22

92 3 0
                                    

"Please?" pagpipilit ko kay Sofia at Tessa. Ilang minuto na ang lumipas at mahirap silang pilitin at pakiusapan. Baka iritado na ang isa kakahintay sa'kin sabi ko pa naman nong bumalik kami na mabilis lang ako.

"Ayoko nga girl, baka kasi kami pa mapagalitan, sino ba makakasama mo at saan ka ba talaga pupunta?" tanong ni Tessa. Madali lang talaga naman umalis dito at sabihing uuwi na ako, hindi naman kasi si mama palatanong sa mga classmates ko kung asan na ako pero kinakabahan ako ngayon. Iba na kasi ang sitwasyon ngayon at ang alam ni mama ay ilang araw lang ako dito kasama sila. 

"Bakit hindi ba alam ng mama mo? eh diba hindi naman mahigpit ang mama mo?" patanong na sabi ni Sofia. Tama sila, pero ngayon lang ako kinakabahan ng sobra parang ako si Lyn. Parang may mahigpit rin akong tatay katulad ni Honey. 

"Ngayon lang naman eh, sabihin niyo lang na may pinasyalan pa tayo at kasama niyo lang ako," sagot ko tapos binigyan sila ng ngiti baka makuha lang sila sa sweet smile ko diba? Nangdadamay pa ako ngayon. Palagi naman ako nangdadamay pero iba ang araw na ito. Umiling-iling sila. 

"Ngayon ka talaga aalis?" tanong ni Tessa. Biglain rin itong nangyayari sa'kin pati mga desisyon ko hindi ko na tuloy alam kung tama pa ba.

"Saan ka ba pupunta ha?" Napalingon kaming tatlo kay Goerge. Napalunok ako, isa ito sa mga problema ko. Medyo close pa naman ito kay mama, feeling close. Umirap ako at napasapo sa noo ko. Mahihirapan yata ako dito. Paano kung isumbong ako dito? ayaw ni mama nagsisinungaling ako kasi sa lahat naman ng lakad ko ay pinapayagan ako. Pero iba ang sitwasyon ngayon. Hindi rin ako maingat sa pagsesekreto paano kung malaman ni mama kasama ko si Ridge? 

"Wala ka ng pakealam don," sagot ko. 

"Eh di sige, isumbong kita kay tita," sabi niya at agad akong napapadyak na parang bata.

"Wag ka nga sabing mangelam," sabi ko. 

"Eh san ka nga pupunta? kapag may mangyari sa'yo kami pa sisihin, wag mo kasi kami dinadamay," saad niya. Tama nga naman siya, bakit nangdadamay na ako ngayon parang si Ridge lang. Dinadamay ako tapos pati sila naisasama ko. Natulala naman ako sandali nang makita si Ridge na lumapit sa mga kaibigan niya.

"Hindi mo ba gusto dito, eh di sana nag-suggest ka puro ka pa naman yaya sa'min tapos aalis ka?" patanong niyang sabi sa'kin. 

"Sorry na Goerge, payagan mo na ako, sabihin niyo lang kay mama na kasama niyo pa ako kung sakali lang naman na magtanong. Hindi naman palatanong si mama eh, minsan lang naman mag-chat 'yon. Wag niyo lang sabihin kung nasaan ako, kaya nga nagpapaalam ako sainyo ngayon para alam niyo." isa rin sa problema ko ay baka mag-message lang sila bigla kay mama. 

"Ngayon talaga Rea? gabi na," sagot niya. Tumingin ako kay Ridge na ngayon ay nakikipagtawanan lang sa mga kaibigan niya. 

"Marami pa kaming i-chichika sa'yo Girl," sabi naman ni Tessa. Kung nandito sila Honey baka madali lang ito sa'kin dahil napipilit ko lang naman sila pagtakpan ako. 

"Please Goerge?" tapos hinawakan ko siya sa braso niya. Bahala na ito. 

"Wag mo akong titigan ng ganyan Rea, saan ka pupunta, sasama ako. Gabi na, o di kaya ihatid lang kita," sabi niya. Umiling ako agad at binitawan ang braso niya. 

"Wag na, kaya ko na sarili ko, please?" para ko naman siyang tatay nito. Baka lang kasi biglang mag-chat kay mama feeling close kasi nito simula nong nagkaroon kami ng mutual understanding. Kahit nga ngayon eh minsan. 

"Sige, bahala ka," sabi niya. 

"Yes! thank you!" sigaw ko tapos pinisil ang pisngi niya at yinakap ko naman sila Tessa at Sofia tapos nakipag-apir lang ako kay Jackson. 

Mr. ReservedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon