51

113 6 0
                                    

"Hi guys! Congrats sa atin!" sigaw ko nang makarating kami ni Honey sa pwesto namin kasama ang ibang mga kaklase namin. Ngayon ay pinakaespesyal ng buhay namin pero alam kong hindi pa ito ang mismong araw dahil ensayo palang ang ginagawa namin ngayon. Naku mukhang magiging masaya ako ngayong July dahil ito na nga nagbunga na rin ang lahat ng mga pagod namin. Pagod sa mga school works at sa training namin. Alam kong hindi pa dito nagtatapos ang kabanata ng buhay namin, pero sobrang saya ko kahit kinakabahan ako. 

"Hi Rea, Honey!" Napalingon ako kay Sofia tapos kumaway ako at inirapan siya. Siya kasi malapit sa tinitirhan ko tapos hindi ako hinintay gusto ko kasi makisabay papunta dito. 

"Oy Sofia hindi mo ako hinintay nag-message ako sa'yo," sabi ko. Parehas lang naman kasi kaming nasa Jones Homes. 

"Sorry naman." Natatawa niyang sagot sa'kin. Umiling-iling lang ako sa kanya tapos umayos kami ng pagtayo nang may nagsalita na sa harapan. Pumalakpak kami agad ni Honey at nagyakapan.  Hindi pa naman kasi ngayon ang graduation day namin, praktis palang. Paano kami aakyat sa tage, pero nakakakilig na. 

Nag-selfie kami ni Honey tapos biglang may nag-notify sa kanya. Nagulat kami parehas, isa itong video tapos sobrang pamilyar ang mukha ng babaeng sumasayaw na nakahubad. Lumingon kami sa likuran pagkatapos kaming magtitigan ni Honey. 

"Sofia!" marami kaming mga classmates na tumawag sa kanya ng bigla siyang tumakbo. Napabuntong hininga ako at tumingin ulit kay Honey. 

Ilang minuto ang lumipas ay pinatawag kami lahat ng mga kaklase ko ng advicer namin. Akala ko ay magkakaroon kami lahat ng problema pero wala naman. Kailangan lang talaga nila makausap si Sofia. Gusto ko mang sabihin na baka edited lang, syempre kaklase ko siya at kugn may kakampihan man ako syempre si Sofia. Kaunti na ngalang kami sa class tapos may ganito pa. 

"Sa tingin mo ba siya talaga 'yong sumasayaw?" tanong ni Honey nang dumaan kami ng canteen. 

"Hindi ko alam," sagot ko. Mamaya ay babalik na kami sa gym para dumalo sa ensayo ulit. Inaasikaso na ng University ngayon ang kumakalat na video. Hindi lang naman ito ang pinakauna, marami ng scandal dati pa at hindi lang naman sa University namin, iba nga nahuhuli pa dito ng guards. 

"Hindi na siya nagrereply kay Tessa eh," sabi ni Honey.

"Hayaan mo baka mapuntahan ko siya mamaya sa kanila," sagot ko. Pero medyo malayo ang building nila Sofia sa amin. Baka sa grocerry makasalubong ko siya. 

"Tumataba ka ah." biglang pag-iiba ng usapan ni Honey. Natawa lang ako sa kanya tapos ginulo ang buhok niya. 

"Ikaw ang tumaba," sagot ko.

"Hindi seryoso parang tumaba ang pisngi mo. Tapos medyo may laman laman ka na," saad niya.

"Hoy, bakit sobrang payat ko ba dati? ang sexy ko kaya." 

"Tara na nga." Hinila ako ni Honey papunta sa ibang classmates namin na ay ang pinag-uusapan ay si Sofia pa rin. Pero hindi na ako nakialam, marami rin kasi akong dapat isipin. Si mama na kasama ngayon ay si Mayor na maraming hinaharap na problema. 

Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin kay Ridge na magiging dalawa na kaming baby niya. Humawak ako sa tiyan ko at napangiti. Nang malaman ko na buntis ako ay sigaw ako ng sigaw sa apartment dahil sobrang gulat na gulat ako, mabuti nalang wala si Ridge non. Mag-iisang buwan na rin pala itong baby ko. Si Cathy palang ang nakakaalam nito. 

Pero sasabihan ko rin si Honey kung medyo handa na ako. Nagulat ako pero hindi naman ako malungkot. Kinakabahan lang dahil wala naman sa plano 'to pero inasahan ko na rin na mabubuntis ako. Hindi pa alam ni mama, sigurado akong dadagdag ako sa mga iisipin ngayon. Lalo na't maraming mga properties ang kinukukha kay Mayor ngayon. 

Mr. ReservedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon