1

279 8 0
                                    

"Parang buntis ang kaibigan mo 'no?" nagulat ako sandali sa tanong nang isa sa mga kaklase ko si Yana. Isa rin sa mga pinakamagaling na chesmosa sa class namin. Tinawanan ko naman siya sandali tapos umiling-iling. Pero ang totoo hindi ko pa kaya mag-isip ng matino ngayon.

Wag naman sana knowing si Evelyn ang sipag mag-aral non, next academic year ojt na rin namin. Isa pa ayokong dumagdag siya ngayon, iniisip ko pa si mama tapos si Honey na muntik ng mawala sa amin! Paano ko susulitin ang natitirang araw bago ulit magbukas ang pasukan, Augsut na ngayon ilang weeks nalang ay papasok na ulit kami. 

"Paano mo naman nasabi, walang boyfriend 'yon," sagot ko. Iniisip ko pa si mama at sa biglaang pagbabago ng buhay ko ngayon. Iniisip ko pa rin si Honey hanggang ngayon kung nakalabas na ba siya ng hospital o kailangan ko ba siyang puntahan o kailangan niyang mapag-isa ngayon. Marami talaga kasi akong dapat itanong sa kanya bakit niya nagawa 'yon sa sarili niya.

"Wala nakikita ko lang," sabi niya. Nagkausap palang kami ni Lyn kanina, isa sa mga pinakaclose kong kaibigan. Wala naman akong napapansin kung buntis siya. Hindi ko rin naman alam kung ano sa babae kapag nabubuntis.

"Katulad lang ni Nicole, feel ko buntis talaga siya eh. May pagbabago rin kasi sa katawan niya wala ka bang napapansin?" tanong niya sa'kin. Naku, wala akong panahon ngayon para pansinin ang mga bagay-bagay. Pero totoo, dati kasi kami ni Lyn ang hindi masiyadong malakas kumain. Si Honey ang malakas kumain pero hindi tumataba, pinakaclose ko sa kanilang dalawa.

"Ano ka ba 'yon lang? ikaw nga eh parang tumaba ka from last year, buntis ka rin ba?" pataray kong tanong.

"Grabe ka naman Rea hindi kaya!" maarte niyang sagot sa'kin. Umiling lang ako tapos tinignan ang phone ko. Teka, nasaan na ba ang kaibigan namin? pinag-uusapan namin siya baka biglang matumba.

"Rea!" Lumingon ako kay Sofia na mukhang nakakita ng multo. Tinaasan ko naman siya ng kilay nang makalapit siya sa'kin. Kanina pa akong umaga lutang dahil sa mga pinaggagawa ni mama na hindi ko alam. Sino ba namang hindi malulutang kung ang sinakyan ko papunta dito sa University ay isa sa mga mamahaling sasakyan ni Mayor!

"Napano ka?" tanong ko agad. Sumasakit pa ang ulo ko ngayon sa totoo lang. May dalawa akong kapatid agad na lalaki? Sa buong buhay ko, at simula nang ipinanganak ako at lumaya kami ni mama ay hindi ko na naisip pa na magkakaroon ako ng kapatid o si mama ay magseseryoso sa isang lalaki.

"Si Lyn , nahimatay!" Narinig siya lahat kaya marami kami ang nataranta agad. "Dinala siya ngayon ni Jackson sa clinic!"

Sumunod agad ako kay Sofia palabas ng classroom. Agad akong nagdasal. Nahospital palang kasi si Honey at ayokong pati rin siya. Ano na ba nangyayari sa mga kaibigan ko, pakiramdam ko ang layo-layo ko na sila hindi ko na maabot.

Pagkarating namin sa clinic ay nakahiga lang si Lyn at sa tabi niya ay si Jackson ang kaklase namin.

"Wag niyo siyang paalisin kapag magising, may mga itatanong ako sa kanya, baka buntis ang kaklase niyo," sabi ng nurse at tumango naman kami. Tumingin naman ako kay Lyn. Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang sinabi ng classmate namin. Pero tuwing pinag-uusapan naman namin ang pagbubuntis ay nagagalit naman siya. Isa pa kilala ko ang kaibigan ko, hindi siya gagawa ng bagay na alam niyang sobrang maaga pa o hindi pa sa tamang sitwasyon.

"Lyn!" sigaw ko nang dahan-dahang dumilat ang kanyang mga mata. Mabuti naman ay nagising na siya. "Buntis ka ba?" tanong ko bigla kaya agad kong kinagat ang labi ko. Ito kasing si Yana nasabi ko tuloy ang dapat ay nasa isipan ko lang.

"Ha--ha?"

"Wala. sabi kasi ng nurse baka buntis ka raw pero wala ka namang naging boyfriend diba?" tanong ko. Kitang-kita ko na nagulat siya sa mga lumalabas sa bibig ko. Ano akong klaseng kaibigan ngayon baka galit siya sa'kin. May mga kaklase pa naming nakarinig. Pero si Nurse naman kasi ang nauna.

Mr. ReservedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon