4

147 5 0
                                    

"Ma bakit hindi mo naman sinabi sa'kin na may multo pala talaga dito," inis kong sabi kay mama nang lumabas kami ng kusina. Napansin ko ring tahimik lang si Mayor kaninang almusal. Tapos si Ridge naman ay hindi sumabay sa'min. Ang weird ng mga tao dito tapos hindi ko pa naintindihan ang sinabi ni Ridge kagabi.

"Yan lang ang alam ko, mukhang kilala ni Raymond ito at ayaw niyang pag-usapan," sabi ni mama. Napailing-iling naman ako. Ayoko ng tumira dito.

"Ma sorry ah, sa bahay po ako mamaya uuwi, alam niyo bang hindi ako nakatulog, may exams pa kami. Baka hindi ako makapag-fourth year niyan," sabi ko kay mama. Ginulo naman niya ang buhok ko. 

"Itali mo nga yang buhok mo," sabi ni mama. Inirapan ko lang siya. Maiksik pa naman ang buhok ko pero pwede na siyang maitali. 

"Mama, hindi po talaga ako uuwi dito," sabi ko. 

"Hindi naman tayo dito magtatagal, dahil may ginawang bahay ang daddy Raymond mo para sa'tin kaya wag kang masiyadong matakutin," sabi ni mama. 

"Daddy? talaga ma?" 

"Pumasok ka na," sabi ni mama tapos halos itulak niya ako. Tinawanan lang niya ako tapos inirapan ko lang si mama. Lumabas ako ng bahay tapos tumigil naman ako nang marinig ko ang boses ni Ridge.

"This is unfair!"

"Calm down Ridge, alam mo namang kapag may bagong bisita ay pinagtritripan niya." nandito rin si Kuya Raymond. Anong pinag-uusapan nila at bakit mukhang galit na galit si Ridge. Sobrang maaga pa para kumunot ang noo. 

"That's my point, I'm his Twin brother, sa'kin siya dapat magpakita! I've been to his favorite room a few times. But he doesn't show up." 

Hindi ko naman alam kung bakit hindi ko magawang lumakad nalang palayo at hindi sila pakinggan. Wala naman akong dapat pakinggan dito. Baka rin umiiral ang pagkachesmosa ko minsan ngayon. Dito kasi sila sa labas ng bahay nag-uusap eh ang lawak ng space sa loob. 

"Maybe he also blames me for his death."

Natigilan ako sa sinabi ni Ridge. Sino ba an pinag-uusapan nila.

"Don't say that Ridge, wala kang kasalanan," sabi ni Kuya Raymond at nakita kong inaabot niya ang balikat ni Ridge pero umaatras ito sa kanya.

"What about that girl, It was the first time she had entered that room, and he just showed up?" 

Humakbang ako paatras at natigilan ako nang parehas silang napatingin sa banda ko. Ngumiwi lang ako tapos kumaway at tumakbo na palayo sa kanila. 

"Okay na po ba ma'am?" tanong ni Manong driver. Si Manong Brando pala. Ngumiti naman ako at tumango.

Habang nasa biyahe ay pinag-iisipan ko pa kung paano ko sasabihin kay Manong o paano ako magtatanong.

"May gumugulo ba sa isipan mo ma'am?" tanong bigla ni Manong.

"Paano niyo po nalaman?" natatawa kong sabi. Masiyado yata akong halata.

"Nakikita ko po sa mukha niyo ma'am," sagot niya. Napangiwi naman ako at huminga ng malalim.

"May...kakambal po ba si Ridge?" tanong ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Napansin kong natigilan siya sa tanong ko.

"Opo."

Napaawang ang labi ko tapos hindi ko na alam ang sasabihin ko. Hindi ako makapagsalita. Itinuon ko ang aking pansin sa bintana. Nanginginig na rin ang mga kamay ko. Ang mga ngiting 'yon.

"Nasaan po siya?" tanong ko habang hindi nakatingin kay Manong. Huminga ako ng nalalim at napasapo ang aking noo. Ilang minuto muna ang pinalipas ni manong bago siya nagsalita.

Mr. ReservedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon