53

94 6 0
                                    

"Mommy look oh!" Napalingon ako sa makulit na bata na kanina pa tawag ng tawag sakin. Ngumiti ako tapos tumango at hinayaan lang siyang maglaro. Pero hindi ko maiwasang mag-alala sa dinami rami kasi ng pwede niyang laruin ay baril-barilan pa. Okay lang naman, kaso babae siya expected kong laruin niya ay mga barbies tapos luto lutuan. Pero masaya naman ako kasi enjoy na enjoy siya sa paglalaro niya. 

Ilang taon na ang lumipas at apat na taon palang si Ryleih ay tuwid na siyang magsalita, ingles nga lang medyo nabubulol pa siya sa tagalog niya. Nasanay rin siguro sa environment marami rin kasi si mama naging kaibigan agad dito sa Australia at hindi ko alam na may kamag-anak rin siya dito. 

Hindi naman kami nahirapan ng pumunta kami dito dahil may bahay na iniwan at hinanda si Mayor para samin dito sa Melbourne, Australia. Nakulong rin siya bago makulong si Ridge at hindi ko manlang 'yon alam. Si Kuya Raymond naman magaling pa rin sa pagtatago dahil hanggang ngayon hindi pa rin siya nahuhuli at wala kaming alam kung nasaan na siya. Masaya naman ngayon si mama kahit kaming tatlo lang hindi na rin siya gaano nakikipag-usap sa mga lalaki kahit marami naman siyang pwedeng maging jowa sa lugar na  ito.

Malaki at malawak ang bahay na iniwan samin ni Mayor tapos tatlo lang kami ngayon dito. Nakahanap rin si mama ng trabaho dito at ako naman ang wala, gusto ni mama na focus lang muna ako kay Ryleih habang maliit pa siya. 

Minsan malungkot ako dito kahit may cute at maganda akong bata na kasama dito sa bahay tuwing wala si mama at umaalis. Mabuti na ngalang nakapag-adjust rin kami dito syempre may problema ring dumating ulit sa mundo nagkaroon ng isang pandemya. Kaya doble ingat rin minsan kahit medyo maluwag na ngayon kesa sa pilipinas, ubo at sipon iniiwasan na rin. Nakakausap ko pa rin kasi si Honey kaya may mga balita pa rin ako sa Alvarez City.

"Mommy mommy!" 

"Dahan-dahan naman anak!" saway ko dahil parang may humahabol sa kanya tuwing lalapit sakin at yayakap. Alam kong excited 'to basa ganito kakulit.

"I'm so excited to see daddy!" Nakangiti niyang sabi na ikinatigil ko sa pag-iisip ng kung anu-anong bagay. Ilang taon ang lumipas at pwede na rin kaming makabalik sa Pilipinas ulit simula nang makarating kami dito pagkatapos kong manganak at nagkaroon ng pandemya. 

"Ako rin anak," sagot ko tapos lumuhod ako para mapantayan ko siya. Sana tumangkad siya tulad ng daddy niya. Hinalikan ko siya sa kanyang noo. Akala ko nga mamanahin niya lahat sakin, pero ang kulay ng mga mata ng mga Ferrer ay nakuha niya.

"I love you mommy!" tapos yinakap niya ako ng mahigpit. Malambing si Ryleigh at minsan naman madaldal katulad ko. Hindi naman ako pinahirapan ni Ryleih nong baby pa siya, hindi siya kasi iyakin. 

"I love you too." 

"Let's go outside later mommy and paint!" 

Napangiti ako at ginulo ang kanyang buhok na kulay abo rin katulad ng daddy niya. Namana rin niya kay Ridge ang hilig sa pagpipinta. Kilala at legal ang street art dito sa lugar na nagugustuhan at naalis si Ryleigh. Palagi ko namang pinapakita sa kanya mga selfie namin ng dad niya. 

Hindi pa nga lang niya maintindihan ang sitwasyon ni Ridge ngayon. Ilang taon na rin ang lumipas at hindi ko pa siya nakita ulit at nabibisita. Mahirap rin kasi siyang bisitahin dahil iba ang kulungan niya sa kulungan na meron ang Alvarez City. Parang itinapon ang mga katulad niya sa isla. Malayong malayo sa syudad. Alam kong nahihirapan siya doon. Lalo na't mga kasama niya ay may kasong tulad niya. 

Sana nakakakain siya ng maayos roon.


Pagsapit ng gabi ay bumalik na si mama galing sa resto na trinatrabahuan niya. Balak nga ni mama magtayo dito ng tindahan na maala pinoy, kasi marami rin naman siyang kaibigan na mga pinay dito.

"Mabuti naman at maagang natulog 'yan," sabi ni mama ng bumisita kami sa kwarto ni Ryleigh.

"Oo nga po eh, akala ko naglaro na naman," sagot ko. Hindi na rin gusto ni Ryleih na patulugin ko siya o samahan pa sa pagtulog. Nakakatulog lang naman siya na siya lang ang nasa higaan at kwarto niya. 

"Handa na ba ang mga gamit niyo at mga ipapakita niyo pagdating roon?" tanong ni mama. 

"Oo ma, ayaw mo ba talagang sumama?" tanong ko.

Ilang taon na rin ang lumipas at sa wakas tinigil na rin ni mama ang pakikipag-usap sa adik na 'yon. Ngumiti siya at yinakap ako.

"Maayos ako dito anak, ayoko ng umuwi!"

Gusto kong umuwi dahil gusto kong puntahan si Ridge ngayon. Gusto ko ring makita niya si Ryleigh. Hindi pa niya alam na may iniwan siyang remembrance sakin. Ano na kaya itsura ni Ridge ngayon? sana gwapo pa rin siya haha palagi naman niyang pinagmamalaki sakin yon. 

"Mag-ingat kayo don ah, hindi pa safe ang mundo bawal ang magkasakit ngayon lalo na 'yang bata," sabi ni mama at tumango namna ako agad bilang sagot. 

"Alam ko po 'yon ma," sagot ko. 

Marami ang nagbago sakin at nakakatuwa rin na may kanya-kanya na ring buhay ang mga kaklase ko. Parang kailan lang stalk lang kami ng talks nila Honey sa mga pogi tapos ngayon may anak ako. Si Honey naman hindi ko alam ano balak nila ng stay strong niyang jowa na si Wren na ngayon ay architect na. Kumpanya nga ng jowa niya ang nilapitan ko para sa pagplano sa pag-ayos ng tree house na iniwan sakin ni Ridge. 

May iniwan ring mga ipon si Ridge sakin at isang singsing na halos iyakan ko gabi-gabi. Singsing na ngayon ay suot suot ko palagi. Natataranta nga ako kapag hindi ko naisusuot o nakakalimutan kong suotin. 

Ang kwintas naman na binigay niya ay isinuot ko kay Ryleigh. Inaagaw kasi niya ng malaman niyang galing 'yon sa daddy niya.

"Matulog ka na rin," sabi ni mama tapos lumakad na siya palayo at ako naman ay tuluyang pumasok sa kwarto ng anak ko. Madalas akong matulog sa tabi niya, syempre tumatabi na ako sa kanya kung nakatulog na siya ayaw niya na kasing magpatabi. 

Dahan-dahan akong tumabi sa kanya at hinalikan ang kanyang pisngi. Napagod rin ito sa pamamasyal namin at pagtanaw sa mga magagandang street arts dito sa lugar. Ito palagi ang bonding namin eh. Naiisip ko naman kung makakapagturo pa ba ako sa isang paaralan, magiging teacher pa ba ako ulit. Makakahabol pa ba ako. Parang tinatamad na ako eh, ngayon nga nakaasa ako sa pera ni Ridge at kay mama. Pero gusto ko talagang pumasok ng trabaho rin. 

"Daddy..." Hinalikan ko siya sa noo. Baka bukas kwentuhan na naman niya ako na nakita niya si Ridge sa panaginip niya.

Sana ay hindi siya pinapahirapan doon. Alam kong wala akong karapatan na hilingin ang kaligtasan niya. Siguro kasi naiisip ko rin ang mga ginawa niya na alam kong kulang pa ang pagsisisi sa mga taong nawala para lang sa kapangyarihan.

Palagi kong inilalagay lahat ng mga best moments namin ni Ryleih sa pader. Pinapa-frame ko palagi mga pictures namin, kahit nga sa social media active pa rin ako. Pero namimiss ko pa rin ang college days namin.

Syempre pati paintings ni Ryleih nakalagay sa frame. Isa sa paraan para mapakita ko sa kanya na sobrang proud ako sa lahat nggusto niyang gawin. Basta, maging mabuting tao lang siya paglaki.

Kinakabahan akong makita ulit si Ridge. Kinakabahan ako kung ano ang magiging reaksyon niya kay Ryleih. Naiisip ko rin palagi kung paano sinabi ko sa kanya, ano kaya ang gagawin niya?

Biglaan lang naman ang araw na una ko siyang nakilala. Tapos ang mga sumunod ay parang magic nalang.

Bumangon ako tapos sumilip sa bintana at tumingin sa mga bituin.  Iniisip kung paano ako nagkaroon ng ganitong klaseng pagmamahal at pagkagusto kay Ridge.

Makilala si Ridge ay para na ring pumasok ka sa isang madilim na kapangyarihan.

--

Mr. ReservedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon