lang sana ang buhay 'no kung hindi natin pinapakomplikado?" tanong niya bigla. Mahabang tagalog 'yon. Natulala ako sa kanya, kasi bakit siya nagsasalita ng ganito ngayon?
"Pero ganon talaga mahilig tayo sa mga komplikadong bagay, problema at mga tao..." agad kong kinagat ang labi ko pagkatapos kong sumagot. Nakita ko lang siyang ngumiti tapos inangat niya ang kanyang tingin sa langit. "Luma na 'yang sinabi mo, narinig ko na rin 'yan. Kahit ako eh mahilig ako sa mga komplikadong bagay---" natigilan ako dahil naalala ko si mama. Naalala ko na sinabi ko rin sa sarili ko na hindi ako mabubuhay ng ganon.
"Same here, you're also complicated to understand...sometimes." Natatawa niyang sabi at pinalo ko agad ang braso niya. "Just kidding."
"Sige nalang kahit mas complicated ka," sabi ko tapos sabay iwas agad ng tingin sa kanya. Hindi ko dapat sabihin 'yon. Hindi naman siya tumingin sakin, nanatiling nakaangat ang tingin niya sa langit.
Yumakap ako sa braso niya at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.
"Sana palagi nalang ganito," sabi ko. "Dapat ang isang araw may 25 hours, tapos sa loob 25 hours ay magkasama tayo palagi."
Narinig ko siyang tumawa ng mahina.
"Paano ako makakapagtrabaho niyan?" tanong niya at pinipilit kong maging normal sa isipan ko ang trabaho niya. Nakikita ko namang gusto niyang tapusin ang kinuha niyang course kahit mas mahal niya ang pagpipinta.
"Eh di... sa bahay lang," sagot ko. Umayos siya ng pagkaupo kaya napaupo rin ako ng maayos. Tumingin siya sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Hindi pwede 'yon."
"Mamimiss kita palagi."
Ngayon ko lang rin ito naramdaman, pero nong bata ako. Ayokong umaalis si mama at gusto ko siyang kasama palagi. Natatakot kasi akong mag-isa pero ngayon ayoko siyang nawawala dahil namimiss ko talaga siya agad, tama pa ba pag-iisip ko?
"I'll always be here," sabi niya sa malumanay na boses at hinalikan ang aking noo. "Saan mo na gusto umuwi?"
"Sayo," sagot ko agad.
"Sa tree house?" tanong niya. Umiling naman ako.
"Sa apartment pala, may ibibigay ako eh." Nakanguso kong sabi. Tumawa ulit siya, sobrang sarap pakinggan. Ginulo niya ang aking buhok na para akong isang maliit na bata.
Bigla niyang inabot sa akin ang phone niya na ikinakunot ng noo ko.
"Bakit?"
"Katrina keeps on messaging and bothering me, but it's no big deal, siya kausap ko kanina," sabi niya at sinamaan ko siya ng tingin. Tumingin ako sa mga messages ni Karina at pakiramdam ko ay mahihimatay na talaga ako. Selfie ni Karina na buntis siya tapos five months na?
BINABASA MO ANG
Mr. Reserved
Любовные романы"Want your name on my body?" - Mr. Ridge Ace Ferrer MR. SERIES III photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.