"Kaya mo ba?" tanong ko kay Ridge nang matapos sila at sinusuot nalang niya ng maayos ang shirt niya. Mukhang nasakit 'yon. Tahimik siya mula kanina pa. Hindi ko naman alam paano siya kakausapin ulit. Puro lang naman siya tanong sa kapatid niya. Paano ito ngumiti at kung ano ang mga pinag-usapan namin.
May bigla namang maiingay ang pumasok sa shop tapos bigla akong hinila ni Ridge papunta sa likuran niya.
"Hide your face," sabi niya. Kumunot naman ang noo ko.
"Huh bakit naman--" hinarangan niya talaga ako. Likuran niya ang kaharap ko ngayon. Napansin ko rin mula sa mga anino ay may mga taong lumapit sa kanya.
"Hey, if it's not the black sheep of the family, Ridge Ace Ferrer."
May mga naririnig rin akong tawanan. Bakit ba kailangan kong itago ang mukha ko.
"Shut up, Derek," sagot ni Ridge.
"I hope you have already moved on Ridge."
"Die," sabi ni Ridge tapos bigla niya akong hinila pasabay sa paglalakad sa kanya. Parang nagmamadali rin siyang makalabas.
"You still don't have any proof!" sigaw ng lalaki pero hindi ako lumingon sa kanila. Hinayaan ko lang siyang hilain ako hanggang sa makalabas kami ng shop. Nauna siyang sumakay ng sasakyan kaya nagmdali akong buksan ang pinto at sumakay.
"Ayos ka lang ba, sino ang mga 'yon?" tanong ko.
"Stop asking questions," sabi niya tapos muntik akong mapasigaw nang ang bilis niyang paandarin ang sasakyan. Nataranta pa akong ayusin ang seatbelt ko.
"Ridge!" sigaw ko at mas lalo niyang pinaharurot ang sasakyan. Inabot ko naman ang kamay braso niya dahil hindi na yata ako makakahinga. Pakiramdam ko sumakay kami ng eroplano tapos bigla akong itinulak papunta sa baba.
"May hinahabol ka ba ngayon?" tanong ko nang ihinto niya ang sasakyan. "Wag mo akong idamay."
Bubuksan ko sana ang pinto pero naka-lock ito bigla.
"Buksan mo 'to sasakay nalang ako ng jeep mula rito," sabi ko tapos pinilit na buksan ang pinto.
Natigilan naman ako nang bigla niyang sinuntok ang manibela at inuntog niya ang likod ng kanyang ulo sa sandalan ng sasakyan..
"Ridge ano bang nangyayari sayo!" sigaw ko. Kinakabahan na ako sa kanya.
"Just shut the fuck up!" sigaw niya bigla at dahil sa sobrang lakas ng boses niya ay tumahimik ako at sumandal ng maayos sa upuan. Pero pilit ko pa ring binubuksan ang pinto.
"Mas gusto ko pa 'yong tahimik ka lang," sabi ko tapos isinandal ang ulo ko sa bintana.
Hindi na siya nagsalita ulit. Hindi ko alam kung nainis ba siya sa'kin o sa mga tao kanina sa shop. Bahala na. Wala naman akong pakealam.
Iniuwi niya ako sa bahay at hindi kami nagpansinan hanggang sa pumasok kami sa bahay pero nakita ko ring lumabas siyanagad kagaya ng isang araw ay umalis siya. Napailing-iling nalang ako tapos hinanap si mama.
"Umalis po sila ni Mayor Raymond," sabi ni Sara nang makarating ako sa kusina. Palaging busy dito parang araw-araw may handaan. Lumabas ako kasama si Sara, tumambay lang muna kami sa hardin.
"May alam ka ba sa kambal ni Ridge?" tanong ko kay Sara at nakita kong natakot siya agad. Tinawanan ko lang siya tapos pinagmasdan ang mga bulaklak. Hindi ko alam kung bakit nawala bigla ang takot ko.
"Eh si ma'am naman sa lahat pa ng pwedeng topic." nakita ko siyang napakamot sa ulo.
"May alam ka 'no? i-chika mo naman sa'kin." tapos pinanliitan ko siya ng mga mata.
BINABASA MO ANG
Mr. Reserved
Romance"Want your name on my body?" - Mr. Ridge Ace Ferrer MR. SERIES III photos (Canva's free photos/ elements) used are not mine . Credits to the rightful owners.