46

73 2 0
                                    

Mas nagiging maganda ang paligid at mas lalo kong na-appreciate ang mga buildings dito sa Alvarez City tuwing kasama ko siya. Hindi ko mapigilan ang aking ngiti, nakahawak ang isang kamay niya sa hita ko at ang isa naman ay sa manibela. Pero mas gusto ko pa rin 'yong nasa bahay lang kami, sayang hindi natuloy lahat ng mga gagawin ko ngayong araw para masurpresa siya dahil nakatulog ako. 

"Do you want ice cream?" tanong niya at tumango ako bilang sagot. Nabusog rin kasi ako sa resto kung saan kami kumain ng dinner dahil hindi kami tinipid sa pagkain. Nakakalimutan ko talaga ang mga ibang bagay kapag kasama ko siya, parang ayaw ko na ngang tapusin pag-aaral ko gusto ko nalang palaging kasama siya. 

"Okay lang ba sayo dito?" Huminto siya sa tapat ng 24 hours store. 

"Oo naman," sagot ko tapos bumaba na siya at hinintay ko lang siya na pagbuksan ako ng pinto tapos sabay na kaming pumasok sa loob. Natigilan naman ako sandali nang may nakita akong lalaki na nakaupo malapit lang sa may entrance, pamilyar kasi ang mga mata at tattoos niya kahit nakasuot siya ng mask. Mukhang nagulat rin ang mga mata niya nang makita ako. 

"Rea?" Lumingon ako kay Ridge at sumabay na sa kanya. Nang magbabayad na kami sa counter ay nagpaalam sakin saglit si Ridge dahil may biglang tumawag. Napanguso ako dahil bakit kailangan pa niyang lumabas? 

"Thank you," sabi ko sa cashier at naghanap na ako ng magiging pwesto namin. Nauna na akong kumain ng ice cream.

Napatili naman ako nang may biglang umupo sa harapan ko, 'yong lalaki kanina. Tumingin ako sa may bantay dahil napalingon ito samin. 

"Wag kang maingay ka bata," sabi ng lalaki na mas lalo kong ikinatigil. Ang boses niya sobrang pamilyar sakin. Tumayo ako pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Ridge!" sigaw ko at pinipilit na hablutin ang kamay ko. "Miss tulong!" 

Mas lalo akong natakot nang hablutin niya ako at pinaupo ulit. Lumapit naman samin ang nasa cashier kanina.

"May problema po ba?" tanong nito at magsasalita palang ako nang pinisil bigla ng lalaki ang kamay ko. Mas lalo akong kinakabahan, dahil sa mga tattoos nito sa kamay, alam kong siya ito. Pero paano, matagal na siyang nawala sa buhay namin ni mama.

"Wala Miss," sagot niya at lumakad na agad palayo si ate. Sumilip ako sa labas at hindi ko makita si Ridge.

"Bitawan niyo po ako!" sigaw ko.

"Sabing wag maingay!" sigaw niya at napatingin samin ang mga taong kakapasok palang ng store. 

"Bitawan niyo ako sabi!" sigaw ko ulit.

"Wag kang maingay Rea malilintikan ka sakin!" Napatahimik ako dahil alam niya ang pangalan ko. Tinanggal niya ang kanyang mask at siya nga. Binitawan niya ang kamay ko at ngumiti siya sakin. 

"Anong ginagawa mo dito." pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko. "Wag kang magkakamali na saktan ako ngayon." nasaan na ba si Ridge bakit ang tagal niya.

"Gusto ko lang naman kamustahin ulit ang mama mo," sagot niya. Natawa ako ng mahina.

"Masaya na si mama," sabi ko.

"Talaga?" Nakangisi niyang tanong. Ano bang kailangan niya, sa ilang taon na hindi na namin siya nakasama hindi ko inaasahang magkikita kami ulit. Ang lalaking sumira sa buhay namin! 

"Wag mo na kaming guluhin, sana nagbagong buhay ka na," sabi ko. Umiling-iling siya. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa pagmumukha niya. 

"Hindi mo ba alam, nagkakausap at nagkikita pa kami ng mama mo... pagkatapos niyo akong iwan..." 

Umiwas ako ng tingin. Ayoko siyang pakinggan. Alam kong mahal na mahal siya ni mama pero hindi ako naniniwala na sisirain ulit ni mama ang pinagusapan namin. Anak niya ako, isa lang siyang lalaki sa buhay ni mama. 

Mr. ReservedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon