Pinili ko ang kulay kahel na puff dress para sa dinner namin ngayon. Tinulugan rin ako ni Sara na mag-ayos. Sinemplehan ko lang naman tapos sumabay na ako kay mama, sabi ni kuya pag-uusapan daw ng dalawang pamilya ang magaganap na engagement party, hindi na ako nagtanong pa kung sino ba ang ikakasal.
"Alis muna ako baby ha?" pagpaalam ko sa alaga kong pusa na si Cathy na ngayon ay natutulog sa ibabaw ng aking kama. Tinapik tapik ko ng mahina ang kanyang ulo tapos humarap kay Sara.
"Wag mo siyang pabayaan ah?" Nakangiti kong sabi.
"Opo ma'am."
Pagkababa ko ay agad kong nakita si mama katabi ni dad. Nilapitan agad ako ni Kuya Raymond at inabot ang kanyang braso sa'kin. Humawak agad ako sa kanya at hinayaan siyan alalayan ako kahit hindi ko naman kailangan. Sumakay kami sa iisang sasakyan lang tapos hinayaang lumipas ang oras hanggang sa makarating kami sa resto na sinasabi ni mama.
"Mayor!" Lumingon ako sa lumapit kay daddy. Mga kasing-edad siguro nito nila mama. Sila na ba ang pamilyang Alvarez? Napatulala naman ako sa lalaking nakapamulsa dahil kakaiba ang kulay ng mga mata niya. May mas maganda pala sa mga mata maliban kayna Ridge. Nilapitan naman siya ni Kuya Raymond. Mukhang lahat sila close sa isa't isa kami nalang siguro ni mama ang hindi.
Pagkapasok namin sa loob ay maraming waiter at waitress and nag-asikaso sa'min tapos hinatid kami sa lamesa namin. Nasa iisang silid lang kung saan kami lang tapos may napaka-classic na music na tumutugtog para sa'min.
"Anak dito ka." Tumabi agad ako kay mama. Nasa kanan ko siya tapos nasa kaliwa ko si Kuya Raymond at si dad naman katabi ni mama. Hindi ko naman maiwasang mailang dahil nasa harapan namin ang pamilyang Alvarez.
"Kuya anong pangalan niya?" Pabulong kong tanong kay kuya Raymond. Saktong katapat niya 'yong lalaking may mga mata na kulay berde. Maganda siguro kung itapat sa kanya 'yong liwanag ng mga ilaw. Iisa lang siya siguro sa may mga kulay berde na mga mata dito.
"Ahh why you like him?" Nakangisi niyang tanong sa'kin. Umiling naman ako agad.
"Hi--hindi 'no." Natanong ko lang naman, mas pogi pa rin naman si Ridge. Hay, iniisip ko na naman siya.
"Sayang wala kang anak na babae Raymond." Natatawang sabi ng isang lalaki na nilapitan kanina ni dad. Hinawakan rin niya ang balikat ng binatang may kakaibang kulay ng mga mata. Normal pa ba 'yang mga mata niya? kung titigan mo talaga siya ay malalaman mo ang kulay.
"I do have now, Mr. Alvarez," sagot ni dad.
"No, I mean, blood related."
Nakaramdam na naman ako ulit ng pagka-ilang at hinawakan ni mama ang kamay ko. Lumingon ako sa kanya tapos binigyan lang siya ng isang ngiti.
"Ipapakasal ko rin sana sa anak ko," sabi ni...Mr. Alvarez? Sa unang tingin mo palang sa kanila ay parang mga delikadong tao na. Maliban sa makikitaan mo talaga na sobrang yaman nila. Tumingin naman ako sa babae na hindi maipinta ang mukha pero sobrang ganda niya, sana lahat.
"Matagal pa ba 'yon?" tanong ni Mr. Alvarez. May hinihintay ba kami?
"Siguro na-traffic lang, kumain na muna siguro tayo," sabi ni dad tapos may tinawag siya at ulit maraming mga staff ang kumilos para sa'min. Mga waiters na naghatid agad ng mga pagkain. Parang may fiesta na namang magaganap.
"Are you okay?" Tumingin naman ako kay kuya tapos tumango naman ako agad bilang sagot.
"So iha, what are your plans? saan mo gusto ikasal?" tanong bigla ni daddy bago paman ako makapag-umpisang kumain. Tumingin ako sa dalaga, kung hindi ako nagkakamali parang same age lang kami o mas matanda ako?
BINABASA MO ANG
Mr. Reserved
Romance"Want your name on my body?" - Mr. Ridge Ace Ferrer MR. SERIES III photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.