I dedicate this chapter to you!
Thank you for following and for patiently waiting!
Thank you so much for the support, reads, votes and comments. Highly appreciated. Stay safe and God bless
--
Mabuti nalang nauna ang out ni Honey kesa sa akin. Pagkalabas ko ay saktong nandito pa si Ridge, paano kung may biglang sumugod dito para kunin siya. Hindi ko alam kung nag-iisip pa ba siya. Agad ko siyang hinila papunta sa gilid at baka makita kami ng driver ko.
"Ridge ano bang ginagawa mo.." inis kong bulong sa kanya.
"Why?"
"Anong why, umuwi ka na." parang naiiyak na ako nang sabihin ko 'yon tapos itinutulak tulak ko pa siya.
"No, tell your driver that someone will take you home," sabi niya. Tapos kinapa pa niya ang bag ko. "Wheres your phone?"
"Ito na, ito na. Mas gusto ko pang tahimik ka!" inis kong sabi at saktong tumatawag na pala si Kuya Julie. Huminga muna ako ng malalim at napalunok bago ito sagutin.
"Kuya, pwede po kayong umuwi na. May lakad pa po kasi kami ng mga kaibigan ko." at napasapo ako sa aking noo. Bakit ba ako sumusunod kay Ridge? tinitigan ko siya ng masama at siya naman ay nakangiti lang sakin.
"Magpapasundo po ba kayo mamaya o ihahatid ko kayo--" hindi ko na pinatapos na magsalita si Kuya Julie.
"Wag na po, kaya ko ng umuwi, isa pa may sasakyan naman ang isa kong kaibigan." 100 percent sinungaling.
"Text niyo ako ma'am kung makauwi na kayo." Natigilan naman ako sandali sa sinabi ni Kuya Julie. "Ibinilin po kayo sakin, ayokong may mangyari sainyo na masama pero hindi ko rin ho kayo pipigilan kung may mga lakad po kayo." himala na ito ang pinakamahabang sinabi ni kuya Julie sakin.
"Ah hehe salamat po kuya."
"Mag-ingat po kayo ma'am." ang sweet naman ni kuya. Pinatay ko na ang tawag at tumingin ako kay Ridge.
"Mabuti pa 'tong si kuya nag-aalala sakin. Bat ba ako sumusunod sayo ha. Ano bang balak mong gawin? ang gulo ng pamilya mo." sana lang hindi rin magulo si daddy dahil maloloka talaga si mama. Ang gugulong ka-bonding.
"Kuya hmm?" Napalingon ako sa kanya.
"Oo," sagot ko.
"Let's go." hinawakan niya ang aking kamay at agad ko siyang pinigilan.
"Wag muna!" sigaw ko. "Baka nandiyan pa si Kuya Julie." Tumango naman siya at nakikita ko pang nakangiti lang siya sakin. Iniisip ko kung ano ba ang mga ginawa niya nitong mga nakalipas na buwan, maayos ba siyang inaalagaan at hindi ba siya nahirapan.
"Lampas 30 minutes na baka gusto mo ng umalis na tayo?" tanong niya at tumingin ako sa relo tapos tumango.
"Sa ibang lugar nalang wag sa apartment ko," sabi ko nang nasa harapan na kami ng sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at agad ko namang inayos ang seat belt ko.
"Hindi ko talaga alam minsan tumatakbo sa isipan mo," sabi ko nang pumasok na rin siya sa loob ng sasakyan.
"You don't have to worry about anything." tapos nagsimula na siyang mag-drive.
"Baka magalit si dad." dinamay mo pa ako.
"Sakin lang naman siya magagalit. Besides I have already decided I won't marry her."
"Bakit ba?" hindi naman kasi siguro importante sa kanila ang kahulugan ng pagpapakasal.
"You gave me advice right?" tanong niya na ikinatulala ko. ".. about being married."

BINABASA MO ANG
Mr. Reserved
Romantizm"Want your name on my body?" - Mr. Ridge Ace Ferrer MR. SERIES III photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.