Lumakad ako palapit kay Ridge baka agawin pa sakin maraming tumitingin sa kanya. Nakita kong hawak-hawak niya rin ang invitation card. Natigilan ako sandali nang makita kong biglang nag-iba ang nasa paligid namin at nakasuot ako ng wedding gown tapos may bouqet of flowers. Ngumiti ako tapos umiling-iling.
"Found you," sabi niya.
"Mabuti naman mabilis mo akong nahanap kahit late ka," sagot ko. Tumingin ako sa ibang tao na ngayon ay nagsisitayuan at sumasayaw na.
"May I have this dance?" Lumingon ako ulit kay Ridge at sa kanyang kamay na inaabot sakin. Narinig ko na rin ang pangalan ng boyfriend ni Honey at nakita kong nagulat sandali si Ridge.
"Everyone hayaan niyo pong haranahin tayong lahat ni Mr. Wren Almazan from Primston University!"
Parang binabantayan bigla ni Ridge ang reaksyon ko kaya nanatili akong behave tapos kinurot ang pisngi niya. "I didn't know Wren will be here."
"Nandito rin girlfriend niya eh," sagot ko.
"Whatever." Hinawakan ko ang kanyang kamay tapos hinila palapit sakin. Agad akong yumakap sa may batok niya at naramdaman ko naman agad ang pagpulupot ng kanyang magkabilang braso sa aking bewang.
"Sumayaw lang tayo," sabi ko tapos nakita ko na siyang ngumiti. Kawawa naman si Honey hindi pa siya maisasayaw ni Wren. Sumilip ako sa kaibigan ko at kitang kita ko na in love na naman siya sa ex niya. Grabe, parang dati lang pinag-uusapan namin ang mga boys sa Primston at dumadaan tapos nagpapapansin pa kami sa labas ng University nila. Kulang nga lang kami ngayon. Wala ang isa kong kaibigan.
"May problema ba?"
"Wala, malapit na rin akong makapagtapos pero iniisip ko 'yong kaibigan namin," sagot ko kay Ridge.
"Friend?"
"Oo, si Lyn, close rin ako sa kanya kaso bigla siyang nawala."
Hinila niya ako dahan-dahan payakap sa kanya.
"Ay, tumawag pala si mama," sabi ko nang maalala ko si mama.
"Anong sabi?"
"Wag lang raw muna ako umuwi, naputol kasi pag-uusap namin kaya hindi ko alam kung bakit." Yumakap lang ako sa kanya ng mahigpit. Hindi ko alam kung bakit miss na miss ko siya ngayon.
"Alam mo ba kanina nang makita kita, na-imagine ko na agad ikakasal tayo," sabi ko tapos inangat ang tingin ko sa kanya. Yinuko niya ang kanyang ulo ng kaunti para magtama ang aming mga mata.
"Really?" Nakangisi niyang tanong. Tumango naman ako agad.
"Parang fast forward kaya wag mo akong saktan ah," saad ko. Naramdaman ko ang paghaplos ng kanyang kamay sa aking ulo kaya napapikit ako. "Kanina masakit na naman ang ulo ko, tapos nanghihinga rin."
"Let's visit a doctor then," sabi niya. Umiling ako. Tipong malinaw pa rin ang boses niya kahit sobrang ingay na dito sa gym tapos sabayan pa ng music at mga awitin. Parang boses niya lang rin ang naririnig ko.
"Thank you Rea..." Natigilan naman ako sandali sa sinabi niya tapos umayos ng pagtayo. Natawa ako ng mahina.
"Ha?"
"Thank you."
"Bakit na naman ano na naman ginawa ko?" Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko.
"For bringing colors to my life."
"Ang korni na," sabi ko at pinipigilan ang tawa ko.
"Alam mo namang tahimik lang ako diba, I can't even show my emotions or express what I really feel to anyone," saad niya. Tumango naman ako at humigpit ang paghakawak niya sa kamay ko. "Well, I'm also thankful that I have friends, you're just different."
![](https://img.wattpad.com/cover/285659382-288-k523278.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Reserved
Romance"Want your name on my body?" - Mr. Ridge Ace Ferrer MR. SERIES III photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.