WARNING
"Sorry po nagkamali lang po ako," sabi ni mama sa mga police. Pinipilit niya rin akong itago lang sa kanyang likuran. Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa nakikita kong mga pasa sa kamay at braso ni mama na pilit niyang itinatago sa mga police.
"Pasensya na po sa abala."
Hindi ko maintindihan noon si mama kung bakit tuwimg humihingi siya ng tulong at kapag darating na ang tulong ay tinatanggihan na niya. Umalis ang mga police at wala manlang akong nagawa.
"Mama!" Niyakap niya ako ng mahigpit. Pilit niyang pinapaintindi sakin na magiging maayos lang ang lahat. Pero araw-araw palagi kaming nakakulong.
"Nagkamali ako Nikolas, patawarin mo ako." hindi ko alam kung bakit humihingi si mama sa kanya ng tawad kahit alam kong tama naman si mama. Dapat siyang makulong. Bata palang ako 'yan na lagi nasa isip ko.
Iniisip ko kung kulang lang ba si mama sa pagmamahal dahil iniwan ako ng tunay kong papa. Hindi siya pinanindigan at si Nikolas ang nandiyan para sa kanya. Masaya naman sa una pero unti-unting nagbabago at marami kaming nakikita, naririnig tungkol sa kanya.
"Mahal kita, hindi ko kaya, sorry na."
Yinakap ni Nikolas si mama at wala akong magawa. Pinagdarasal ko nalang na sana magising na si mama. Ano bang meron sa kanya na wala sa iba. Okay lang naman sakin kahit sino basta wag lang ang tulad niya.
"Mama!" tuwing pinapalo niya ako. Wala si mama, nasa trabaho. Mainit ang ulo ni Nikolas palagi kaya kahit sa maliit na bagay ay nagagalit siya agad. Dinadala rin niya kami ni mama sa mga lugar na hindi naman dapat puntahan.
Kailangan rin naming magtago at kailangan namin siyang ilihim sa ibang tao dahil hinahanap siya palagi ng police.
"Kahit ikaw pa ang pinakamasamang tao sa mundo Nikolas mahal kita! Nandito ako naiintindihan kita!"
Tuwing nagwawala si Nikolas si mama ang nandiyan. Nakikita ko namang gusto niyang magbago pero mahirap lang talaga siguro para sa ibang tao.
"Iiwan niyo rin ako! Maghahanap kayo ng iba!"
Mga salitang kinakatakutan niya na gawin namin ni mama.
Napadaing ako sa sakit at nagising ako kakaisip sa nakaraan nang mas humigpit pa ang pagkahawak ni Ridge sa pulsuhan ko.
"Don't call for. help again. It's useless." sa lamig ng boses niya parang mapapaso na rin ako.
We were both stunned when we heard the noise of the police sirens.
Nakita ko ang pagglaw ng kanyang panga at binitawan ako. Agad kong tinignan ang pulso ko, namumula ito.
"May kasama ka ba Mr. Ferrer!"
Tumingin ako sa baba at natulala sandali nang tutukan nila. agad ng baril si Ridge. Tatlo silang police dalawang lalaki tapos isang babae.
"May kasama ka bang nagngangalang Rea Mae Cares!"
Hindi ko inaasahang makakarating sila agad dito. Taranta akong bumaba at agad na hinarangan si Ridge.
"Sorry po nagkamali lang po ako," sabi ko. Ang mga salita na palaging sinasabi ni mama sa mga tao tuwing nakakahingi siya ng tulong. Hindi ko napigilan ang aking luha pero pinipilit kong kumalma.
"Ms. Rea wag kang matakot. Matagal na naming binabantayan ang mga Ferrer."
"Pasensya na po sa abala--"
Bigla akong hinila ni Ridge papunta sa likuran niya.
"Hindi niyo ba siya narinig? gusto niyo bang kausapin ko si Mr. Jones?" tanong ni Ridge at nakita kong ibinaba nila ang kanilang mga baril.

BINABASA MO ANG
Mr. Reserved
Romance"Want your name on my body?" - Mr. Ridge Ace Ferrer MR. SERIES III photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.