Pagkagising ko ay wala na si Ridge sa tabi ko. Late na rin akong nagising, pinuntahan ko siya sa kwarto niya pero wala siya don. Namiss ko siya agad kahit nag-message naman siya na magkita nalang kami mamaya.
"Ma'am? ano po ang gusto niyong iluto ko?" Sara asked and I just shook my head.
"Wag na, punta lang ako kay mama," I answered.
"Pero bilin po sakin ni Sir Ridge, wag po kayong hayaang lumabas na hindi kumakain," She said. My cheeks got hot because she might have caught up with Ridge here.
"Sasabay na ako kay mama," sabi ko tapos tumango siya bilang sagot. Bumangon ako tapos nilambing ko muna si Cathy bago ako naligo at nagpalit ng maisusuot. Nang makapag-ayos na ako ay dumiretcho na ako sa kwarto nila mama. Saktong nasa harapan na ako ng pinto ay kakalabas lang ni dad.
I stepped back because I felt scared and then suddenly nervous.
"Good morning iha." Natulala ako sandali sa pagbati sakin ni dad. Ngumiti ako tapos tumango bago nagsalita.
"Good morning rin po," sagot ko.
"Late ka na nagising? kumain ka na?" tanong niya. Naiilang ako dahil siguro, boyriend ko ang anak niya. Hindi ko alam paano ito ipapaliwanag. Kailangan ko lang talaga ngayon ay ang yakap ni mama.
"Maayos naman po, salamat po," sagot ko. Tumango lang si dad tapos umalis na rin. Kumatok naman ako sa pinto bago ko ito binuksan, kapag wala si dad hindi naman iniiwan ni mama na lock ang pinto kaya nakakapasok lang ako agad. Nakita ko naman agad si mama na sinusuklayan ang kanyang buhok sa harapan ng kanilang malaking salamin.
"Ma?" pagtawag ko kay mama at kumunot ang aking noo nang mataranta siya sandali tapos itinago bigla ang phone niya sa bag.
"Oh bakit anak?" tanong ni mama.
"Ano po 'yon nagulat ko po ba kayo?" Natatawa kong tanong. Umiling siya at nilapitan ako.
"Wala anak," sagot ni mama tapos niyakap ako. Yumakap naman ako agad pabalik.
"Bakit ka nandito kumain ka na ba?"
"Ma, gusto ko lang po ang yakap niyo," sagot ko.
"Sus, ang nag-iisa kong baby." tapos naramdaman ko ang paghalik ni mama sa aking ulo. Umupo kami sa sofa nandito sa loob ng kwarto nila. Mas mukhang bahay pa ito kesa sa kwarto na meron ako. Parang pwede na rin itong maging apartment o condo.
"May problema ba?" tanong ni mama habang hinahaplos ang aking buhok. Umiling ako at sumandal sa balikat ni mama.
"Wala po ma," sagot ko. Hinawakan ko ang kanyang kamay at nagbilang hanggang tatlo... bago ako nagsimulang magsalita ulit.
"Ma, paano kung gusto ko po si Ridge?" tanong ko tapos kinagat ko ang aking dila.
"Ano anak?" bigla namang tumayo si mama dahil mukhang may tumatawag sa kanya sa telepono. Nilingon niya ako. "Maya-maya na tayo mag-usap."
Napabuntong hininga ako at napahawak sa batok ko. Mukhang seryoso siya sa kanyang kausap at parang pinapaalis na rin ako sa mga tingin niya. Tumango ako tapos lumabas na. Bumaba ako tapos dumiretcho sa baba. Wala akong magawa kaya titignan ko lang muna ang mga bulaklak.
"Wala ka bang pasok?" Lumingon ako sa aking likuran si Kuya Raymond.
"Ah, wala po," sagot ko.
"I wonder what's going on between you and my brother." Napatulala ako sandali sa sinabi ni Kuya Raymond.
"Anyway, I hope he won't make any stupid decisions," He said. "Alam mo ba na kapag umatras si Ridge sa kasal?" I turned to Kuya.
"Ano po?"
BINABASA MO ANG
Mr. Reserved
Romance"Want your name on my body?" - Mr. Ridge Ace Ferrer MR. SERIES III photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.