"You may seal your promises with a kiss...You may now kiss each other."
Sumabay ako sa lahat ng mga imbitado na tumayo at palakpakan si mama at si daddy. Sa wakas ay naikasal na rin ang nanay ko. Masaya ako para sa kanya pero sana ay tama ang pinili at ginawa niyang desisyon ngayon. Nakikita ko namang masaya siya ngayon kaya sino ako para magreklamo? Ayoko ng mangyari ulit ang mga masasamang nangyari sa'min lalo na kay mama.
Hindi ko na masiyado iisipin si mama alam ko namang masaya siya ngayon sa desisyon na ginawa niya. Mag-iisip nalang ako paano sulitin ang natitira kong araw bago magpasukan.
Sabi ko dati kahit wala na akong ama forever, okay lang. Pero nararamdaman ko namang totoo ang lahat na pinapakita ni mayor sa'kin. Sana nga tama ako na aalagaan talaga niya si mama at hindi niya sasaktan, hindi niya kami sasaktan.
"Sana nga hindi lang siya perahan." Kumunot ang aking noo nang biglang nagsalita ang mga nasa tabi ko. Mga dalaga pa katulad ko. Mukha naman silang mayayaman lahat pero bakit parang hindi ko nagugustuhan ang mga lumalabas sa bibig nila kanina pa. Parang hindi bagay sa mga make up at mga alahas na suot nila. Umiling nalang ako at itinuon nalang ang pansin kay mama na nakangiti ngayon at kumakaway sa'min.
Dito sa hotel ginanap ang kasal. Napakabongga nga eh kumpara sa mga iniisip ko pero bet na bet ko, sa lahat ng mga pinagdaanan namin ni mama, deserve niya 'to. Kanina pagkapasok ko ay alam ko na talagang ayaw nila kay mama. Alam ko naman 'yon, kasi Mayor ang pinakasalan mo eh. Kaya hindi talaga maiiwasang may mga chesmosa lang sa paligid.
Umupo na ako nang dumating na ang emcee at live band na inimbita nila mama. Kinuha ko naman ang phone ko tapos kumuha ng litrato na hindi ko naman mapost, ayokong malaman ng mga kaklase ko ng biglaan. Pero alam na ni Honey, nakwento ko na sa kanya. Hindi na ako masiyado mag-aalala kasi sa mga kwento ni Honey tungkol sa buhay niya ay mas magulo pa kesa sa'kin, isa sa rason kung bakit wala rin siya ngayon dito, inimbita ko siya pero hindi ko talaga pinilit na makadalo siya. May mga sweet messages naman siyang pinadala para kay mama.
"Masaya po ako para sa'yo ma," sabi ko nang makalapit ako kay mama. Nakita ko ang pagtulo ng luha niya. Hindi ko naman maiwasang maluha rin. Dahil bigla kong naalala ang mga naranasan namin bago sa lahat ng ito. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Salamat anak," bulong niya sa'kin. Ayoko talaga sa idea na 'to. Ayokong magpakasal siya pero masaya naman siya at nakikita kong luha ng kasiyahan ang lumalabas sa kanyang mga mata. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa'kin pabalik.
"Mawawala kami ng ilang araw, magiging maayos ka lang ba?" tanong ni mama nang umiwas na ako sa yakap. Tumingin naman ako kay Mayor Ferrer na may mga kausap na rin ngayon. Tumitig ako kay mama tapos tumango.
"Wag niyo po akong alalahanin, basta mag-iingat po kayo sa London ah." natatawa kong sabi.
"Dadalhin rin kita doon, ngayon kasi alam mo na pagkatapos dito..baka magkaroon ka na rin ng kapatid." nakangising sabi ni mama. Umirap naman ako agad.
"Mama, kaya mo pa ba matanda na ho kayo." tapos kinurot niya ako ng pabiro sa tagiliran. "O..kaya pa ba ni Mayor ma?" sabay kaming tumawa ng malakas ni mama. Mamimiss ko siya kahit ilang araw lang.
"Ikaw talaga...mauuna na kayo muna ng mga kapatid mo sa bagong bahay," sabi ni mama. Naalala ko tuloy ang mga kapatid ko kay Mayor lalo na ang bunso niya. Ilang araw ko na rin 'yon hindi nakita ulit pagkatapos ng gabing 'yon. Napaka-weird at moody niya talaga minsan?
"Opo ma, pero malayo po sa University ma, sobrang malayo na alam niyo naman hindi ako sanay sa biyahe," sabi ko na parang bata.
"Alam ko 'yon, kaya may kinuhang condo si Raymond para sa'yo sa East," sagot ni mama at nagulat naman ako sandali. Itong talaga si mama lahat ng nakakagulat na mga impormasyon ay hindi niya agad sinasabi sa'kin. Dito pa talaga sa araw ng kasal niya.
BINABASA MO ANG
Mr. Reserved
Romance"Want your name on my body?" - Mr. Ridge Ace Ferrer MR. SERIES III photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.