49

81 3 0
                                    

"Ayan naisama na rin ang work ko sa mga arts mo!" parang bata kong sabi habang pinapalakpakan ang sarili dahil nakabisita na rin ulit kami sa tree house at nailagay na namin dito ang painting ko sa kanya. Na-realize ko rin na hindi naman pala gaanong panget ang gawa ko.

"Thank you." Hinalikan niya ako sa noo tapos hinawakan ang aking kamay palapit sa kanya.

"Nahihilo ako Ridge," sabi ko nang makaramdam na naman ako ng pagkahilo. Ang weird kasi kaninang umaga nasusuka rin ako.

"Why? baka kulang 'yan sa tulog ah," sagot niya. Umiling naman ako. "Or maybe your eyes? palagi kang tutok sa laptop mo."

"Hindi naman," sabi ko tapos yumakap sa braso niya nang lumabas kami ng tree house. Tumingin ako sa paligid at nakahinga ng maluwag. Maganda talagang tumira dito, ramdam na ramdam mo ang nature.

Ilang araw nalang at graduation day na namin. Natapos na rin namin lahat ng school works. Gusto kong makapaglakad sa stage pero tuwing practice namin natatamad ako palagi.

Bago sa araw ng graduation seniors ball namin. Hindi ko nga alam kung gusto kong pumunta. But Ridge wanted me to be there.

"May naihanda na raw si mama para sa gown ko," sabi ko. Hindi kami gaanong nagpapansinan ni mama dahil rin sakin. Ayokong makita siya minsan pero siya naman gumagawa ng paraan para makapag-usap kami.

Si Mayor naman naghahanda para tumakbo ulit bilang gobernador. Hindi ko alam para ba mas lumawak ang kapangyarihan niya?

"Great," sagot ni Ridge tapos yinakap ako sa may bewang.

"I know you'll be the prettiest." pabulong niyang sabi sa tenga ko. Ngumuso naman ako.

"Masiyado ka namang in love sakin." Napangiti naman ako nang maramdaman ko ang pagtawa niya ng mahina sa may leeg ko.

"Basta ha, sabi mo ikaw partner ko kaya dapat nandon ka!" hindi ko maiwasang lakasan ang boses ko.

"Sino pa ba?" tanong niya. Humarap ako sa kanya tapos yinakap siya. Nasasanay na akong lambingin siya at nasasanay na rin ako sa lambing niya. Umalis nga lang siya saglit parang nababaliw na ako, dahil namimiss ko siya agad. Ang hilig ko na ring magpa-baby sa kanya.

"Are you sure you're okay?" tanong niya bigla kaya umiwas ako sa yakap. Marami lang akong iniisip tapos bigla lang nanghihina katawan ko. Pakiramdam ko nasusuka ako tapos hindi.

"Hayaan mo lang ako pagod lang siguro," sagot ko.

"You want to have some sleep?"

"Ayoko parang sobra na nga ako sa tulog kakatulog ko." Natatawa kong sabi.

"So?"

"I love you Ridge," sabi ko.

"I love you too." Pumikit ako nang halikan niya ako ulit sa noo.

"Dreams do come true pala!" sigaw ko.

"What do you mean?"

"Sabi ko kasi noon sa mga kaibigan ko sarap siguro magkaroon ng boyfriend na Primston product!" Inaatake na naman ako ng kadaldalan at kaartehan.

"Tss silly," sabi niya tapos ginulo ang akong buhok.

"Magugustuhan mo kaya ako kung kunware hindi mo ako nakilala. Padaan daan lang sa University niyo ganon."

"You won't even know me as well," sagot niya.

"Hindi mo ako magugustuhan?"

"Siguro."

"Ay! Ako nga magugustuhan kita!"

"You're not sure of that, you hated guys who have tattoos."

Naalala ko bigla ang mga tattoo niya dati ngayon isa nalang. Masakit siguro ipatanggal 'yon lahat? Hindi nga pala siya ang type ko pero gwapo siya.

Mr. ReservedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon