31

75 4 0
                                    

"I knew there something new in you, wala ka ng mga tattoo?" tanong ni Mr. Alvarez. Bumalik ako sa pwesto ko at hindi ko alam kung bakit kanina pa ako naiinis na nasa tabi ng anak ni Mr. Alvarez si Ridge. 

"Ayos ka lang ba anak?" tanong ni mama na alam kong nagulat rin siya sa pagyakap ko kanina kay Ridge. Tama nga siya mamimiss ko pala siya. Hindi ko alam na darating siya at siya pala ang hinihintay namin. Wala manlang ako narinig sa kanila na lumabas na si Ridge. 

"My sister doesn't like my tattoos." Natigilan naman ako sandali sa sagot ni Ridge at nakita ko siyang ngumiti sa'kin. Hindi naman ako makangiti pabalik kahit natutuwa ako. "But I still have one." 

"Oh, your step sister, Rea right?" biglang ibinaling ni Mr. Alvarez ang tingin niya sa'kin. "It seems like you two are close to each other. You must missed him?" tanong niya sa'kin. Hindi ko naman alam ang isasagot ko kaya umiwas lang ako ng tingin.

"My sister here is very sweet, she's not hard to be close to," sagot ni Kuya Raymond.

"Oh alright, let's start talking about the engagement party!" Natutuwa namang sabi ni Mrs. Alvarez. Napapikit ako sandali at pakiramdam ko ay sasabog na ang sistema ko sa loob. Gusto ko ng umuwi. Wala akong alam tungkol dito at alam kong wala ring alam si mama. 

"Okay, wala namang tutol dito sa'tin diba?" tanong ni Mr. Alvarez. Bigla kong itinaas ang kamay ko at lahat sila ay napatahimik.

"Ako," sabi ko bigla. Ibinaba naman agad ni mama ang kamay ko.

"What do you mean dear?" tanong ni Mrs Alvarez.

"Ang ibig ko pong sabihin, excuse me, cr lang ako." nakangiwi kong sabi at napatawa silang lahat. Tumingin ako kay Ridge na siya lang ang hindi tumatawa pero nakangiti siya sa'kin. Umiwas nalang ako ng tingin at tumayo na.  May umalalay naman agad sa'kin na waitress. 

Pagkarating ko sa banyo ay agad akong tumingin sa salamin. Napahilamos ako ng mukha. Bakit ba ganito nararamdaman ko? Sobrang sikip na hindi ako makahinga. Sakto lang naman ang dress ko sa'kin. Napasandal nalang ako sa sink at pinag-iisipan kung kaya ko pa bang lumabas. 

"Hey." Napaigtad naman ako at agad na umayos ng pagtayo nang makita ko si Ridge na pumasok.

"Bakit ka nandito?" tanong ko. Hindi ko alam sa ilang beses na nagkausap kami ay ikakasal na rin pala siya. Kailan pa 'to at hindi ko manlang nalaman. Dahil ba sa hindi talaga kami kabilang sa pamilyang Ferrer?

"Masama ba?"

"Ahh oo? maliban sa pang-babae ang banyo na 'to may importante kayong pinag-uusapan doon." inis kong sagot. 

"You hugged me tightly earlier." Narinig ko siyang tumawa ng mahina. 

"Kailan ka pa bumalik?" tanong ko.

"Yesterday."

"Bakit hindi ka umuwi?"

"Cause I don't want to." 

Tumango nalang ako bilang sagot sa sagot niya sa'kin. Kung kanina ay sobra ko siyang namiss nang makita ko siya. Ngayon ay hindi na, naiilang na ako. 

"Ikakasal ka na pala," sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. "Kailan pa?"

"Matagal na." Natigilan naman ako sa narinig kong sagot. Napabuntong hininga ako tapos hindi siya loyal sa babaeng papakasalan niya? Napailing-iling nalang ako. 

"Ang gulo mo talagang kausap 'no?" inis kong tanong. Hindi ko alam kung bakit big deal 'to sakin at bakit pakiramdam ko unti-unting nag-fade ang mga unang araw na nakilala ko siya at nakausap.

"But I don't really take it too seriously," sagot niya.  Tumawa naman ako ng mahina.

"Seriously? tapos engagement na?"

Mr. ReservedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon