Late na rin ng gabi nang umuwi sila, tumambay lang muna ako sa garden habang hinihintay na makaalis silang lahat. Hindi ko nga alam kung bakit dito ko pa naisipang tumambay pwede namang bumalik nalang ako sa kwarto ko. O dahil, may hinihintay ako? Kahit nga si Sara pinagpahinga ko lang muna sa kwarto namin. Gusto ko rin mapag-isa o gusto ko siya ang nandito ngayon? pero nakakakinis lang kasi. Bakit ang hilig niyang lumandi? 'yon rin nakita ko sa hotel kung saan pinasama ako ni Honey. Pero hindi ko pa naman siya boyfriend diba? isa pa, kapatid ko siya. Baka mahimatay si mama kapag malaman niya 'to.
"What are you doing out here?" Napatili ako nang may biglang nagsalita sa may gilid ko. Mas lalo akong nagulat nang makita si Ridge.
"Sorry, natakot yata kita," sabi niya sabay ngiti sa'kin.
"Umalis na ba sila pati 'yong girlfriend mo?" tanong ko naman agad.
"Huh? girlfriend? but yeah, they left already," sagot niya.
"Ah, sige," sabi ko.
"Saan ka nga pala pumunta?" tanong ko. Bakit ba hindi ko minsan alam paano pigilan ang bibig ko na hindi magtanong. Napansin ko rin 'yon dati pa, simula nang magkakilala kami.
"Dapat ko bang sabihin sa'yo?" tanong niya pabalik.
"Hindi naman, nagtatanong lang eh," sagot ko na parang bata. Bigla namang may naalala ako. Hindi ko alam kung bakit parang nilalamon ko na mga sinabi ko.
"Ang sweet mo kanina kay Hana ba 'yon, girlfriend mo ba?" tanong ko. Ngumisi siya tapos umiling.
"No," sagot niya.
"Talaga parang nagsisinungaling ka naman eh," ani ko.
"She's not my girlfriend besides, I just met her today. Masama bang maging mabait lang?" Umiwas ako ng tingin, okay, naging mabait lang siya sa babae. "She can't be my type."
Umirap lang ako sa sinabi niya pero bigla ko namang naalala ang gabing 'yon. 'Yong sinabi niya na pwede niya akong maging type at mas gusto niya akong maging girlfriend. Totoo kaya 'yon o naging mabait lang siya?
"Naging mabait ka lang para makuha mo siya at maidala rin sa kwarto mo?" tanong ko at tinaasan ko siya ng kilay. Bigla naman siyang tumawa sandali at umiling-iling.
"I'm not used to showing my reactions to people but to you..." sambit niya.
"Ano, totoo naman," ani ko.
"Whatever," sabi niya tapos inangat ang tingin sa langit. Ito na naman sumasakit na naman ang tiyan ko. Hindi ko maintindihan ang mga lumilipad dito sa loob ng tiyan ko, pero baka alam ko naman anong nangyayari sa'kin pero dinedeny ko lang?
"You better get inside, it's getting colder out here," sabi niya.
"Oo nga," sagot ko tapos tumayo ako at niyakap ang sarili ko. Simula nang nakilala ko ang taong ito, parang pinaramdam niya sa'kin kung ano ang ibig sabihin ng sinasabi nila na ang buhay ay parang isang roller coaster.
"Hindi ka ba papasok?" tanong ko.
"Mamaya na," sagot niya habang nakatingin pa rin sa langit. Lumakad ako ng mabilis dahil napasakit talaga ng tiyan ko. Hindi ko pa naman gusto magbanyo at hindi rin ako nasusuka. Parang 'yong sakit nga tumataas siya hanggang sa may dibdib ko. Parang 'yong mga lumilipad sa loob ko ay lumilipad rin sila pataas.
Ayokong sabihing mga paru-paro ito.
Pagkapasok ko sa kwarto ay wala si Sara tapos lock na rin ang kwarto niya baka natutulog na siya. Humiga naman ako agad at hindi na ako nagpalit pa ng pangtulog dahil natatamad ako at isa pa iniisip ko pa rin ang nararamdaman kong 'to. Hindi naman siya ang type ko eh, kaya bakit ganito. Malayo siya kay Goerge at sobrang layo niya rin sa crush kong si Wren kaya bakit ganito?
![](https://img.wattpad.com/cover/285659382-288-k523278.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Reserved
عاطفية"Want your name on my body?" - Mr. Ridge Ace Ferrer MR. SERIES III photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.