"Happy birthday anak!" Lumingon ako sa aking pinto at nakitang pumasok lang bigla si mama habang inaayusan pa ako ng mga make up artist at hairstylist na inimbita ni mama dito sa bahay. I don't know why I just came back here yesterday but, I want to go back to the East right away. In my apartment.
"Parang ang lungkot mo naman anak, hindi mo ba nagustuhan ang gown mo?" tanong ni mama tapos napatingin naman ako sa susuotin ko mamaya. A long evening gown made with satin, salmon pink.
"Done!" Nakangiting sabi sa'kin ng make up artist. Tapos na rin ang buhok ko. They made my hair look bouncy. I smiled at them and then stood up and faced mama. I'm wearing a robe now while still preparing the gown, I will wear.
Mama kissed me on the cheek, and I can see the tears in her eyes.
"Mama naman, wag kayong umiyak, akala mo naman debut ko. 20 na ako." natatawa kong sabi at tumango siya.
"Wala lang, masaya ako. Sobrang masaya anak."
I smiled and kissed her on the forehead.
"Hintayin ka namin doon ah. Mag-ingat kayo ni Sara."
I nodded to mama in response and watched her leave my room. Then Cathy suddenly caressed my leg. Nakita ko ring nakangiti at nakatulala sa'kin si Sara.
Nang matapos na ang lahat at handa na ako ay dumiretcho na kami sa venue. Sobrang naiilang ako dahil hindi naman ako sanay na may kasamang guards. Simple lang naman ang birthday ko dati, inuman lang tapos sakto na.
Pagkapasok ko sa loob mismo ng venue ay hindi ko maiwasang matulala dahil sa ganda. Everything was in salmon pink. Ang mga bulaklak sa mga lamesa. Tapos maraming tao na hindi ko kilala at hindi pamilyar sakin.
"Rea!" Tumigil ako sa paglalakad pati na ang mga guards tapos lumingon sa sumigaw ng pangalan ko. It's just Honey and her boyfriend. I suddenly remembered Ridge, what time will he come here?
"Honey!" pagtawag ko sa kanya tapos tumakbo ako papunta sa kanila. Nataranta pa nga ang mga bantay sa'kin dahil baka mawalan raw ako ng balanse dahil rin sa suot ko.
"Ang sexy mo ah." Nakangiti niyang komento.
"Mas sexy ka ano ka ba," sagot ko. Siya lang ang inimbita ko dito sa lahat ng kilala, kaibigan at kaklase ko. Isa pa tunay na kaibigan ko si Honey. Sayang lang na hindi na kami kumpleto.
"Namiss ko tuloy si Lyn, kumusta kaya siya ngayon?" tanong niya bigla. Namimiss namin ang isa pa naming kaibigan. Sana talaga ay safe siya at ng baby niya. Naalala ko tuloy ang mga gimik at mga pinanggagawa namin dati.
"Hi crush!" pagbati ko naman sa boyfriend niya. Sikat pero lowkey.
"Happy birthday," sabi ni Wren. Kinurot naman ako bigla ni Honey sa tagiliran.
"Crush ka diyan ah." parang bata niyang sabi.
"Ex-crush pala." tapos natawa lang kaming tatlo. Chikahan muna bago ako tinawag ni mama at sinamahan ako papunta sa stage kung saan may dalawang lamesa rin na alam kong para samin. Nakita ko naman agad sila dad at kuya.
"Happy birthday Rea." Niyakap ako ni kuya tapos ni dad.
"Happy birthday iha."
"Salamat po, dad, kuya." Nakangiti kong sabi. 20th birthday at may nadagdag sa pamilya namin ni mama. Dad smiled at me so suddenly the joy I was feeling disappeared because maybe I remembered Ridge. What will they tell me when they find out what we did.
"This is a double celebration, my heart is full, tomorrow will be Ridge's engangement party," sabi ni dad kaya umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung anong binabalak ni Ridge. Hindi ko alam kung paano namin sasabihin at anong gagawin namin. Tuwing sinusubukan ko siyang kausapin tungkol dito, iniiwasan lang niya na parang ang liit lang ng problema.
"Speaking of, where's your brother Raymond?" Dad asked kuya.
"He's always late dad."
Then we sat down. Tumitingin ako sa paligid baka nandiyan na siya. Bakit ba ang tagal niya?
Tuwing kasama ko siya hindi ko na tuloy naiisip ang lahat ng bagay na kami pa ang maging rason para masira ito. Palagi akong hindi nawawalan ng bulaklak sa Apartment, mga bulaklak na galing sa kanya. He's touch and kisses. Pagbati niya sakin tuwing umaga at paghatid sundo. Mabibilang lang ang mga araw na 'yon pero halos sakupin na niya ang buong puso ko.
"Okay ka lang ba anak?" Mama asked suddenly, the reason for me to wake up mentally.
"Opo ma."
Nag-umpisa na ang celebration at wala pa si Ridge. May mga kumanta at sumayaw, kahit pumapalakpak ako ay hindi ko alam kung masaya ba talaga ako, parang wala akong gana sa mismong birthday ko.
Kumakain na rin kami at wala pa siya.
"Anak." pagtawag ni mama.
"P--po?"
"Parang kanina ka pa natutulala diyan."
"Si mama naman syempre po ang ganda ng party, itong venue at maraming tao." lahat naman sila ay mga kamag-anak at kaibigan lang ni dad at ni kuya. Wala naman kaming inimbita na ibang tao o kung sino-sino lang dahil nga gusto ko at ni mama na wag kaming makilala ng buong Alvarez.
"He's here dad." Lumingon ako kay Kuya at sinundan ko ang mga mata niya kung saan siya nakatingin. Si Ridge! Tumayo ako at inalalayan pa ako ni mama.
"Anak, saan ka pupunta baka mawalan ka ng balanse." pag-aalalang sabi ni mama.
"Okay lang ako ma," sagot ko at mabuti nalang komportable lang naman akong makatakbo sa gown ko. Tumakbo ako palapit sa kanya tapos niyakap siya.
"Happy birthday." bulong niyang sabi sakin. Mas lalo akong napangiti nang yakapin niya ako pabalik. Yumakap pa ako ng mahigpit sa kanya. Pakiramdam ko tuloy nakahiga lang kami at niyayakap lang namin ang isa't isa. Bakit ba namimiss ko siya palagi?
Nang umiwas ako ng yakap ay may sasabihin sana ako nang may tumawag sa pangalan niya sa aking likuran.
"Ridge, hon!"
I met Ridge's gray eyes that were, just staring at me even though someone was calling him. Pamilyar ang boses ng babaeng 'to. Ang mga Alvarez. I was about to walk away when he suddenly grabbed my hand.
"Tara?" Nakangiti niyang sabi sakin and then he pulled me along with him. Tumingin lang ako sandali sa babaeng ikakasal sa kanya tapos umiwas agad.
"Mr. and Mrs. Alvarez, natutuwa akong kumpleto kayo. Pero dapat nagpapahinga itong prinsesa niyo. Its you and Ridge's big day tomorrow." tapos nakita kong tumingin si dad ng masama kay Ridge na hawak pa ang kamay ko. Kinakabahan tuloy ako dahil nakatingin rin sakin si kuya at si mama.
Umupo ako at sa tabi ko rin umupo si Ridge.
"I'm hungry," sabi ni Ridge na parang walang tensyong nangyayari sa paligid namin. Tumingin ako kay mama na nakataas ang isang kilay sakin. Si dad ang umalalay sa mga Alvarez. Sinubukan ko nalang na maging normal lang ang reaksyon gaya ng ginagawa ni Ridge.
"Naiilang ako dito.." pabulong kong sabi kay Ridge kahit alam kong may sasabihin sana si mama pero agad kong iniwasan.
"Really? then let's celebrate your special day somewhere else." Nakangiti niyang sabi sakin. Umaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya at inilibot ang tingin sa paligid. Tapos sinenyasan ko pa siya na nandito si mama at si kuya.
"Oh." tapos kumain na ulit siya. Saan ba siya galing? Tumingin ako kay kuya na nakangisi na at umiling-iling habang nakatingin kay Ridge.
"Anak, mag-usap nga tayo." Hinawakan bigla ni mama ang kamay ko. Hinablot ko naman agad. Halo-halo na ang nararamdaman ko, nasa kanan ko si mama at sa kaliwa ko ay si Ridge. Tapos kaharap pa namin si kuya at nasa isang lamesa si dad kasama ang mga Alvarez.
"Ma, sa susunod nalang," sabi ko sa kanya.
"Hindi--"
"Want to go out?" Lumingon ako kay Ridge na biglang sumingit. Umiling-iling ako sa kanya. Gusto ko pero nakakahiya naman sa lahat kung bigla akong mawawala.
"Puntahan mo na si dad, Ridge." biglang sabi ni Kuya. Talagang mawawasak ang ulo ko ngayong gabi.
"Ridge." pagtawag ko sa pangalan niya at tumingin lang siya sakin sandali tapos ngumiti.
--
![](https://img.wattpad.com/cover/285659382-288-k523278.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Reserved
Romance"Want your name on my body?" - Mr. Ridge Ace Ferrer MR. SERIES III photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.