WARNING R-18 / TRIGGER WARNINGS
--"Pasensya ka na Rea, I hope you're feeling better now," sabi ni Kuya Raymond. Nakakahiya nga at nakakailang dahil hindi niya ako pinabayaan at binantayan pa niya ako dito sa kwarto kasama si Sara. Ngumiti ako ng pilit tapos tumango. Bakit ba nakakakita na naman ako ng mga kahit ano? Ang bata ko pa non nang makakita ako ng multo.
"Salamat po," sagot ko.
"Wag mo nalang sana isipin pa ang mga sinabi ni Ate Neli, at hayaan mo lang muna si Ridge," sabi niya. Tumango ako ulit bilang sagot. Ginulo niya ang aking buhok.
"May balak ka na ba saan mo gusto pumunta? dad has a private plane, we can go wherever you want," sabi niya nang nakangiti. Gaano ba talaga sila kayaman?
"Hmm ayos lang po ako Kuya, may mga plano naman na kami ng mga kaibigan ko," sagot ko. Wala pa talagang plano pero pipilitin kong magkaroon. Ayoko lang muna silang makasama, lahat ng nandito at gusto ko lang muna lumayo. Huminga ako ng malalim at iniisip ko pa rin ang mga sinasabi nila Ate Neli at ni Ridge, naalala ko rin ang gabi na nakita ko silang dalawa.
"May lakad pa ako," sabi ni Kuya habang nakatingin sa relo niya. Tumayo siya tapos ginulo ang aking buhok.
"Stay with Rea, Sara." Nakita ko naman ang pagtango ni Sara agad.
"Kuya," pagtawag ko at hindi naman siya agad lumakad palabas.
"Sino po ang anak ni Ate Neli, kilala mo ba siya? Naniniwala po ba kayo sa'kin?" baka kasi mamaya ay kulang lang pala ako sa tulog. Hindi rin kasi ako nakatulog kagabi ng maaga.
Hindi ko alam kung bakit nag-iba ang tingin niya sa'kin pero agad rin niyang pinalitan at ngumiti. Akala ko ay tuluyan na akong kakabahan sa titig niyang 'yon.
"As I've said, wag mo silang pansinin," sagot niya at lumakad na palabas. Napasapo naman ako agad sa aking noo at napasinghap ako sa gulat nang hawakan ni Sara ang kamay ko.
"Mabuti naman po hindi na po kayo mainit," sabi niya.
"Tumawag ba si mama?" tanong ko. Gusto ko siyang makausap at gusto ko siyang nandito ngayon sa tabi ko. Hindi ko na alam anong iisipin ko. Bakit ba palaging ako nalang nabibiktima?
"Gabi na ba?" tanong ko.
"Opo ma'am, mahimbing na rin ho kasi kayong nakatulog kanina," sagot niya. Napatingin ako sa bintana, madilim na nga sa labas.
"Naku ma'am kinikilabutan na naman po ako, akala ko hindi na kasi malayo na tayo sa bahay ni Mayor," sabi ni Sara. Hindi ko lang pinansin ang sinabi niya. Baka nga hindi niya lang sinasabi na natatakot rin siya sa'kin. Ako rin, natatakot na sa sarili ko, dahil bakit nakita ko at nakausap ko 'yon. Gusto kong kausapin si Ate Neli, dahil naalala kong binalaan niya rin ako dati pero ayoko rin siyang lapitan dahil natatakot rin ako. Sobrang natatakot ako.
"Kumain na po kayo ma'am," sabi ni Sara.
"Mauna ka na Sara, wala rin kasi akong ganang kumain," sagot ko.
"Pero ma'am--"
"Hayaan mo lang muna ako Sara."
Tapos humiga ako ng maayos. Hindi na ako kinulit pa ni Sara. Kumain nalang siya tapos dumiretcho na sa kwarto niya, tawagin ko nalang raw siya kung may kailangan ako. Hindi ko alam kung makakatulog pa ba ako ulit ngayong gabi. Hindi pa tumatawag si mama. Aalis na talaga ako dito bukas. May alam ba si mama o may mga hindi pa siya sinasabi sa'kin?
Nataranta naman ako nang makita kong tumatawag na si mama. Napangiti ako at naiyak agad kong sinagot ang tawag.
"Mama!"
BINABASA MO ANG
Mr. Reserved
Romance"Want your name on my body?" - Mr. Ridge Ace Ferrer MR. SERIES III photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.