Ridge

104 7 0
                                    

Habang naririnig nila ang sirena ng pulis ay hindi maiwasang balikan ng binata ang magagandang alaala kasama ang dalaga at ang kanyang mga kaibigan. 

"Your sister can be your next target." Napalingon ang binata sa kaibigan niyang si Amir anak ng mga sikat na bar owners ng Alvarez City may tinitimpla itong inumin sa bar counter. Umiling-iling siya dito at tumaas ang sulok ng kanyang labi. 

"Guys aren't you tired playing that stupid game," sabi naman ng isa pa niyang kaibigan na si Wren apo, ng isang sikat na Hotel owner at pamangkin ng isang CEO sa sikat na entertainment agency. 

"Common man, bakit pagod ka na magpaiyak?" Natatawang tanong ni Zyir isang sikat na car racer sa lugar at nag-iisang tagapagmana ng Davis canned goods. Lahat sila nagtawanan, pito silang magkakaibigan na iba't iba ang personalidad pero nagkakasundo sa mga kalokohan.

"May sineseryoso na kasi!" sigaw ng kaibigan nilang kulay blonde ang buhok na si Xavier, kilala ang mga magulang nito dahil sa mga sikat nilang condos, apartments at mga villa.

"Let's just enjoy this night! No girls!" sigaw ni Tryp ang kaibigan nilang may mga matang kulay asul at kilala ito bilang apo ng isang engineer at may-ari ng isa sa mga sikat na mall ng Alvarez. 

Napatingin si Ridge sa maliliit na alon ng resort. Dito palang ay nakikita na niya ang kanyang magiging kapatid na may kasamang dalawang babae. Step sister exactly. He still can't believe that his father would actually find someone to marry again. After they lost their mother, hindi na niya naisip na magmamahal pa ang kanyang ama. Lalo na nong namatay rin ang kanyang kambal na si Redge. 

Kilala ang kanyang ama bilang Mayor ng syudad. Mayor Raymond Ferrer.

"Isa pa paano magiging target ni Ridge eh kapatid nga niya!" sigaw ulit ng kaibigan niyang si Wren. 

"Hindi nga sila magkapatid at hindi sila magkadugo!"

"Paano kung magkaroon pa ng anak ang nanay ng kapatid niya sa tatay niya oh ano? paano 'yon?" tanong pabalik ni Wren sa kaibigan niyang si Amir. 

"Stop it you guys!" sigaw ng binatang si Ridge sa kanyang mga kaibigan. 



DUMATING ang gabi na ipapakilala na ng kanyang ama ang mapapangasawa nito at ang kanyang magiging kapatid na si Rea Mae Cares.

"If you are not used to wearing heels. Why wear them?"

Napansin niyang natigilan ang dalaga dahil sa biglaan niyang pagsasalita nong gabing 'yon. Napansin rin kasi niyang nahihirapan ito sa suot nitong heels. Tumaas ang sulok ng kanyang labi nang mapatitig ang dalaga sa kanya pero nakasuot siya ng mask kaya hindi pa makikita ng dalaga ang kanyang mukha.

"Checking me out already?" tanong niya sa dalaga at bumaba ang tingin ng dalaga sa mga tattoos nito. 

"Excuse me." mataray na sabi ng dalaga sa kanya. 

"Maupo ka iha." Nakangiting sabi ng Mayor nang lahat sila ay nasa loob na ng mansyon at sa malaking kusina nito.

"Ah.. Ma.. magandang gabi po." pagbati ng dalaga. Alam ni Ridge at halata sa mukha ng dalaga na wala itong alam sa mga nangyayari. Wala rin itong alam sa kwento ng pamilyang Ferrer. 

"Hindi ko alam kung ano ang mga hilig at paborito mong pagkain iha kaya nagpahanda ako ng marami, sana ay nagustuhan mo." Parang may piyesta o anong bonggang okasyon ang meron sa gabing 'yon dahil sa dami ng pagkaing ipinahanda ng Mayor.

"Meet my sons iha, Raymond my eldest and Ridge ang aking bunso." Si Raymon ang mas kilala ng mga tao sa lugar, bukod sa ibinigay sa kanya ng Mayor ang pangalan nito ay siya rin ang mga nasa sabi sabi na susunod sa yapak ng ama. 

Mr. ReservedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon