45

74 3 0
                                    

"Parang nakatingin sayo ang lalaking 'yon," sabi ni Honey nang lumingon kami sa likuran at may nakatingin nga sa banda namin na naka-shades at puno ng tattoos ang katawan niya.

"Paano mo nasabi?" Natatawa kong sabi tapos itinuon ulit ang pansin sa mga stuff toy. Nandito kami ngayon sa mall ni Honey kasama si Tessa, marami ngang tao ngayon sa store na 'to dahil valentines.

"Guys ang cute!" sigaw bigla ni Tessa tapos binuhat ang isang monkey stuffed toy.

"Iba talaga feeling ko sa lalaking  'yon," sabi ni Honey. Pero palagi naman kasing takot si Honey sa mga lalaki simula nang magkita kami ulit.

Hindi tuloy ako makapag-focus kung ano ba dapat iregalo ko kay Ridge, sobrang tagal na nong birthday niya. Sana magustuhan niyo itong stuff toy na bet ko. Isang panda na may heart shape. sa tiyan niya.

Pagkatapos naming mamili ay dumaan kami ng coffee shop na nasa labas ng mall.

"Ilang buwan nalang," sabi ni Honey at narinig ko ang pagkatuwa ni Tessa. Sana mabasa ko ang aming mga pangalan na kasama sa graduation day. Naghirap rin kami kahit, sobrang tamad kami.

"Nakakalungkot lang na nabawasan tayo sa class," sagot ni Tessa at napatango ako. Hindi ko rin akalain na hindi na talaga namin makakasabay ang isang kaibigan namin.

"Oy mag-iingat kayo ah, alam niyo na malapit raw sa malas ang mga graduating students." Inirapan ko naman si Tessa dahil sa sinabi niya.

"Huwag kayong basta basta naniniwala sa mga ganyan," sabi ko. Pagkatapos namin sa coffee shop at sa dami nilang kwento ay naghiwa hiwalay na rin kami para umuwi.

Dumiretcho agad ako ng apartment para ayusin na ang lahat sa kusina. Mamaya pang gabi si Ridge uuwi, at sana ma-surprise siya.

"Maganda ba Cathy?" tanong ko sa anak namin at natawa lang ako nang naglambing lang ang pusa ko sa aking paa.

"Marami pang aasikasuhin si mommy, Cathy kaya kumain ka nalang muna at mag-behave," sabi ko at binuhat siya papunta sa bahay niya. Nilagyan ko siya ng pagkain at maiinom. Hindi pa ako tapos mag-decorate sa kusina eh at kailangan ko pang magluto.

Syempre, hindi ko makakalimutan ang gabi na dinala niya ako sa tree house at sa mga paintings niya. Napahawak ako sa pendant ng kwintas ko na bigay niya dahil bigla ko siyang namiss kahit uuwi naman siya dito mamaya.

Pagkatapos kong mag-ayos sa kusina ay kinuha ko muna ang painting na ginawa ko para sa kanya. Nakabalot na rin ito para kumpleto ang mga elements of suprise.

Nagluto na rin ako ng makakain namin, syempre espesyal kahit hindi ako gaano kagaling magluto. Lahat naman ng luto ko masarap raw.

"Done," sabi ko sa sarili ko. Bumalik ako sa kwarto para mag-shower at magpalit ng damit. Syempre hindi ko kakalimutang mag-ayos.

Tinignan ko muna ang sarili ko ulit sa salamin bago lumabas.

"Anong oras na wala pa siya," sabi ko at tinignan ang relo ko. 7 pm na. Wala rin siyang tawag o kahit message sakin. Kinakabahan tuloy ako. Pumikit ako ng mariin at sinubukang hindi mag-isip ng kahit ano.

Pinalabas ko nalang muna si Cathy sa bahay niya at hinayaan siyang paglaruan ang paa ko. Sayang itong dress ko kung mamaya pa siya uuwi baka kasi may ginagawa siya sa University. Kinagat ko ang aking labi at tinignan ang mga pagkain. Maaga pa naman para mapraning ako.

8... 9 pm na wala pa rin siya. Inaantok na rin ako. Napapapikit pikit na rin ako pero nag-aalala ako. Gusto ko na ngang lumabas at tawagan sila mama.  Sanay naman na ako na late siya minsan umuuwi pero wag sana ngayon.

Mr. ReservedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon