32

77 1 0
                                    

"Anak hindi mo ba talaga masasamahan si mama dito?" parang batang tanong ni mama habang inaayos ko ang aking sarili sa salamin. Gusto niya akong isama sa venue kung saan gaganapin ang bonggang engagement party nila Ridge. Napalingon ako sa aking likuran, naka-display na ang painting na ibinigay niya sa'kin dito sa apartment ko.

"Ma, alam mo namang may pasok na ako ngayon," sagot ko.

"Dapat inaasikaso ko na ang birthday party mo, kesa nandito ako," reklamo niya. Malapit na pala birthday ko. Bakit kasi magkasunod pa ang engagement party nila sa araw ko. 

"Ayos lang 'yon ma, isa pa malaki naman na ako para paghandaan," ani ko.

"Hindi pwede, gusto ko bongga rin ang celebration mo. Ngayon pa ba tayo magpapatalo?" 

Natawa lang ako sa sinabi ni mama. Nakipagkwentuhan pa ako saglit habang nag-aayos tapos pinatay ko na ang tawag at bumaba na. Hindi pa ako kumakain ng lunch, siguro mamaya na kapag tapos ang klase ko. Hindi lang sana ako bigyan ng stress ng mga batang 'yon. Nang makababa ako ay chineck ko muna ang bag ko baka may nakalimutan akong dalhin. 

Pagkalabas ko ng building ay naghihintay na pala ang driver ko. Binigay rin ni dad itong sasakyan. Ibang driver na ngayon si Sir Julie.  Tahimik lang siya kaya hindi kami masiyadong nagkakausap. Naiilang rin ako sa sobrang pagkatahimik niya. 

"Good morning po kuya!" pagbati ko sa kanya tapos ngumiti lang siya. Napairap naman ako agad nang tumalikod siya at pinagbuksan ako ng pinto. Cute pa naman itong si Kuya Julie. Parang matanda lang rin siya ng ilang taon sa'kin. 

"Salamat po," sabi ko nang makapasok na ako sa likuran ng sasakyan at wala pa rin siyang kahit isang salita. Ngumiti lang. 'Yon lang trabaho niya. Napabuntong hininga ako at naalala si Ridge tuwing tahimik siya. Tuwing hindi niya minsan maipakita ang totoong nararamdaman niya, kaya siguro minsan naibubuhos niya lahat sa pagpipinta. 

Tumingin ako sa cellphone ko at nakitang may message si mama ulit.

Mama:

wala pa si Ridge. Kanina pa namin inaantay. Hinahanap siya ng mapapangasawa niya.

Kumunot naman ang aking noo sa sinabi ni mama.  Hinahanap?  Saan naman kaya magpupunta ngayon? Huwag ko lang sana mabalitaan na nagloloko na naman 'yon. Pero baka wala lang akong alam, kaya rin siguro naisip niyang magpagamot ulit para sa mapapangasawa niya. Ang bata pa niya ah para magkaroon ng asawa.

Rea:

baka na-late lang. late rin siya nong dinner eh.

Minsan para na kaming dalawang Marites ni mama. Kahit ano lang mapag-usapan namin. Tapos marami siyang naikwekwento sa'kin. Sana lang hindi si mama nagpapastress sa nangyayari sa paligid niya dahil wala na kaming pakealam don.

"Ma'am? nandito na po tayo?" Narinig ko na rin si Kuya Julie na magsalita. Ngumiti naman ako bilang sagot gaya ng ginagawa niya tapos lumabas na. 

"Ri--Ridge?" Natulala ako sandali nang may nakita akong isang lalaki na nasa tapat ng gate ng school. Tumingin naman ako sa sasakyan na ngayon ay paalis na. Anong ginagawa ni Ridge dito? Huminga ako ng malalim bago lumapit sa kanya, kahit nakasuot siya ng maangas na shades ay agad ko siyang nakilala. Napansin ko ring may mga estudyante at mga teachers na napapatingin sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Oh, Rea, good morning." Nakangiti niyang pagbati sa'kin bago niya tinanggal ang shades niya. 

"Diba dapat nasa--"

"I don't want to go there."

Napairap naman ako at pinakita sa kanya ang text message ni mama sa'kin.

Mr. ReservedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon